Maha's Pov
"AAAAANNNNNOOOOO?????!!!!!"
Lahat ng tao sa hallway, napatingin sa akin.
"SSHH!!" pagsisita sa akin ni Zia.
"Ah, sorry po. A-ha-ha!! Sorry po. May saltik lang po yung kaibigan ko sa utak. Pagpasensyahan niyo na po. A-ha-ha!!" pagpapaumanhin ni Myka. Binatukan ko nga. =_____=
"Kababae mong tao, nambabatok ka?!! Baka gusto mong magaya kay Krishia?!!" reklamo niya sa akin.
Bigla namang may umakbay sa akin. "Huwag kang mag-alala, pre. Tuturuan kita. Akong bahala sayo" sabi ni Krishia, sabay kindat sa akin.
"Bitawan mo nga ako, Krishia!! Nangingibabaw yung putok mo!! Ahahaha!!" biro ko.
Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin.
"Oy kapal mo ah!! *sniff* *sniff* *sniff* Wala naman ah!! Tsaka, nagtawas kaya ako!! Baka ikaw yun?? Ahahaha!!"
If looks can kill, baka lasog-lasog na itong babae na ito sa harapan ko ngayon. Binuhusan ko nga siya ng mga famous death glare ko.
"As I was saying, BAKIT KA PUMAYAG MAGPANGGAP NA GIRLFRIEND NIYA?!!" halos napatalon lahat ng tao sa hallway dahil sa sigaw ko.
Paano ba namang hindi? Eh kabago-bago pa lang namin, kung sumigaw, akala mo kung sinong popular dito sa paaralang ito. Masyado naman po atang feelingera itong bruhildang ito ano? Psh. =__________=
"Sabi na ngang SHUSH!!" sita na naman sa akin ni Zia.
"Fine!! Pero bakit??"
"Gusto kong makipaglaro..." sabi niya sabay lakad pauna.
Laro? Gusto niyang magkipaglaro? Bakit kay bastos pa? Bakit di na lang sa mga batang nasa labas na naglalaro ng patintero, chinese garter, o di kaya taya-tayaan? Pwede din naman kami. Maglaro kami ng tagu-taguan, ice-ice-water, o di kaya rainbow jump.
(A/N: Sa mga di nakakaalam ng rainbow jump, para siyang limbo rock o "how-low-can-you-go" pero ang gamit ay garter tapos dapat pataasan kayo ng talon. Totally opposite siya ng limbo rock. Hahaha!! Naki-eps na naman ako. K bye!! :))
Okay. Medyo corny, alam ko. Pero, di ba parang na din--
"Lolokohin mo siya?" Okay, Cat!! Mang-agaw ka lang ng linya!! =___________= Bwisit naman. Sasabihin ko na eh. Kainis!!
Bigla na lang napahinto si Zia. Anyare??
"Makikilaro lang ako sa laro niya. Hindi na din naman na ako pwedeng umatras. Para na rin ito sa kapakanan ng mga babae sa eskwelahang ito. Ayoko na silang masaktan pa. Kung gusto niyang maglaro, fine then. Makikilaro ako. Yun lang yung tangi paraan para makalaban kami ng patas. I'll just have to sacrifice my daily routine and normal life..." sabi niya habang unting-unti siyang humaharap sa amin.
"And besides, I'll just have to apply my acting skills" dagdag niya sabay ngisi. Pero bigla ding nawala yung ngising yun.
"This is for the sake of the bond between boys and girls. Ayoko namang grumaduate sa isang school na may galit pa rin na nakatanim sa puso ng mga boys and girls. What's the point of this silly clash anyway? Nadaig pa naman nila ata yung World War II. Hahaha... Ako, tayo, na lang mismo ang magbabago ng pakikitungo ng bawat estudyante sa isa't isa. Kaya makikipaglaro ako" sabi niya ulit sabay una na sa classroom.
Bigla naman napaharap si Krishia kay Myka.
Krishia: "Grabe, pre. May timba ka? Penge na rin ng tissue. Nakaka-emo. Pwede nang pang-MMK. Mamayang recess nga, magsisimula na akong magsulat ng liham para kay Ma'am Charo"
Binatukan nga ni Myka! Hahaha!! Natawa na lang si Krishia.
Ako: "Hashtag Nosebleed. Grabe ang daming nawala sa akin na dugo. Pasalin nga"
Cat: "That feeling na nagtanong ka lang ng "Bakit?", inispeechan ka na ng kaibigan mo"
Krishia: "Hahaha!! Zia for president!! Hahaha!!"
Myka: "Tapos na rin naman yung elections, Krishia. Tsaka, di naman siya nangampanya eh. Sama naman nito"
Ako: "Tsaka malalate na tayo sa klase natin eh. Mauna na ako"
(A/N: Wow!! Rhymes!! XDD)
Bigla naman na akong tumakbo. Ayokong-ayoko pa naman sa lahat yung malate sa klase. ><"
Bigla naman sumigaw yung tatlo.
"HUY MAHA!! HINTAAAYYY!!!"
I just can't help but laugh.
BINABASA MO ANG
Teen Clash-G.G.E.U.W.T.B.B
Teen FictionTeen Clash. Ano bang nasa isip ninyo pag naririnig niyo itong salitang ito? Hatred? Teens only? Catfights? Debates? Torture? Racists? Pwede lahat yan maging description ng word na "Teen Clash". Pero, ANO BA TALAGA ANG MEANING NG SALITANG ITO? Okay...