Chapter 22- Meeting the 3rd Cassanova

1.6K 38 0
                                    

Myka's Pov

Oh my gee oh my gee oh my gee OH MY GEE!!

Eto na!! Thiz iz really iz it ng bonggang-bongga!!

Sobrang tahimik nung classroom. As in na kahit yung mga boys, ang babait nilang tignan. Yes, mabait po sila ngayon.

Medyo formal din yung attire nila ngayon. Maraming nakapolo-shirt. Yung iba naman, may suot na fake glasses. Hula ko, pinamumukha nila sa DepEd observer na matatalino sila. Haay. =__________=

Boys will always be boys.

Grabe makamasid si Sir Reyes ngayon. Siya kasi yung inassign na DepEd observer para sa section namin.

Si Ma'am De Guzman naman, walang tigil pa rin sa pagsasalita tungkol sa lesson. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng piliin na subject ni Sir Reyes ngayon, bakit AP/History pa?!!

Ayan tuloy, di ako pwedeng matulog habang nagdidiscussion. Bwisit. =____________________=

"So that is why Filipinas were called comfort women during the Japanese occupation. It is because they were raped by the Japanese soldiers. They were forced to make themselves ugly and try suicide in order to prevent themselves getting sexual harassed by the Japanese soldiers..."

Grabe naman yung lesson!! Nakaka-awkward!! >_____<

Nagrerecord lang si Sir sa isang sulok dun sa dulo.

Bigla namang bumahing itong katabi ko. Buti na lang nakuha niya agad yung panyo niya kaya patuloy pa rin sa pagdidiscuss si ma'am.

Nakakadiri naman siya. Makapunas sa ilong niya, wagas. Dinaig pa si Honesto sa pamumula nung ilong, walang sinabi din si Rudolph. =__________=

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa classroom, siya pa talaga yung itinabi sa akin?!!

"Uy, may pulbos ka ba? Nangangati na kasi talaga yung leeg ko sa collar na ito eh. Tsaka, para na rin fresh ako mamaya sa basketball" biglang bulong sa akin ni Dungo.

Opo, si Dungo po ngayon yung katabi ko. Sa isang araw lang naman eh. Pero wala pa nga sa kalahati ng araw, sira na agad dahil sa kanya.

Yung adviser po namin kasi, inannounce na mag-mix daw muna kami para daw hindi daw magduda yung mag-oobserve sa amin ngayon.

Isa kasi yung Royal Academy sa pinakabest schools in the Philippines. "One of a kind" nga daw kasi bukod sa hindi ito university, eh spacious yung school grounds kaya pwedeng-pwedeng tumambay-tambay lang yung mga estudyante sa mini park ng school. Pwede pa nga daw dito mag-slumber party eh dahil na rin sa sobrang spacious nung mga classrooms.

Pero di talaga alam ng lahat na may nagaganap dito na clash. Nirequest daw kasi nung principal na wag na daw sabihin yung tungkol sa clash para daw di masira yung imahe ng academy.

Kaya feeling ko, nasa PBB kami. Ang pinagkaiba nga lang, walang dorms dito pati na rin mga challenges o games dito.

Wish ko nga, sana magkaroon man lang kahit mga ilang months lang o di kaya buong school year. Para na rin ma-enjoy namin yung "last days of being in highschool" namin.

Binulungan ko na lang siya ng "Sorry wala ako eh" habang nagsusulat ng lecture dahil nagpalecture si ma'am.

"Alam kong meron ka. Kasi alam kong masyadong maarte yung mga babae sa itusra pa lang" sabi niya, habang iniscan niya yung mga mata niya sa akin sabay ngisi.

Oo nga pala. Nakalimutan kong "simple-minded" siya. =____________________=

"Oh?! Look who's talking!! Ikaw ata kasi yung maarte sa ating dalawa dahil nanghihingi ka sa akin ng pulbos. Di ba parang, unusual yun sa isang lalaki na ipakita nila yung OTHER SIDE nila sa girls. Maliban na lang kung INAAMIN mo" sabi ko sabay ngisi din. Yup. I have just emphasized those three words.

Teen Clash-G.G.E.U.W.T.B.BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon