Chapter 12- The Deal

2.4K 48 3
                                    

A/N:

So as I said, magpopost ako ng mga pics ng mga original characters ko!!

Pero as said in the story, 4TH YEAR kami dito. Pero in REAL LIFE naman, 1ST YEAR pa lang kami. YES!! Kakagraduate lang nung author niyo nung March 22!!

Pero, made-up lang naman ito eh!! Just PURE IMAGINATION lang po ito so pagpasensyahan niyo na ito!!

Pero wish ko nga, na sana totoo ito eh.....

Anubayan!! Mga iniisip ng author niyo!!

Yung nasa right ay si

-------------------->

Catherine Quizon!!

Next Chapters po yung ibang characters so, ABANGAN!

Anyways, ENJOY!!

**********

Zia's Pov

"KAYO?!"

"Oo na! Oo na! Kami na!" sabi ni bastos A.K.A holdapper ko.

"Bakit naman naisipan niyo nakawan kami?!" tanong ni Maha.

"Okay lang ba sa inyo yung rason na "Trip lang namin kasi"?" sabi nung Dungo A.K.A holdapper ni Maha.

Binitawan namin sila. Tapos lumayo ako sa kanila. "Uy Zia! Saan ka pupunta?" sabi sa akin ni Cat.

Humarap ako sa mga boys. "Alam niyo ba na natrauma ako dati dahil muntik na akong makidnap nung bata pa ako?!" sigaw ko sa kanila. Napapaluha na ako. Eh kasi naman totoo eh.

"Dahil lang pinabayaan lang ako ng yaya ko!" sigaw ko sa kanila. Bigla na lang ako kinocomfort nina Maha.

*Flashback*

Nasa park na ako ngayon! Kasama ko nga lang si yaya ngayon kasi busy sina mama eh.

"Yaya, laro tayo sa seesaw!" sabi ko, sabay turo sa seesaw. "Sige" sabi niya. Tumakbo na lang ako bigla papunta sa seesaw.

"Zia! Dahan-dahan ka lang! Baka madapa ka!" sigaw sa akin ni yaya. Pero di ko siya pinakinggan. Umupo ako agad sa seesaw.

Biglang may nakita akong nagbebenta ng ice cream. "Yaya!! Bilin niyo ako ng ice cream!! Gusto ko Cookies N' Cream!!" sabi ko habang nakaturo sa nagbebenta ng ice cream.

"O sige. Diyan ka lang ha? Huwag kang aalis. Bibili lang ako" sabi sa akin ni yaya. Tapos umalis na siya.

Bigla na lang ako nilapitan ng isang lalaking naka itim.

"Bata, gusto mo maglaro tayo?" sabi niya. "OPO!" natutuwa kong sagot.

"O sige. Laro tayo ng Hide and Seek! Ako yung taya, kaya magtago ka ha?" sabi sa akin ng lalaki. Tumango ako. Tapos tumalikod siya.

"Isa.....Dalawa.....Tatlo....." sabi niya. Nagsimula na akong tumakbo. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno. Bigla na lang may dumating na isa pang lalaki.

Ngumiti siya. Tapos bigla niya na akong binuhat. Napasigaw ako. "AAAAAAAAAA!!!!! BITAWAN NIYO PO AKO!!!!! YAYAAAAA!!!!!" sigaw ko. Bigla na lang tumakbo yung lalaki, buhat buhat niya ako.

Tumakbo din yung yaya ko,sumisigaw. "TULONG!!!!! TULUNGAN NIYO PO AKO!!!!! KINIDNAP PO YUNG ALAGA KO!!!!! TULUNGAN NIYO PO AKO!!!!!"

Bigla na lang may sumulpot na mga lalaki, yung mga naglalakad lang, yung parang naglilibot lang. K, back to me being kidnapped na tayo!! XP

Anyways, nagkaroon ng bugbugan. Nabitawan ako ng kidnapper, dahilan sa pagkahulog ko. Nilapitan ako ng yaya ko.

Tuluyan na din akong umiiyak. "Shhhh. Zia, tahan na. Hindi na kita pababayaan ulit. Tahan na..."

*End of Flashback*

"GRABE YUNG HIRAP KO NOON PARA LANG MAWALA YUNG PAGKATRAUMA KO!!" sigaw ko sa kanila, habang umiiyak ako.

"Anubayan!! Hinoldap lang naman namin kayo, napunta naman tayo sa pagkakidnap mo!!" sabi nung Sadiz, habang nakangisi. A.K.A holdapper ni Cat.

Bigla na lang ako lumapit sa kanya, reading ready ko na siya sampalin. Pero napigilan ako nina Maha.

Hindi kasi maganda ang mangyayari pag sobrang galit na ako.

"Ganito na lang, huwag ninyo kaming isusumbong sa school. In exchange naman, ihahatid namin kayo sa bahay ninyo. Okay lang sa inyo?" sabi sa akin ni bastos.

"Can we trust you?" tanong ni Cat, mukhang seryosong seryoso yung mukha niya.

"Yup. You can trust us. Bakit naman hindi?" sabi nung Joshua, A.K.A holdapper ni Myka.

"Malay ba namin na totoo iyan!! Baka ikidnap niyo kami pagkatapos niyo kaming iholdap!!" sabi ni Krishia.

"Alam niyo mga pre, mahirap talagang intindihin yang mga iniisip ng mga babae. Huwag niyo nang pilitin kung ayaw nila. Bahala na sila sa mga buhay nila." sabi nung Bon, A.K.A holdapper ni Krishia.

"Sige. Payag na ako" sabi ko. Napatingin sa akin yung apat na babae. "Zia, seryoso?!" sabi sa akin ni Myka.

"Eh baka naman ikidnap tayo ng mga iyan!" sabi sa akin ni Krishia.

"Sinabi nilang HINDI nila tayo ikikidnap. Kaya trusted sila" sabi ko sa kanila.

"Pero in one condition" sabi ko sa mga boys, dahilan sa pagkatingin nila sa akin.

"Para mas mabilis, ihahatid niyo kaming INDIVIDUALLY sa aming mga bahay" sabi ko sa kanila.

Bigla na lang ako hinila nina Maha papalayo. "Di ba nakatira tayo sa iisang bahay?! Bakit kailangan pa nating humiwalay?!" bulong sa akin ni Cat.

"It's a test. Para makita natin kung trusted talaga sila o hindi" bulong ko sa kanila.

"Eh papano kung hindi?" bulong sa akin ni Krishia.

"Girls, di ba marunong tayo lumaban? Kung sakali man kinidnap tayo, eh di lumaban na lang tayo!" bulong ko sa kanila.

Bigla na lang ako humarap sa mga boys. "So, ayos lang sa inyo?" sabi ko sa kanila.

"Basta hindi niyo kami isusumbong?" tanong sa akin ni bastos.

"Okay" sabi ko.

"It's a deal" sabay sabay nilang sagot ng mga boys.

"Now, girls. Puntahan niyo na yung mga humoldap sa inyo kanina" utos ko sa mga girls.

Napabugtong-hininga sila sabay punta sa mga boys. "Hoy bastos!!" sabi ko. Napatingin naman sa akin yung boys.

Halatang naguguluhan sila sa sinabi ko. "Ang tinutukoy ko ay ikaw!!" sabi ko, sabay turo ko kay bastos.

"H-Ha? Ako?" sabi niya habang nakaturo ako sa kanya.

"Oo!! Ikaw!! Nasaan yung kotse mo?" sabi ko, sabay baba ng kamay ko.

Bigla siya naglakad papunta sa kotse niya. "Well, girls. Good luck na lang!! Kita-kits na lang tayo bukas sa school!!" sabi ko habang kumakaway pa.

"Sige, kita-kits na lang..." sabi ni Maha, na walang kaenergy-energy sa sinabi niya. Minasamaan ko siya ng tingin. Tapos tumalikod na ako para sundan si bastos.

Pero, magiging safe ba ako?

Teen Clash-G.G.E.U.W.T.B.BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon