Chapter One - Food Fight!

181 9 2
                                    

Alex's POV

I woke up from the sound of my alarm clock.

6:45 am

"Shoot... Late na ako!"

Tinurn-off ko yung alarm at nagmadaling nag-ayos.

Tumakbo ako palabas ng aking condo at  nag-drive papuntang school.

Tring... Tring...

"Ugh. Wag ngayon phone!"

Pagkadating ko sa school, pinark ko agad yung sasakyan ko at dali daling pumunta sa room which is in.. 4A

Pagkadating ko sa room... Wala pang tao?

Ang aga ko naman ata pero bakit pagkakita ko sa time... Di bale na, at least andito na ako, wala na akong proproblemahin na malalate na ako.

Pagkaupo ko, may pumasok na lalaking estudyante na never ko pang nakita sa school. New student siguro.

Minutes later, sunod sunod yung mga classmates kong pumasok at kasabay na rin nilang pumasok si Ma'am Jameson.

"Class, settle down and take a seat, please." Sabi niya.

Umupo naman yung mga estudyante sa kani-kaniyang upuan at nanahimik.

"I'm Ms. Jameson and I will be your adviser for the whole week since yung adviser niyo, nasarapan pang magbakasyon." Nagsitawanan yung mga students, except for me. Nagsimulang nagturo si Ma'am at wala pa sa kalagitnaan, biglang may sumigaw na, "Ma'am!" Si Yanna siguro 'to.

Nagsitinginan kaming lahat sa kaniya at halatang pulang-pula na siya sa kahihiyan. One of the things I know about her is that she never wanted any attentions from anyone.

"Sit down, Ms. Anderson." At umupo si Yanna sa tabi ko. "Bat di mo ako ginising?" Tanong niya.

"Sabi mo kagabi, kaya mo na kaya di na kita ginising." Sabi ko. Naparoll yung eyes niya at humarap sa teacher naming nagtuturo.

"First day na first day, nagtuturo na agad." Bulong niya.

"Masanay ka na, three years ka nang nag-aaral dito tapos ngayon ka lang magrereklamo?" Sabi ko.

*Lunch Time*

Papunta na ako sa locker ko habang nagbabasa ng libro ng may bumangga sa akin ng napakalakas, natumba ako at nagkalat lahat ng libro ko.

Nagpatuloy pa ring naglakad yung nakabunggo sa akin. Pssh... Hindi man lang tumulong.

Kinuha ko yung mga libro ko at tumayo.

***

"Oh, bakit paika-ika yung lakad mo?" Tanong ng pinsan kong si Yanna.

"Natisod lang ako nung papunta ako sa locker." I lied.

"Ah. Tanga mo kasi eh." Tawa niya.

Pununta kami sa cafeteria at umupo sa empty seat. "Ano gusto mo?" Tanong niya habang hinahanda yung wallet.

"Bahala ka." Sabi ko naman.

Pagkabalik niya, may dala syang dalawang orange juice, a piece of cake at pizza. "Sa akin yung pizza." Sabi niya sabay upo. Nag-nod na lang ako kasi gutom na ako eh.

Habang kumakain kami, may sumigaw ng "Food Fight!!" At lahat sila, nagbatuhan ng pagkain kung kani-kanino.

And since kami nadadamay, kinuha ko yung cake ko and I smacked it into someone's face. Bigla na lang akong napa-sorry since ngayon ko lang to nagawa... Bakit ko nga ba ginawa yun?

Opposite Attracts (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now