Alex's POV
Naisipan ko munang maglakad-lakad sa park since wala naman talaga akong gagawin.
Sinuot ko yung skinny jeans ko at yung grey sweatshirt ko kasi medyo malamig. Kinuha ko yung iPod at earphones ko.
Palabas na sana ako ng condominium kaya lang, may tumawag sa pangalan ko. Sino na naman kaya yun?
Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling yung boses na yun at kung minamalas nga naman oh, siya pa! The one and only... Epal!
Tumatakbo siya papunta sa akin at nung nasa harap ko na siya, hingal na hingal na siya. Tinignan ko lang siya na para bang diring diri.
Sa buong buhay ko, never pa akong naging masama sa ibang tao. Actually, ako pa nga yung tinatawag nilang good girl sa school eh pero once na nalaman nila yung totoo kong ugali, baka tawagin nila akong dragon.
"Bakit ka ganyan makatitig? Alam mo, baka matunaw ako nyan."
Bigla akong nagising sa katotohanan, oo nga pala, andyan yung feelingerong ice cream.
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na ako patungo sa park.
"Hoy, wait lang!" Sigaw niya at hinabol na naman niya ako. Bakit ba siya sunod ng sunod?
Bigla siyang umakbay. Aish! Ambigat naman ng kamay, muntik na akong matapilok.
"Alam mo na ba kung anong pangalan ng future baby natin?" Ew! Ano ba pinagsasabi nitong Xander na to?!
"Hindi. At wala ako sa mood para marinig yung boses mo kaya tumahimik ka na lang dyan kung ayaw mong magka-black eye."
Bigla siyang tumawa. In fairness, ang gwapo ng tawa niya. "Ang cute mo naman kapag nagagalit ka."
Kailan ba ako tatantanan nitong lalaking to? Tsaka, bakit ba ako naiinis? Bakit ako lumalaban? Most of the time, kapag may nambubully sa akin, hindi ko naman pinapansin. Bakit pagdating sa kanya, ang ingay ko tsaka nagiging palaban?
Hays, siguro sadyang nakakaasar yung mukha niya. Hindi ko na makayanan.
Naglakad ako ng mabilis kaya lang nakasunod pa rin siya dahil naka-akbay pa rin siya.
"Alam mo, kapag nagka-anak tayo ng babae, papangalanan ko yun ng Alexus. Oh diba?" Tumawa na naman siya, bakit ba trip niya ako?
"Alam mo, never kitang papakasalan at never rin kitang gagawing tatay ng mga future kids ko."
"Sabi mo lang yan pero deep inside.." Yan yung sinasabi ko palagi kay Yanna dati nung hindi pa niya inaamin na may gusto siya kay Ken.
"Shut up ka na lang please?"
Hanggang sa makarating kami sa park, hindi pa rin matigil yung bunganga niya. Bakla ba to? Sa pagkakaalam ko, ang mga babae yung madaldal.
Ang tanga ko talaga, dala ko nga pala yung iPod ko! Syete, bakit ko kinalimutan yun? Edi sana hindi ko na maririnig yung boses niya. Sinuot ko yung earphones ko at nagpatugtog sa iPod.
Much better.
Habang naglalakad kami, may nakita akong pamilyar na mga mukha. Si Lucas? Tsaka si Yanna? Ano naman ginagawa nila dito?
Hay, bahala na nga sila dyan. Baka sinunod lang ni Lucas yung inadvice ko sa kanya. Nang makarating ako sa mga palaruan, napansin kong hindi ko na kasama si Xander. Buti naman!
Nagsimula na akong mapagod kaya umuwi na lang ako ulit.
Pagkadating ko sa bahay, gumawa ako ng salad dahil trip ko lang. HEHE.
YOU ARE READING
Opposite Attracts (SLOW UPDATE)
Genç KurguAlexandra. She's the nerd type. Tahimik lang. And also shy. Madalas siyang nabubully pero hindi na lang niya ito pinapansin dahil sabi nga niya, "Fighting bullies are not worth my time. Inaaksaya lang nila ang oras ko." Brianna, on the other hand...