Alex's POV
"Lex, gising na."
Minulat ko yung mata ko ng sandali at umupo. Nagulat ako na si Xander pala yung nanggising.
"Good morning." Sabi niya, sabay ngiti.
I rolled my eyes and said, "Hindi maganda ang morning ko kapag ikaw ang unang taong palagi kong nakikita tuwing umaga." Ano kaya nakain nito at bakit nagpapakabait siya?
"Aray ko naman! Right in the feels." Sabay niya habang nakahawak sa kaliwang dibdib niya.
"Ang arte mo." Sabi ko at nagdecide na tumayo pero yung paningin ko biglang umikot kayo umupo ulit ako.
"Hangover? Yan kasi. Gagala-gala kagabi tapos hindi mo alam na lasing ka na pala. Buti mabait akong tao at inalagaan pa kita."
"Inalagaan? Lokohin mo lola mo!" Sabi ko at sinubukang tumayo pero nahihilo pa rin ako.
"Wag ka na kayang pumasok.." Sabi niya sabay alalay sa akin.
"Ayoko nga. Magkakarecord ako sa pag-absent eh." Sabi ko, pilit paring tumayo.
"Edi gumawa ka ng excuse letter."
"Like I said, a-yo-ko!" At bigla akong pumunta sa labas ng kwarto ko at kumuha ng makakain while ignoring the pain in my head.
"Pero kaya mo bang pumasok?" Ano ba nangyari? Nung isang araw lang wala siyang paki sa akin, ngayon concern na concern. Magugunaw na ba yung mundo?
Nag-nod na lang ako at nagpatuloy maglakad. Kumuha ako ng gatas at cereals at naglagay ako ng onti sa maliit na bowl.
Pagkatapos kong kumain, ginawa ko na yung morning routine ko habang si Xander, nanonood lang ng TV. Medyo nawala na yung hilo ko dahil sa gamot na ininom ko kaya mas maayos na akong maglakad.
Nung paalis na ako, biglang sumigaw si Xander ng "Wait!" At tumigil ako, "Makikisabay lang ako. Hiniram kasi ni Lucas yung sasakyan ko." Nga pala, close sila. Ang galing noh? Parehas silang sinali sa BUSINESS CRAP na 'to.
Nag-nod na lang ako at sabay kaming pumunta sa sasakyan ko. "Bakit ba ayaw mo akong mag-drive?" Tanong niya sa akin.
"Kasi baby ko tong sasakyan na to. Ayaw ko nga tong magasgasan." Nagdrive na ako papuntang school habang nagpatugtog ng kanta sa radyo.
Medyo tahimik kaming dalawa pero hindi mo masasabing awkward silence yun since may kanta namang pumapagitan sa amin. Ang saya nga eh!
*At the School*
Same stares pero this time, may mga bulong like, "Sila ba?" Or, "Ang landi naman ng babaeng yan."
And who are you to judge me? Hindi niyo alam tungkol sa amin! Gusto ko na talagang isigaw kaya lang hindi ko magawa.
Medyo nagagalit na ako sa kanila at biglang may luhang lumabas sa mata ko. Ganun kasi ako magalit eh, napupunta na lang sa luha.
Nauna na si Xander sa akin kasi nagpahuli ako para punasan yung mga luha ko. Buti hindi niya napansin. Pagkapasok ko, pumasok sa kabilang pinto yung adviser namin (dalawa kasi yung pintuan sa bawat classroom).
Dumiretso ako sa upuan ko. Nagsimulang nagturo yung teacher namin at napansin kong wala si Yanna.. Saan na kaya siya?
Nang matapos ang buong morning period, hindi pa rin siya dumadating. Pumunta na lang ako sa cafeteria mag-isa since wala naman akong kaibigan at kumain na lang.
***
Welp, absent siya. Maka-uwi na nga lang mag-isa.
Nang marating ko yung condo, I decided na pumunta muna ako kay Yanna.
Kumatok muna ako at pumasok agad at.. Wth? "Ano tong nakikita ko?!"
Yanna's POV
Pagkamulat na pagkamulat ko palang ng mata ko, nakita ko na yung lalaking ayoko ng makita kahit kailan. "Kumain ka na lang. Kapag kailangan mo ako, nasa sofa lang ako. Nanonood."
Ngayon ko lang napansin na may tray na pala sa tabi ko kaya kinuha ko ito agad at kumain. Medyo sumasakit yung ulo ko kaya lang di na lang ako nagpahalata. Hindi pa rin umalis Lucas.
"Wait diba may pasok ngayon?"
"Manahimik ka jan Yanna at kumain na iinom ka pa ng gamot mo." Sabi ni Lucas habang naka-cross yung arms niya.
"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kaniyahabang ngumunguya.
"Kasi ako yung magbabantay sayo." Sabi nya at napabuntong hininga, "Eh...pwede naman si Alex yung magbantay sakin?" I said and he rolled his eyes.
"Okay ka lang yang pinsan mo ang magaalaga? Eh ayaw nga nyang umabsent eh." Paano niya nalaman? Akala ko big secret niya yun?
"Kahit na! Kaya ko naman sarili ko eh." Sigaw ko sa kaniya. "Manahimik ka na nga jan!!" Pabalik na sigaw niya. "Edi tatahimik."
Great! Kasama ko tuloy soya buong araw.
Umalis na siya sa kwarto ko at matapos kong maubos yung pagkain, Uminom ako ng gamot.
***
Anong oras kaya uuwi si Alex? Ang boring naman kasi eh. Hays, manonood na nga lang ako.
Lumabas ako ng kwarto at binuksan yung TV. Kukuhanin ko na sana yung remote kaya lang kinuha na agad ni Lucas.
"Akin na yan!" Sigaw ko habang inaabot yung remote sa kamay niya. "Ayoko nga!" Nag-agawan kami ng remote nang bigla kami natumbang dalawa.
Nakapatong si Lucas sa akin at nakatitig lang sa mata ko. I could feel my face heat up. Paheras kaming hindi makagalaw dahil sa pagkagulat sa nangyare. Tae, may kumatok! Ayaw pa rin ni Lucas umalis. Bigla siyang ngumiti.
"Ano tong nakikita ko?!" Sabi ko na nga ba na mangyayare to eh.
Tinulak ko agad si Lucas at napa-aray siya. Tumayo ako agad at ngumiti, "Kanina ka pa ba diyan."
Tumingin ako kay Lucas na nakangiti lang samantalang ako, I'm pretty sure na mukha na akong kamatis. "Uh, naiistorbo ko ba kayo?" Tanong niya sa akin at agad akong humindi. "Misunderstanding lang yun."
"Kung yun ang gusto mong ipalabas, okay." Sabi niya habang nakangiti, "Bakit ka nga pala absent?"
"Nagkasakit ako." Tipid kong sinabi.
"Ayan kasi, ligo ligo pa ng ulan. Karma rin yan dahil iniwan mo ako." Sabi niya at umupo sa sofa. Tinignan ko lang siya at sinabi, "Ang OA mo! Ako kaya iniwan mo, umuwi kana! Naglakad lang tuloy ako."
"Kung yan ang gusto mong palabasin." Sabi niya at dumiretso sa kitchen. Hinanap ko naman si Lucas kasi biglang nawala. Asan na kaya nagpunta yung bubwit na yun?
Pinabayaan ko na lang siya at kumain na lang kami ng dinner ni Alex.
Nanood muna kami ng movie at natulog na ako while si Alex, pumunta na sa condo niya.
*-*-*-*
A/N: Hey, A here! Someday, si B ang gagawa ng author's note kasi nakakatamad na rin XD
Anyways, don't forget to leave a vote and follow us on Wattpad for more further updates. Thankies! Bye!
~A
PS: Ang dami kong nickname no?
YOU ARE READING
Opposite Attracts (SLOW UPDATE)
Teen FictionAlexandra. She's the nerd type. Tahimik lang. And also shy. Madalas siyang nabubully pero hindi na lang niya ito pinapansin dahil sabi nga niya, "Fighting bullies are not worth my time. Inaaksaya lang nila ang oras ko." Brianna, on the other hand...