Chapter Four - Party!

53 7 2
                                    

WARNING: MAGULONG CHAPTER... I THINK..

Alex's POV

"Ikaw?!" Sigaw naming dalawa.

"Kuya, ayoko siya! Ilayo mo sa akin tong epal na to!" Sigaw ko naman kay kuya.

"Wala ka nang magagawa, umalis na kuya mo tsaka... Wag mo nga akong tawaging epal!" I rolled my eyes and locked myself in the room.

Bakit siya pa yung napili ni mommy!?

"Ugh!!!"

***

I spent two hours, sleeping.

Hindi ko namalayan na ang lakas pala ng ulan. Lumabas ako ng kwarto para kumain, saktong sakto, biglang namatay yung ilaw. Bigla akong napasigaw sa gulat.

Agad akong pumunta sa kwarto ko para kunin yung phone ko at binuksan ko yung flashlight.

Lumabas ulit ako para kumuha ng kandila. Matapos kong sindihan lahat, napansin kong nawawala si Xander. Baka nasa labas...

Pumunta ako sa kitchen, syempre gutom at kumuha ako ng leftover pizza. Pagka-ikot ko patalikod sa fridge, napasigaw ako dahil may tao sa likod ko. Di pa ako tapos sumigaw, tinakpan niya yung bibig ko at kinulong ako gamit ang isang kamay niya.

"Sshh..." Sabi niya. Inalis niya yung kamay niya sa bibig ko.

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at bigla akong nakaamoy ng alak. Tamang tama, nagbukas yung ilaw.

Tinulak ko si Xander at umupo sa couch, binuksan ko yung TV.

"Ang landi mo kuya!" Sigaw ko habang ngumunguya ng pizza ko. Nagulat na lang ako nang masabi ko yun nang hindi ko alam kung anong dahilan. Napatigil tuloy ako sa pagnguya ng kinakain ko pero tinuloy ko pa rin ang pag-kain ng pizza ko.

Ilang oras na ang nakalipas at bigla akong tinamaan ng antok kaya pumunta na ako sa kwarto ko.

Humiga ako at may naramdaman akong heat at medyo hard. Nang tumayo ako, andun pala si Xander, natutulog na.

Napatitig ako sa mukha niya... May itsura din pala siya eh. Kung hindi lang mabantot ugali nito, matagal na akong nagka-gusto sa kaniya.

I shook my head and realized na dapat sa labas siya matutulog. Ginising ko siya pero ayaw niya. Niyugyog ko na't lahat lahat, ayaw pa ring magising, deep sleeper ata o baka nagtutulog tulugan...

Nung itutulak ko na siya sa lapag, bigla niya akong hinatak at hinug ako. Fun fact: I hate hugs and cuddles but this... This is awkward but I like it, awkward but comfortable.

"Umm, Xander?" Sabi ko.

Hindi siya umimik... At dahil antok na antok na ako, natulog na lang ako.

*Kinabukasan*

"Love birds! Gising na at malalate na tayo!" Sigaw ni Yanna, sabay kalampag sa dalang kaldero. Napadilat mata ko at napasigaw, sabay gulong palayo at dahil dun, nahulog ako sa kama.

"Aray!" Sigaw ko at natawa si Yanna habang nagulat naman si Xander sa sigaw ko.

***

Pagkapasok namin ng school, nagsitinginan yung mga estudyante sa amin.

Paano naman kasi, ako na nobody at si Xander na campus crush, magkasama.

Habang naglalakad kami sa hallway, may lumapit na babae kay Xander, "My loves, sino yang babae? Diba siya yung nerd sa 4A?"

Opposite Attracts (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now