I usually wake up at around 6 but this time...
"Shet." Seven thirty na! At bakit ako nagmura? Ugh! Pinalo ko yung bibig ko pagkasabi na pagkasabi ko ng word na yon.
I rushed to the bathroom at naligo. Hindi ko nga alam kung anong klaseng ligo yun pero I still call it ligo.
Bakit ba kasi tinapos ko yung buong season kagabi? Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Tsk.
Tumakbo ako palabas ng condo at sumakay na sa sasakyan ko at kung minamalas ng naman, ayaw magstart!
Lumabas ako agad sa kotse ko at tumakbo na lang papunta sa school. Nang makarating ako sa school, hingal na hingal ako. As in di na ako makahinga sa sobrang hingal at bawat hinga ko, sumasakit dibdib ko. Meron nga pala akong asthma (pero ang akala ko wala na).
Nanghihina na yung buong katawan ko pero pinilit ko pa ring pumunta sa room. Nasa hallway pa lang ako ng mga locker, nanlalabo na yung paningin ko. May narinig akong boses pero masyado akong mahina para maintindihan iyon.
"Tulong.." Bulong ko, bago pa man mawala ang aking paningin.
***
Minulat ko yung mata ko.
Asan na ba ko? Bakit ang liwanang? Patay na ba ako? Langit na ba to? Ano ba nangyare?
Ang dami kong tanong sa isip ko at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tumayo ako at nagulat sa aking nakita.
Ito yung school clinic ah! Bakit ako nandito? Nagulat ako nang may biglang pumasok. Isang lalaking familiar yung mukha. Nang makita niya ako, ngumiti siya sa akin at lumapit.
"Buti't gising ka na." Kumuha siya ng upuan at hinatak ito sa tabi ng hinihigaan ko.
"Sino ka ba? Bakit ako nandito? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya na may halong pagtataka at suspicion. Wala talaga akong matandaan, as in.
"Hinay hinay lang, baka atakihin ka na naman ng asthma mo." Tumawa siya at sumandal sa upuan. He crossed his arms at ngumiti. What's with this guy and his smiles? At saka asthma? Inatake ba ako kanina? Ugh! Di ko matandaan!
I rolled my eyes at him, "Seryoso ako! Sino ka ba?"
"Ako lang naman ang nag-iisang bumuhat sayo nung nahimatay ka." Sabi niya at ngumisi. Nakakaasar na tong lalaking to ah!
Tinignan ko siya at inalala yung mukha niya pero hindi ko pa talaga siya nakikita dito sa school. "Ano ba pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"I'm Austin." He took out his hand for a handshake pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung tatanggapin ko ba yun o hindi.
Tinignan ko lang yung kamay niya at sinabing, "Alex." Hindi ko tinanggap yung handshake niya at malay ko ba kung bakit.
Nagulat na lang ako nang hinandshake niya sarili niya, nabaliw na ata siya. "Er.. Pwede na ba akong umalis?" He nodded and kinuha ko yung bag ko sa tabi. Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita ulit, "Hindi ka ba magtha-thank you?"
"Thanks." I gave him a fake smile bago ko binuksan yung pinto at tuluyan nang lumabas.
Hm. Nakakapagtaka naman. Normally, may sasalubong na nag-aalalang Yanna pero bakit ngayon wala? Baka siguro hindi nila alam. Since I'm not feeling good, umuwi na lang ako at nagpahinga. Hindi ko kasi feel na pumasok ngayon eh at alam ko strange yun dahil perfectionist ako pero, I think, nabagok ata ulo ko at nagbago ng katauhan! OMG! Posible ba yun?
Ikaw pa rin yung dating Alex. Yung weird na Alex.
Palabas na ako ng school nang biglang may tumawag sa akin. Tumingin naman ako ngunit wala naman akong nakita, baka imagination ko lang iyon. Pumikit ako, ewan ko kung bakit basta pumikit ako.
"Alex!" Sino ba yun? "Alex!!"
"Alex, gising na! Late ka na!" Huh? Late?
Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Yanna, ginigising ako. Wait, wala ako sa school?
"Ano na? Kanina pa kita ginigising! Alam mo ba kung anong oras na?" Tumayo ako sa kinahihigaan ko.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya with a groggy voice.
"Hm. 7:32?" Oh fudge.
Yanna's POV
*School*
"Late na talaga tayo!!" Sabi ni Alex.
"Chill... Okay lang yan." Sabi ko habang pinapanood ko lang siyang mag-suffer.
"Seriously? Ayoko kayang magkarecord! Baka hindi na ako maging honor student." Sigaw niya sa akin.
Oa nitong Alex na to! 😑😑 Minsan talaga naitatanong ko sa sarili ko kung pinsan ko ba talaga to. Isa pa nga lang late nya di na magiging honor student?
"Sabihin mo muna na gusto mo si Xander."
"AYOKO NGA... NAKAKATULONG BA YUN?! LATE PA RIN NAMAN AKO KAPAG SINABI KO YUN EH!" Sigaw niya ulit sa akin.
"Kahit na. Minsan, kailangan mo ring malate." Sabi ko, "Wait.. Totoo nga? May gusto ka kay Xander?"
"HINDI!" Padabog siyang lumabas ng condo at sumunod na ako.
Pagdating namin sa classroom nagstart na sila at naglelesson na.
"Why are you late?" Sabi ng teacher. Di ko na pinansin si Ma'am at umupo na sa upuan.
Tss! Kakainis nagtitinginan nanaman sila sa akin.
"I'm sorry." Sabi ni Alex habang nakayuko.
"Siguraduhin mo yan Miss Summers. Sige umupo ka na." Sabi ni Ma'am.
...
*Lunchtime*
"Yanna... Samahan muna ako."
"Manahimik ka nga jan Lucas! Kung gusto mong pumunta sa canteen, edi pumunta ka dun mag-isa." Sabi ko.
"Sige na please... Pagluluto kita ng masarap na dinner mamaya." Sabi niya. Hay nako Lucas, di yan tatalab.
"Si Alex?"
"Nakita mo bang nandito si Alex? Di ba wala?" Pasigaw na sabi ni Lucas.
Luh? Highblood na si Lucas. Siguro dahil sa gutom.
"Tss... Gutom kaibigan mong kwago. Pabayaan mo na lang. Nandun si Alex sa library, kumakain ng libro ay este nagbabasa." sabi ko
Tignan mo nahawa na ako sa kagutuman ng Lucas na to.
"Samahan mo ako...libre kita ano gusto mo." Sabi ni Xander. Syempre payag ako.
"Sure... Basta libre mo ako ice cream." Sabi ko
"Hala daya... Buti pa siya sinasamahan mo samantalang yung future husband mo hindi mo man lang masamahan. Sige na umalis na kayo magsama kayong dalawa." Sabi nya Lucas at sabay walkout
Luh... Problema nun? Bahala nga siya sa buhay niya.
"Alam mo ba na kapag nagtampo yun si Lucas, hindi ka nun papansinin?" Sabi ni Xander. Paki ko?
"Pabayaan mo na siya." Sabi ko.
Pagdating namin sa library eh iniwan ko na yung dalawa. Ang sama ko naman kung hindi ako umalis at nasira ko moment nila diba.
So pumunta na lang muna ako sa classroom. Wala naman kasi akong pupuntahan eh.
***
A/n: hi guys...okay lang ba yung chapter na to? Vote lang po kayo at magcomment.
~B
Sorry, if may mga typos and stuff, i-eedit ko agad. Comment naman kayo.
~A
YOU ARE READING
Opposite Attracts (SLOW UPDATE)
Teen FictionAlexandra. She's the nerd type. Tahimik lang. And also shy. Madalas siyang nabubully pero hindi na lang niya ito pinapansin dahil sabi nga niya, "Fighting bullies are not worth my time. Inaaksaya lang nila ang oras ko." Brianna, on the other hand...