Alex's POV
Same routine pa rin pero ngayon, kasama ko na si Yanna. Tinamad daw kasi siya eh. Nasa sasakyan kami nang biglang may nagtext sa phone namin.
Agad ko namang tinignan...
Miss Summers,
Wala pong klase ang mga estudyante ng Somerset Academy ngayon since may seminar ang mga teachers. Biglaan po ito kaya pakishare na lang po sa iba.
Wait.. Walang pasok?!
"Yas!!!" Sigaw ni Yanna. Natanggap niya rin siguro yung same text na natanggap ko. Tumingin siya sa akin ng nakangiti.
"Are you thinking what I'm thinking?" Tanong niya. Umm, may iniisip ba ako? Wala.
"No... Actually, wala naman akong iniisip eh." Sabi ko naman.
"Mall tayo!" Sigaw niya. Agad naman akong nag-nod at nagdrive siya papuntang mall.
Nang makarating kami sa mall, dumiretso ako sa bookstore para bumili ng libro at si Yanna naman, dumiretso sa... Ewan ko na kung asan na siya.
Nang kukunin ko na sana yung libro, may umagaw na lalaki, sakto lang dahil yung na lang yung nag-iisang libro.
"Umm... Excuse me po pero akin po yan." Sabi ko.
"Nah, ako yung unang kumuha eh so..." Asar niya habang naglalakad palayo.
Lumapit naman ako sa kaniya at hinatak yung libro. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Kinukuha ko lang naman yung dapat na akin, MANGAAGAW!"
"Ako pa talaga yung mang-aagaw ah!"
"Kurt, para ka namang bata." Sabi naman ng isang lalaki, probably his friend. "Ibigay mo na yang librong yan, I'm sure makakahanap ka pa ng iba."
"Ugh!" Reklamo niya at binigay na sa akin yung libro.
Hays.. Para nga siyang bata, tapos tatay niya yung lalaki... HAHAHA!
Nang mabayaran ko na yung libro, tinext ko na agad si Yanna at tinanong kung as an siya.
Sa Pizza Hut!
Reply niya at nagtungo ako papunta doon.
"Bakit ang tagal mo sa bookstore?" Tanong niya.
"Epal kasi yung lalaki, mang-aagaw ng libro." Reason ko.
"Uy, inimbitahan ako ng kaibigan ko sa birthday party niya mamaya. Sabi niya sama ka raw."
"Ayoko. Magbabasa na lang ako ng libro ko sa condo."
"Bakit?! Please, wala akong kasama eh." I rolled my eyes and said, "Magparty ka na lang mag-isa."
"Bahala ka nga jan." Sabi niya at umalis na.
I decided na umuwi na lang at magbasa basa ng mga libro.
*At the Condo*
Pagkabukas ko ng condo, napasigaw ako dahil may lalaking nakahiga sa couch. Nagulat siya dahil sa sigaw ko kaya napatayo siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang lumalapit sa kaniya.
YOU ARE READING
Opposite Attracts (SLOW UPDATE)
JugendliteraturAlexandra. She's the nerd type. Tahimik lang. And also shy. Madalas siyang nabubully pero hindi na lang niya ito pinapansin dahil sabi nga niya, "Fighting bullies are not worth my time. Inaaksaya lang nila ang oras ko." Brianna, on the other hand...