Chapter Eleven - Childhood Best Friend

37 3 0
                                    

Alex's POV

"Meron kasi akong nalaman eh."
"Meron kasi akong nalaman eh."
"Meron kasi akong nalaman eh."

Bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya. Anong nalaman?!

Could it be yung tungkol sa emo diary ko nung bata ako? Or yung.. KISS?!

"A-ano yun?!" Kinakabahan na talaga ako.

"Tungkol kay Austin, pwedeng bang iwas-iwasan mo siya? Playboy yun. Wag kang magpa-fall." Omo, concerned siya (≧∇≦)

"Uy, wag ka ngang ngingiti ng ganiyan!" Wah! Buti na lang at di niya alam yung tungkol sa kiss na yun. Kinabahan talaga ako. "Oh sige na po." Tss, di naman ako ganun kadali mafall.

Bumalik na kami sa cafeteria only to find out na umalis na pala si Austin. Sa totoo lang, naiilang talaga ako sa lalaking yun eh.

"Outing tayo?" Biglang tanong ni Lucas nang maka-upo na kami.

"Ayoko. Malapit na exam natin." Sagot ko naman.

"Sh*t lang Alex. Next month pa exam natin, wag kang excited." Naka-poker face na sagot ni Xander.

"Still. Ayokong umaalis-alis."

"I second the motion." Sabi naman ni Yanna.

"Tss, ako na nga lang aalis." Edi 'kaw na, bahala ka mag-isa mo. Joke. "By the way, Alex, pwedeng samahan mo pala ako?"

"Huh? Saan?" Tanong ko. Hinatak na lang ako ni Lucas palabas. Hala! Baka malate kami.
Ilang minuto na lang, tapos na yung lunch.

Napansin kong tumigil kami sa garden. "Umm, Lucas, ba't andito tayo?"

"Kasi gusto ko sanang humingi ng favor sayo."

"Ano yun?"

"Pwede bang tulungan mo ko, kailangan ko ng love advice." Love advice? Posible bang--

"At hindi, hindi ako inlove, para 'to sa pinsan ko't sa Ate Monica mo eh.."

"Magka-kilala kayo?!" Tanong ko.

"Long story." Tipid na sagot niya. "Pero tulungan mo ako. Nagkakagusto kasi 'tong pinsan ko sa pinsan mo eh."

(⊙_⊙) ...

"Totoo?! Sino naman 'yun?!"

"Si Kuya Ethan." (⊙_⊙)

"May gusto si Ethan kay Ate Monica? WHAT?!"

"Shh, ang ingay mo. Ang sakit sa tenga." Sabi naman niya, "Tsaka sino ka ba para tawaging Ethan si Kuya Ethan?"

"Ethan? As in Ethan Sanders?!" Nag-nod na lang siya. Siguro sawa na siya sa matinis kong boses. Hindi lang kasi ako makapaniwala.

Alam ko kasi na dati rati pa, lagi niyang kinekwento sa amin si Ethan. Hindi ko alam kung sino siya, ano itsura niya pero alam ni Yanna. Syempre nakita niya eh.

"Kapag tinulungan mo ako, hahatian kita ng prize na ibibigay ni Kuya Ethan."

"Seryoso?! WAHHH SIGE!" Napa-yakap ako kay Lucas due to happiness. Sa wakas! Magkaka-boyfriend na rin si Ate!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Opposite Attracts (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now