Chapter 10: Face of Death (Mukha ng Kamatayan)

16.6K 304 76
                                    

"Wars of nations are fought to change maps. But wars of poverty are fought to map change."

-Muhammad Ali


"Sir, I think we have a situation in the Philippines," wika ng isang lalaking nakasalamin, nakaputing long sleeves at nakapulang necktie. Tila may bakas ng takot ang kanyang mukha nang pumunta sa desk ni Dr. Levine Klein, ang ama nina Johan at Jonas.

"What is it?" tanong niya.

"Sir, I believe that your son is in live telecast at this time. It's like a war zone over there," wika niya na tila nauutal pa.

Agad namang lumabas ng opisinang iyon ang CEO ng MEMO at pumunta sa lobby. Doon ay natunghayan niya ang iba pang mga katrabahong nagkukwentuhan habang nakaharap sa malaking hologram monitor at tila nagkakagulo pa ang mga ito.

"S-sir," wika ng isang lalaki na agad humarap sa kanya at tumindig nang diretso.

Si Dr. Levine Klein naman ay nakatitig at dahan-dahang naglakad palapit sa monitor. Halatang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Nasa loob ng screen na iyon ang kanyang anak na si Johan. Aerial view ito at pinapakita ang kanyang anak na nakatayo sa isang malaking tipak ng kongkreto. Katabi niya si Helena at sa harapan naman nilang dalawa ay ang sampung prototype na tila nakaamba sa pag-atake. Magulo ang lugar, mausok at kapansin-pansin ang nagkalat na dugo sa paligid at ang mga sira-sirang gusali.

"Reports say that this massive attack was started by this young guy, and we can see that it's like a war zone here and several bids are trying to escape out of this town..." pagpapatuloy ng reporter na nagco-cover sa pangyayari.

Agad napahawak sa batok si Dr. Levine at tila hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa lugar, hindi rin siya makapaniwalang ang sariling anak ang gagawa ng kaguluhan doon.

"Book me a flight to the Philippines. NOW!" bulyaw niya sa lalaking kumausap sa kanya kanina lamang.

Agad na tumalikod ang doktor at dali-daling pumasok muli sa kanyang opisina. Ang mga katrabaho naman ay napatingin sa kanya at hindi pa rin magkamayaw sa nasasaksihan. Nagpatuloy ang mga bulung-bulungan at ang panaka-nakang mga kwentuhan.

Nang makapasok na ang doktor sa kanyang opisina ay agad niyang binuksan ang isang secret drawer sa ilalim ng kanyang desk. Pinindot niya ang isang maliit na button sa kaliwang bahagi nito at automatic itong bumukas.

Sa loob ay nakalagay ang isang tila flash drive. Kinuha niya iyon at agad niyang ibinulsa.

"S-sir, your flight will be ready in an hour," sagot ng lalaking pumasok sa kanyang opisina.

"Thank you. You can go now. I'll just pack my things," tulirong tugon niya. Agad namang isinara ng lalaki ang salaming pintuan at naglakad palayo.

I can't believe you're doing this Johan. What were you thinking? bulong niya sa sarili at muli niyang inilabas ang flashdrive na nasa bulsa. Tinitigan niya ito at muling isinara ang kanyang kamay.

*****

Patuloy na tumayo si Johan sa gitna ng tila warzone na iyon. Nakaharang pa rin si Helena sa kanyang harapan. Nakatitig na ang ilang mga prototype sa kanila. Ang iba naman ay nakatingin sa mga bid na nasa paligid.

Halos maluha at manlaki ang mga mata nila nang dahan-dahang lumingon ang mga prototype.

"Johan, please 'wag mong gawin 'to!" wika ni Helena. Hinawi naman siya ng binata at agad itinutok ang baril sa isa sa mga prototype.

"Ano pang hinihintay mo? Simulan na natin!" sigaw niya. Agad namang lumuhod ang mga prototype at tila umaamba na ng takbo.

"Kung iyan ang gusto mo, kapatid. SIGE SIMULAN NA!" wika ni Jonas mula sa speaker ng mga prototype.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon