Sa lahat ng isinulat kong mga kwento, ito na siguro yung pinaka-pumatok. Hindi rin siguro ito papatok kung walang kahit isang indibidwal ang nagtangkilik at nagbasa hanggang sa parteng ito.
At dahil nakaabot ka sa aking mensahe para sa 'yo. Ibig sabihin ay natapos mo ang kwento. :-)
Dahil diyan ay nagpapasalamat ako sa iyo kaibigan.
Sinimulan kong isulat ang kwentong ito noong October 2013. Nagmula sa frustration, malikot na utak, panghihinayang sa oras habang nag-aantay ng mangyayari sa Mall Of Asia, pagtanaw sa mga pangyayari sa Pilipinas bunsod ng sunod-sunod na isyu ng korapsyon, pagbalik tanaw sa mga pangyayari sa nakaraan ng bansang Pilipinas at ilang mga kaibahan ng ating bansa sa iba pa. Napansin ko rin ang mga bagong itinatayong mga gusali sa paligid ng MOA. Dahil diyan nabuo ko ang konsepto ng Philippines: Year 2300.
Noon pa ako naghahanap ng ganitong klaseng kwento sa Wattpad. Umabot na siguro ako sa pinakamataas na number ng suggestions pero wala parin akong makita. Gusto kong makita at malaman kung ano nga ba ang mga pwedeng mangyari sa bansa natin sa darating pang mga panahon. Iyon ang dahilan. Dahil wala rin akong makitang kwento na katulad nito, naisip kong paano kung ako ang magsulat? At gayon nga ang ginawa ko, sinimulan kong isulat ang intro sa pamamagitan lamang ng aking phone.
Frustration? Oo frustrated ako ng mga araw na 'yon. Nang mga panahon na sinimulan kong isulat ang kwentong ito eh namomroblema ako sa trabaho. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang ibang bansa eh maunlad samantalang tayo, nagkukumahog sa araw-araw para lang makahanap ng trabaho? Tapos kukunin lang din naman ng mga pulitiko yung pinaghihirapan natin. Ang daming ginagawang dahilan. Meralco, VAT, Tax, Pagtaas ng pamasahe bunsod ng pagtaas ng presyo ng gasolina. Pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang pangangailangan. Kaya maraming naghihirap saatin.
Domino effect kumbaga. Lahat damay-damay na. Minsan nga naisip ko masarap pa bang maging Pilipino? Pero isa parin ang naisasagot ko. Masarap maging Pilipino, kung tatanggalin mo sa lipunan ang mga gago. Sorry for the word. Pero 'yan ang totoo.
Isa pang nakadagdag sa imahinasyon ko sa pagsulat ng nobelang ito ay dahil narin sa isang panaginip. May gift na ako na ganito simula pa lang noong ako'y musmos pa. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ilang mga panaginip ko pero makalipas ang ilang mga buwan at taon nangyayari nalang bigla. Iisipin ko nalang kung deja vu nga ba ito o kung ano. Pero saka ko lang din maiisip, napanaginipan ko na ito.
Ang unang parte sa Chapter 1 kung saan iniligtas ni Johan si Helena hanggang sa pasabugin ang ilang parte ng Antipolo ay ang scenariong napanaginipan ko bago ko pa man simulang isulat ang introduction ng kwento. Medyo kakaiba nga lang dahil pawang mga foreigner ang mga karakter ng nasa panaginip ko. Pero ganoong-ganoon ang scenario.Nag-iisnow ng kaunti. Iniligtas niya si Helena at tipong umabot pa nga ito sa pagpapasabog ng mga militar sa bayan ng Antipolo. Nakakapagtaka dahil napakalinaw parin ng panaginip na iyon. Hindi ako magkakamali dahil simbahan talaga ng Antipolo ang nakita ko.
Marami ang nabuong katanungan habang sinusulat ko ang bawat chapter ng kwento. Tingin ko ay nasagot naman lahat dahil narin sa pag-usad nito. Dahil narin sa pakikipagkwentuhan ko sa ibang mga readers at writers. Kahit ilang kritiko ay napapaliwanagan ako ng 'di oras, ilan din yan sa mga paraan para maintindihan ng mambabasa ang isinulat ko.Pero siguro ang pinakatumabo ng tanong ay ang ending.Bakit namatay si Johan?
Kung tutuusin wala na siyang ibang choice. Binigyan siya ng sumpa ng lipunan, ng kompanyang MEMO at ng sarili niyang pamilya. Bago pa man niya ito malaman ay ipinaglalaban niya na ang karapatan at pagkakapantay-pantay pero paano kung ang buong lipunan ang umuusig sakanya? Mas maigi pang saluhin niya na lamang ang lahat ng sisi. Para siyang sumipsip ng lason mula sa isang katawan upang hindi mapahamak ang isang mahal niya sa buhay, kahit alam niya namang buhay niya ang kapalit nito.
BINABASA MO ANG
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)
Science FictionPhilippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napam...