"I have long had the taste of death on my tongue."
-Wolfgang Amadeus Mozart
Sumapit ang ala-una ng madaling araw. Lahat ay tila nakalagay sa pwesto sa loob ng hall ng Malakanyang. Ang labas nito ay napaliligiran ng makukulay na ilaw. Nakapalibot ang tila maliliit na bumbilya sa ilang mga halaman at puno sa paligid. Simula sa gate hanggang sa main entrance ay mayroong malawak at mahabang pulang carpet na nilalakaran ng mga nagdadatingang bisita. Ang mga pinuno at heneral ng iba't ibang bansa maging ang mga CEO ng MEMO ay naroroon. Patuloy ang pagdating nila sa itinakdang lugar ng pagtitipon.
Sa gilid ng pulang carpet na iyon ay nakapila naman ang mangilan-ngilang mga prototype. May mga hawak itong mga espada at animo'y nakataas at nagbibigay-pugay sa mga bisitang dumadaan.
Tinititigan ng mga dumadaan ang mga prototype na iyon. Tila nakikita na nilang ang mga espadang iyon ang maaaring kumitil sa kanilang mga buhay. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad papunta sa main entrance dahil hindi naman gumagalaw ang mga prototype. Mangilan-ngilang media naman na nakasakay sa heli ship ang nag-cocover ng buong pangyayari. Marami ring camera at reporter sa gilid ng Malakanyang. Animo'y nag-aabang ng mga mangyayari. 'Di nila inalintana ang panganib na kakaharapin. Sa malalayong gilid pa ay makikita naman ang tropa ng Philippine Military at ng iba pang pwersang naging tagasunod ni Johan Klein.
Nang palapit na ang mga bisita sa main entrance, narinig nila ang tugtog ng classical music nina Beethoven, Mozart, at ng iba pa. Magarbo ang lahat nang sila ay pumasok sa loob. Maliwanag at napakaaliwalas ng lahat. Makikita sa malaking hall ang napakaraming upuan at mesa na pinatungan ng kulay asul na mga tela.
Mayroon ding mga rosas sa paligid at malalaking tela kung saan naka-imprenta ang emblem ng presidente ng Pilipinas. Isa itong bilog na simbolo kung saan makikita ang mga katagang "Sagisag ng Pangulo ng Pilipinas" at mayroong gintong leon na ang kalahati ay tila buntot ng isang isda at ang kalahati naman ay leon. May hawak itong espada. Nakapagtataka lamang dahil nakalagay ang simbolo nito sa pulang telang mayroong itim na accent sa paligid. Nakaimprenta rin ang dalawang magkaibang uri ng espada sa ilalim ng simbolo ng presidente. Isa ay ang Excallibur na korteng krus, ang isa naman ay ang magandang uri ng espada, ang Rapier. Tila sinisimbulo nito ang dalawang diktador na kasalukuyang namumuno sa Pilipinas. Si Jonas para sa Excalibur at si Johan naman bilang isang Rapier.
Sa bawat bintana ng hall na iyon ay mayroong mga nakapwestong dalawang prototype sa magkabila. Animo'y hindi na magpapalabas ang mga ito ng mga taong nakapasok na sa loob.
Mayamaya pa'y dumating na rin ang hover truck kung saan lulan sina Helena, Maria, Albert, General Vash Linford, President Nixon ng America at ang Russian Diplomat na si Reuben Stalin. Magagara ang kanilang mga kasuotan. Si General Linford naman ay nagpalit rin ng damit ngunit tila magarang uniporme pa rin ng isang heneral ang kanyang suot. Uniporme ang pantaas niya na kulay asul at mayroong lining ng kulay violet na tela. May nag-iisang medalyong nakasabit sa kanyang kanang dibdib--- ang simbolo ng National Defense ng European Union. Nakapalda siya na ang porma ay palobo. Siya rin ay naka-boots na kulay itim at mayroong takong.
Ang diktador naman ng Russia na si Reuben Stalin ay naka-all white na kasuotan. Nakaputi siyang pantalon at puting tuxedo at kapansin-pansin ang hindi mabilang na medalyang nakasabit.
Ang presidente naman ng America ay simple lang ang kasuotan ngunit mayroon siyang dalawang kasama. Ang isa ay ang kanyang sekretarya at ang isa naman ay tila naka-uniporme ng isang heneral. Hindi siya makilala dahil sa takip na maskara sa kanyang mukha. Tila isang fiber glass ito na maskara at nakadikit lamang sa kanyang mukha. Nakasumbrero siya ng kagaya ng sa isang heneral. Muntik pa siyang hindi makapasok dahil sa kakaibang asta.
BINABASA MO ANG
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)
Ciencia FicciónPhilippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napam...