Chapter 8: Deus Ex Machina (God of Machines)

19.1K 350 63
                                    

"The wise are instructed by reason, average minds by experience, the stupid by necessity and the brute by instinct."

-Marcus Tullius Cicero


Philippines: Year 2300.

Ang panahon kung saan ang buong mundo kasama na ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na caste system. Ang mga bid, commoner, at bidder. Ito rin ang panahon kung saan laganap ang paggamit ng memory gene, isang aparato na inilalagay sa likuran ng ulo ng bawat bidder upang mabuhay nang matagal kahit daan-daan pang siglo ang lumipas.

Taong 2216, nang lumaganap ang isang nuclear war laban sa China. Gumawa ng isang kasulatan ang karamihan sa mga bansa sa Asya upang lagdaan ng United Nations para supilin ang mapaminsalang imperyo. Ilang bansa ang sinubukan nitong sakupin,kabilang na rito ang Pilipinas.

Nilagdaan ang kasulatang iyon ng lahat ng leaders ng United Nations at dahil sa kasulatang ito. Tuluyang pinakawalan ng America ang isang nuclear bomb upang wasakin ang bansang China.

Lubhang naapektuhan ang mga karatig-bansa nito. Dahilan din ito ng pagbaba ng lifespan ng mga tao sa buong mundo. Isang physiologist at bihasa sa human brain, si Dr. Welder Freuch ang nag-imbento ng isang aparatong kung tawagin ay memory gene. Isa itong proseso ng paglipat ng memorya sa isa pang buhay na katawan para mabuhay ang isang tao ng napakatagal na panahon.

Tinawag ito ng maraming bid na killing machine at mass murderer. Nangailangan kasi ito ng isang katawang malusog upang mailipat ang memorya ng isang taong mamamatay na. Nagkaroon ng bentahan ng katawan sa black market. Talamak na rin ito at naging legal. Ang mga bid ay walang magawa kundi ibenta ang kanilang mga anak para mabuhay. Wala silang magagawa dahil sa makabagong sistema, mas marami ang naghirap.

Si Johan Klein, 21 taong gulang--- isang bidder ngunit hindi siya gumagamit ng memory gene. Naniniwala siya sa halaga ng buhay at ayaw niya ng makabagong sistema. Ang kanyang ama na si Dr. Levine Klein, na isang IT expert ay isang CEO sa kompanyang MEMO. Nais niyang sundan ng kanyang anak ang kanyang mga yapak. Ngunit tila nagbago ang pananaw ni Johan nang makilala si Helena, isang babaeng iniligtas niya isang gabi na hindi niya akalaing may kakaibang lakas, bilis, at estado ng pangangatawan ngunit walang memorya ng nakaraan.

Isang pag-aaklas ang nangyari sa Antipolo at doon natunghayan ng buong Pilipinas ang delubyong ginawa ng dalaga. Nakagawa ng paraan si Johan upang isipin ng mga militar at ng gobyerno na patay na siya. Nagpahabol siya sa bangin ng Antipolo at hinayaan niyang tadtarin ang lugar na iyon ng mga rocket ng militar.

Nailigtas ni Helena si Johan na sinuwerteng nabuhay. Nagpunta sila sa Makati, ang nag-iisang bidder district city. Ito ang lugar ng mga mayayaman at bawal dito ang mga bid. Pinalitan ni Johan ang pagkakakilanlan ng dalaga upang makaiwas sa banta ng militar at ng gobyerno.

Ipinakita ni Johan ang marangyang pamumuhay ng mga bidder habang ang mga bid na nasa labas ng isang malaking pader ay naghihikahos sa hirap.

"Tutulungan kitang wasakin ang pader na iyan, Johan." Ito ang pangako ni Helena kay Johan na nagbigay naman ng pag-asa sa binata.

Ngunit natuklasan ni Johan ang isang bagay kay Helena. Isa siyang eksperimento, ngunit hindi pa matukoy kung bakit siya ginawa, kung saang bansa at anong gobyerno ang nagpasa ng eksperimentong ito at kung bakit sarili niya pang ama ang gumawa noon sa kanya.

******

"Ang pangalan niya ay Dr. Matthews Konning, isang American scientist na bihasa sa genetics. 'Yon lang ang nakalagay dito. Confidential na ang ibang information. Nakakainis!" Binato ni Johan ang hologram stick na hawak. Ini-scan niya kasi dito ang mukhang nakita sa panaginip ni Helena. Tulala lamang ang dalaga at mugto ang mga mata nito. Nasa loob sila ng kwarto ni Johan na hindi mapakali sa isang tabi.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon