Chapter 7: A Dark Past (Isang Madilim na Nakaraan)

20.7K 390 69
                                    

"Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our Light, not our Darkness, that most frightens us."

-Marianne Williamson


Madilim ang paligid, at tila nalulunod sa isang tangke ng tubig si Helena. Malamig ang kanyang pakiramdam at tila wala siyang saplot na suot sa katawan. Lumulutang lamang ang lahat sa isang tangke ng salamin na puno ng kulay asul na likido.

"Sir, I assure you that this is the last among them."

Isang boses ang narinig niya. Iba ang lengguwaheng sinasambit nito. Saglit na napadilat si Helena ngunit wala siyang nakikita kundi ang asul na tubig na nakapalibot sa kanya at ang isang anino ng lalaki na tila may kausap na isa pa.

"You've made a promise, doctor," wika ng isa pang lalaking kausap.

"Y-yes Sir, but the others are just a failure. I assure you that th-this one is the final," sagot naman ng doktor.

Nakadilat pa rin si Helena nang bahagya. May kung anong aparato ito sa kanyang bibig at tubong nagkakabit mula sa itaas na maya't maya naman ang pagbula kaya't hindi niya makita nang malinaw ang dalawang nag-uusap.

"Are they? Or is it you who is a failure?" tanong ng lalaki.

"S-sir, but i assure y-you. This is the..."

"If the government finds out what we're doing, we're fucked up!" bulyaw naman ng lalaki.

Hindi maidilat ni Helena nang maayos ang kanyang mga mata. Nakakaramdam siya nang panghihina ngunit patuloy pa ring nakikinig sa mga nag-uusap.

"But s-sir, th-this thing, this creation...I thought that our government..." sagot naman ng doktor na tila mautal-utal pa at nanginginig ang boses.

"It will be terminated as soon as the people knew about this! The government will no longer be concerned about your proposal!" wika naman ng lalaki.

"B-but Sir...the tests show that this subject is more likely to succeed 100 percent. She's different from the others. H-her brain is very functional that a n-normal memory gene can't even handle it!" sagot ng doktor.

"I need result, not tests!" wika ng lalaki na sa pagkakataong iyon ay tila naiirita na sa kausap. Tumalikod siya sa doktor at naglakad palayo. Naiwan naman ang doktor, napaluhod siya sa sahig at tila hinahagod ang kanyang ulo. Muling napapikit ang dalaga.

Muling iminulat ng dalaga ang kanyang mga mata, ngunit sa pagkakataong iyon ay nakita niya na ang sarili na nakaupo sa isang mechanical chair. Hawak ng dalawang prototype ang kanyang dalawang braso. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit nanghihina siya.

"Just hold her still," utos ng doktor na tila may inilalagay na likido sa isang injection.

"Uhh..." mahinang ungol naman ni Helena. Napapapikit pa rin siya sa sobrang panghihina at tila nagdidilim ang kanyang paningin. Mayamaya pa'y lumapit ang doktor, hawak sa kanang kamay ang injection. Binuksan niya ang kaliwang mata ng dalaga at pagkatapos ay itinurok ang injection na hawak.

"AAAAAHHH!!!" Napatili naman si Helena sa sakit na naramdaman.

"J-just calm down, calm down!" wika ng doktor. Tila napaluha ng dugo si Helena at napapikit; namimilipit siya sa sakit. Hinugot ng doctor ang injection matapos niyang mailipat ang likidong nasa loob ng hiringgilya

"AAAAAHHHHHHH!" sigaw ni Helena. Napabalikwas siya sa kama.

"Helena?!" wika ni Johan na kapapasok pa lamang sa kanyang hotel unit. May mga dala siyang pinamili, nilapag niya ang dalawang malalaking supot ng paper bag sa sofa at agad tumakbo patungo sa kanyang kwarto.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon