Chapter 17: The Wise and the Cunning (Ang Matalino at ang Tuso)

13.2K 279 58
                                    

"Your time will come. You will face the same Evil, and you will defeat it."

-Arwen, The Lord of The Rings


Bahagyang yumuko si Johan, umiling sandali at tumalikod na tila natatawa at napapangisi. Isang baliw kung maituturing ngunit kung titingnan ay tila nalilito siya na naiinis sa kanyang narinig.

"Imposible 'yang sinasabi mo..." wika ng binata. "Nakita ko ang paglaki ni Jonas. Ang paglalaro namin noong mga bata pa kami hanggang sa magkaroon siya ng katungkulan sa gobyerno. Paano mo nasabi na sa kanya ang katawang 'yan?"

"Naniniwala ka bang ang katawang ito ang unang ginawang eksperimento?" tanong din ng propesor. Muli namang humarap si Johan sa kanya.

"Paano mo ipapaliwanag ang edad ng katawang 'yan gayong wala pa naman sa ganyang edad si Jonas?" pabulyaw na tanong ni Johan.

Sina Maria at Helena ay naguguluhan na rin sa kanilang naririnig. Hindi nila alam kung maniniwala pa ba sila sa propesor na kasalukuyang nakatayo na lamang sa gitna ng puting kwartong iyon, na tila nahihirapan din kung paano ipapaliwanag ang lahat. Naglakad ang propesor patungo sa salamin na tangke. Ito ang ginagamit ng mga siyentipiko at ilang mga eksperto ng MEMO para pag-aralan ang kanilang mga test subjects.

Hinaplos ng propesor ang tangke at nagwika, "Ang 'Subject 5' ay kasingtanda lamang ng iyong ama. Naniniwala akong binura nang tuluyan ang memorya ni Jonas bago pa man mailipat ang memory gene niya sa mas batang katawan. Pero bago pa man mangyari iyon, isang insidente ang naganap. Isang kawatan ang gumagala noon sa Maynila. Kaya niyang burahin o ilipat ang memorya ng bawat memory gene na kanyang mahawakan. Naniniwala ang awtoridad na galing sa MEMO ang teknolohiyang iyon. May dahilan ang kapatid mo para magalit sa iyong ama dahil ang MEMO ang gumawa no'n," paliwanag ng propesor.

Naalala naman ni Johan ang mga litratong nasa bulsa ng kanyang jacket. Inilabas niya iyon at pinakita kay Professor Marco.

"Ito ang ilang litratong ibinigay sa akin ni Albert. Walang memory gene ang batang nandito. Paano mo nasabing katawan niya nga ang ginagamit mo ngayon?" tanong ni Johan na tila naiinis.

Kinuha naman iyon ng propesor at nakita niyang wala ngang memory gene ang batang lalaking nakahiga sa isang salamin na tangke. Tumingin siya kay Johan at saglit na napangiti at napahawak sa kanyang bibig na animo'y kinakamot-kamot pa ito.

"Hindi ko alam kung maniniwala ka pero hindi si Jonas ang batang ito. Kundi ikaw Johan," wika ng propesor. Napahawak naman sa kanyang ulo ang binata na animo'y naiinis na at naguguluhan.

Hinaplos naman ni Helena ang kanyang likod na tila inaamo at pinapahinahon ngunit lalo lamang nainis si Johan.

"Anong kasinungalingan pa ang kailangang kong malaman, Professor Marco?! Ano pa?!" bulyaw niya.

Napatingin na lamang ang tila nag-aalangan at natatakot na propesor sa binata.

"Ikaw ang 'Subject 6.' Itinago ka ng iyong ama sa lipunan. Bnigyan ka ng normal na buhay at kalayaan. Hindi ka binigyan ng memory gene dahil..."

Napatigil ang propesor sa pagpapaliwanag. Naglakad siya sa gitna sa tila pabilog na mesa at kinuha ang isang hologram stick. Binuksan niya ito at tila may hinahanap sa files. Agad namang lumapit ang tatlo upang tingnan kung anong mayroon sa aparatong iyon.

Mayamaya pa'y nahanap na ng propesor ang kanyang hinahanap. Inabot ang hologram stick kay Johan at doon ay pinapakita ang isang dokumento.

"Hindi ka binigyan ng memory gene dahil sa bagay na iyan--- isang program na kayang burahin at kontrolin lahat ng gumagamit ng memory gene. 'Yan ang sumpa ng MEMO sa mga tao. Balak nilang singilin ang lahat ng mga gumagamit nito. Ang pagkabuhay nang walang hanggan ay mayroon ding kabayaran. Gusto nilang kontrolin ang lahat ng bansa at isantabi ang bawat presidente, hari o reyna ng mga lupain nito," paliwanag ng propesor. Lalong sumidhi ang nararamdamang galit ng binata habang binabasa niya ang isang kasulatang nakalabas sa maliit na hologram screen ng gadget. Nakalagda roon ang bawat CEO ng iba't ibang bansang hawak ng MEMO.

Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon