Five: Nag kabalikan

780 16 1
                                    

"NOW, SINO SILA?" Kita ko ang galit sa mga mata nya.

Bakit ganun? Diba dapat ako magalit? Pero bakit ganito sya sakin?

"S-sila yung nag dala sakin sa Hospital" sagot ko. Biglang nag bago ang expression ng muka nya dahil sa sinabi ko "S-sila din nag hatid sakin sa sementeryo" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Bakit ganun?

Diba dapat galit din ako? Pero pag nakikita ko yung muka nya nawawala galit ko. Kahit sobrang sakit ng nakita ko? Bakit?

"Ano banang yare?" maamo nyang sabi.

"H-hindi ka kasi nag paramdam e" sagot ko. Niyakap ko sya habang nasa kwarto kami. Niyakap ko syang mahigpit.

"S-sorry! Busy ako" Sa babae? Gusto kong idugtong yan. Pero ayokong mag away kami. May tiwala ako sa kanya. Alam ko yun. Kaya dapat yun lang. Sobrang natatakot ako sa maaring mang yare.

"H-hindi ka nag paalam, H-hindi ka nag---" Nagulat ako ng humiwalay sya sakin. Nakita ko ang inis nya sa mga mata nya.

"Hindi naman lahat ng oras? Sasabihin ko sayo kung nasan ako Takana?!" 

TAKANA?

Naramdaman ko nanaman ang luha ko sa akin pisnge. Hindi ko mapigilan mapahikbi dahil dun. Bakit? Bakit hindi pwede?

"Shit!?" mura nya sabay talikod sakin. "Punasan mo luha mo, Hindi lahat ng oras nasa tabi mo ko, Hindi lahat ng oras takana" halos hindi ako makahinga sa sinabi nya.

Nakita kong lumabas sya ng kwarto ko.

Ako naman ay tulala habang tumutulo ang luha ko.

Bakit ganun?

Nag bago na sya.

Hindi na sya ang Mitsu na minahal ko, Hindi na sya yun. Bakit ang sakit. 

"M-mommy" tinakpan ko ang muka ko at umiyak ng umiyak.

Dumapa ako sa unan ko ang umiyak, Buong gabi ako umiyak at hindi natulog, Sobrang sakit ng mga sinabi nya, Sobrang hirap ilabas sa kabilang tenga, Sobrang hirap. 

"Baby" lalo akong napahagul gol dahil dun. Hindi pa ko natutulog, Pero alam kong maga na, Wala akong oras matulog dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Mag bihis ka na at papasok ka pa" Tumayo ako at hindi tumingin kay kuya, Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Ayokong ma apektuhan ang pag aaral ko, Pero hindi ko magawa.

Kakausapin  ko nalang sya mamaya, Kakausapin ko nalang sya. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nya. Alam ko yun, Dahil sabi nya sakin? Ako gusto nya makasama habang buhay, Sinabi nya yun sa puntod ni mommy at naniniwala ako sa sinabi nya.

"Are you okay"  Hindi ako sumagot at pumasok ng tuluyan sa banyo.

Nakaramdam ako ang pagod saaking katawan, hinayaan kong tumulo ang tubig sa buong katawan ko. Kahit napaka hapdi na ng mata ko dahil sa kakaiyak.

Lumabas ako at pumasok sa closet ko, Kinuha ko ang Uniform ko at huminga ng malalim, Pumunta ako ng salamin at tinignan ang mata ko, Daig ko pa ang zombie sa sobrang itim ng ilalim ng mata ko at mugto pa.

Sinuot ko ang salamin at lumabas na ng kwarto ko.

"Kumain ka muna?" sabi sakin ng kuya ko. 

Nakita ko ang awa sa kanya mga mata. Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Di ako gutom" Kahit di pa ko kumakain muka kagabi. Wala akong maramdam kundi sakin sakaliwang dibdib ko. Sobrang sakit na kahit kailan ngayon ko lang naramdaman.

"Hindi ka nag dinner kagabi?"

"No i'm fine kuya. Male late na ko" tumango sya sakin.

Pumunta ako ng gate at umupo dun. Tinad tad ko ng text si Mitsu para sabihin na nandito pa ko sa bahay at iba pa.


To Mitsu <3


Nandito ako sa gate, Hintayin kita? Malelate na ko. Malapit na final exam namin? Mag usap na din tayo.


Ilang beses ko sinend yan pero wala akong nakuha text back. 

"Baka na late lang" bulong ko sa sarili ko.

Naramdaman ko ang pa vibrate ng cellphone ko. Mabilis kong tinignan yun at napangiti ako ng nakita ko pangalan nya. Pero nawala din yun dahil sa nabasa ko.

"Pumasok ka na, Di na kita susunduin"

Di na kita susunduin?

Pinikit ko ang mata ko? Nag sawa na ba sya sakin? Bakit ganun? Bakit nanginginig ako? Bakit ang sakit sakit? Bakit ang bigat sa dibdib? Bakit?

Pumasok ako sa bahay namin ulit.

"Kuya pahatid" Walang gana kong sagot. Tumango naman si kuya sakin. Lumabas ulit ako at hinintay sya sa gate.

-

Walang gana akong pumasok sa loob, Naka yuko lang ako habang nag lalakad,Nakakahiya kasi mata ko ang itim na ng ilalim tapos maga pa kakaiyak, Wala pa kong tulog sa nang yayare. Pero hindi pwedeng ganito ako.

Handa akong mag pakatanga para sa kanya, Kahit masakit na? Kakayanin ko dahil mas masakit kung wala sya. 

Pumasok ako sa room namin at dumukdok, Gusto ko matulog, Sobrang inaantok ako, Nanginginig pa ang katawan, Sobrang sakit pa ng ulo. Feel ko anytime mahihimatay ako.

"GoodMorning class" Tinaas ko ang ulo at tumayo para bumati, Nakita ko naman si Kurt na dala ang ibang libro ni ma'am na halatang tinulungan nya.

"Takana? Eto yung Test na namissed mo kahapon" Unti unti akong pumunta kay Ma'am, Nakita ko ang mapanuring tingin ni Kurt sakin.

Kinuha ko ang test na yun, Napahawak ako sa Mesa ni ma'am dahil biglang umikot ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin hanggang sa hindi ko na nakaya.

~

Naramdaman ko nalang na may humagod sa buhok ko, Unti unti kong binuksan ang mata ko at nakita ko si Kuya at sa tabi ay si Kurt.

"Nilalagnat ka?" Pumikit ako at sinubukang umupo.

"Okay lang ako,.."Tumingin ako kay kurt nakita ko naman na nag aalala sya sakin. "Okay lang ako Kurt" tumango sya sakin.

"Isang buwan nalang? Malapit na exam natin saka ka nag kaka sakit? Ano ba nang yare?" Tumayo si kuya at iniwan kami.

Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan yun dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Ano nang yare?" bigla nya ko niyakap at umiyak sa dib dib nya. "Ano ba kasi nang yare?" tanong nya ulit.

"H-hindi ko alam" sagot ko sa gitna ng hikbi ko. "A-ang alam ko lang, S-sobrang sikip ng dib dib ko" 

Hiniga nya ko sa kama at pinunasan ang luha ko, Nandito kasi kami sa clinic, Pumasok naman si kuya na may dalang pag kain./

"Kumain ka na at uminom ng gamot." Pinaupo ulit ako ni Kurt.

Binuksan nya yung styro at akmang susubuan ako pero iniwas ko ang bibig ko.

"Hindi ako gutom" ngumiti ako ng mapait.

"Kailangan mo kumain? Nag aalala ang kuya mo sayo?" umiwas ako ng tingin sakanya.

"I need him" out of blue kong sabi.

"Sya nanaman? Sya nga ang dahilan kung bakit ka ganyan e?! Ano? totoo bang nag ka balikan sila ng ex n--*PAK*"

Hindi ko  napigilan ang sarili ko. Nakaramdam ako ng galit dahil dun.

"Hindi gagawin sakin si Mitsu yan! MAHAL NYA KO, AT MAHAL KO SYA?!" Nakita ko din ang sakit sa kanyang mga mata

"Really?" Kinuha nya ang cellphone nya at may pinakita sakin.

Iniwas ko ang mata ko dun at tuluya nanaman umiyak.

~

Tbc



Enjoy!^_^

TAKANAWhere stories live. Discover now