(Book 2) Six :New friends or what

756 14 0
                                    

'Kailan ka free?' 

Nag tipa ako ng mabilis

"I'm busy for whole week' reply ko. 

Tinago ko ang cellphone ko at nag suklay na. Sinuot ko ang Skirt ko at Blouse. Kinuha ko ang libro at lumabas na. Naramdaman ko ang pag Vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Pero hindi ko yun kinuha. Nakakaabala yun sa pag re-review ko.

Kailangan ko mag focus sa pag aaral.

Pag punta ko sa elevator, Nakita ko si Mitsu na mukang nag hihintay din. Hindi ko sya pinansin, Hawak hawak ko lang ang Mga books ko at shoulder bag. Kinuha ko ang Cellphone ko sa bulsa ko. Ayoko sanang pansinin ang text ni kuya. Pero No choice ayokong kausap si Mitsu.

'Next week? Princess' 

'Kailan ka free'

'Sunduin kita mamayang uwian'

'Ano na ginagawa mo?'

Huminga ako ng malalim. Hindi pa naman ang dami na nyang message. Gusto sana kitang patawarin kuya. Kaso? May nanaig ang sakit na ginawa mo sakin,

'Busy ako. Finals namin this week? Busy ako!'

May nag text nanaman sakin. Ang akala ko si Kuya pero nakita ko ang pangalan ni cloud.

'GoodMorning. Takecare and Iloveyou'

Nag reply naman ako ng mabilis dito.

'Goodmorning too. Takecare din and Iloveyou too' 

Tinago na ang phone ko at kunyare may hinahanap sa bag. Ayokong mapansin nya na naiilang ako sa kanya. Gusto ko maging busy ang sarili ko pag kasama ko sya. I don't want to talk him. Ayoko syang makausap o ano. 

"Boyfriend mo na si Cloud? Pano si Kurt" Napahinto ako sa pag hahanap kahit wala namang hinahanap.

"He's not my boyfriend. " Seryosong sagot ko.

"Bakit ang Iloveyoutoo ka?" Humarap ako sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Eh ano naman sayo? Mahal ko naman yung tao?" nakita ko naman na nagulat sya sa sinabi ko."Saka si Kurt? Kaibigan ko sya. Pero iba parin si cloud sa lahat" Inayos ko na ang sarili ko na nag bukas ang elevator.

"Hindi ka pwedeng mag mahal" Nagulat ako dahil dun.

"Wala kang karapatan bawalan ako" Tuloy tuloy akong nag lakad palabas.

Napapikit ako. Feel ko? Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag dahil dun. Parang ngayon lang ako nakahinga ng ganito. 

Bakit pag kasama ko sya laging pigil ang pag hinga ko. Bakit pag kasama ko sya nahihirapan akong huminga. Yung puso ko daig mo pa na nakikipag karera sa mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok.

Pag labas ko ay pumara agad ako ng Taxi. Sumakay dun ng mabilis.

Pumikit ako at hinilot ang sintido ko. Binisita ko ulit ang cellphone ko at may nakita akong 3message. Kay cloud, Kuya and Kurt.

Una kong binuksan ang kay cloud.

'Pumasok ka na?'

Agad ako nag reply nga 'Yup' Sunod naman kay kay Kuya.

'Okay. Nextweek' hindi ko to nireplyan at tinignan ko naman ang kay kurt.

'GoodMorning princess' Nag reply ako ng 'GoodMorning too' 

Huminto na ang taxi sa harap ng St Lukes.Nag bayad ako kay manong at agad na lumabas na mabilis. Mabilis ko din sinuot ang ID. Konti lang naman ang tao dahil summer. Konti lang kami dito.

TAKANAWhere stories live. Discover now