Nine: Halfsister

823 16 0
                                    

"Oh? Bakit nandito yan?" Pag pasok ko palang ay nakita ko na si Aila. Yas. Aila? Hindi ko alam kung bakit nandito sya.

"Mag sisimula ka nanaman ba Takana?" nakita ko si Kuya at dady na papasok ng kusina. Si yaya lang kasi ang nandito.

"I'm just asking? May mali ba dun?!" Inirapan ko sila at umupo na.

"Dito sya mag di-dinner" Napaawang ang bibig ko dahil dun.

"Okay"

"TAKANA?!" 

"WHAT?" Kitang kita ko ang inis sa muka ni dady. Kitang ko ang galit sa mga mata nya. 

"Umupo ka at sabayan mo kami" malamig nitong tugon.

"Wala akong gana kung makakaharap ko yang babaeng yan" narinig ko ang kalampag ng mesa dahil sa ginawa ni dady.

"Takana? Umupo ka! At kumain" Nanginginig ako sa takot dahil sa pinapakita ni dady.

Kahit kailan. Ngayon lang nyo ginawa sakin at sa harap pa ng babaeng to? Anong meron sa kanya at kayang kaya nya ko pagalitan ng ganito? 

Hindi ko yun sinunod at buong tapang ako umalis sa kusina na yun. Rinig na rinig ko ang sigaw ni dady. Tumulo ang luha ko dahil dun.

Sino ba si Aila? At bakit ganun nalang sila magalit? Ano bang meron kay Aila at pinag tatanggol nila sakin ito? Inaagaw din ba ni Aila ang pamilya ko gaya ng pang aagaw niya sa lalakeng mahal ko.

Pumasok ako sakwarto at pumasok sa cr. Nilub lob ko ang sarili ko dito at umiyak ng umiyak.

I hate her so much. I hate her. Pwede nyang agawin ang dady ko. Pwede nyang agawin si kuya. Pwede nyang agawin sakin ang lahat. Nararamdaman ko dahil sa ginagawa ni dady at Kuya. Maari nyang magawa yun. I hate her.

Lumabas na ko ng Cr at sinuot na ang pang tulog ko.

Starting tomorrow, Wala ng Mitsu sa buhay ko. Wala na sya at umalis na. Gaya ng lahat na nang yayare?Kakayanin kong tumayo sa sarili kong paa.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi na ko bata, Kakayanin ko ang lahat para mabago ang sarili ko. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak para lang sa maliit na bagay, Hindi ko hahayaan ang sarili ko na masaktan. Kakayanin ko to lahat. 

Sasanayin ko ang sarili ko.

Tumingin ako sa orasan ko. Nakita ko na 10pm na. Nakaramdam naman ako ng gutom dahil dun. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumaba ako at papasok sana ng kusina ng may narinig ako.

"Dady, I'm sorry" Sumilip ako ng konti at nakita ko si Dady at Aila na umiiyak. Anong meron? Anong meron sa kanila? Bakit sila mag kayakap? Kabet ba ni dady si Aila. Ghadd! 

"No. No Aila. Please. Sasabihin natin lahat sa kapatid mo? Sasabhin natin kay Takana na kapatid ka nya sakin. Matatanggap nya yun. Mabait syang bata" Halos matameme ako sa narinig ko.

K-kapatid ko sya? P-pero? Matanda sya sakin? Ano ibig sabihin nun? Na hindi pa ko nabubuo? May kabet na si dady? Niloko nya si momy? Niloko nya.

"Hindi nya po ako matatanggap dahil sa ginawa ko. Hinding hindi" Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil dun. 

Hindi ko talaga sya matatanggap. At kahit kailan hindi ko sya ituturing na kapatid? At kaya pala ganun nalang si kuya at dady kung ipag tanggol sya? Ibig sabihin? Hindi ko to matatanggap. At kahit kailan hinding hindi.

"T-takana?" napatingin ako kay kuya na gulat na gulat. Pero ako? Galit? Galit ang nararamdaman ko.

"P-princess, Let me explain?" Nagulat ako ng makita ko si dady na hawak ng ang braso ko. Nanginginig ako sa galit. Nanginginig ako. 

Inagaw ko ang braso ko sa kanya at hinarap nya.

"N-niloko mo kami, N-niloko mo kami nila kuya at mommy" hindi ko maiwasan umiyak ng umiyak.

Lumapit ako kay kuya at hinawakan ang kamay nya.

"K-kuya niloko nya tayo. K-kuyaaa. Si dady niloko tayo" iyak ko sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. 

"Hayaan mo sya mag explain" Napabitaw ako dahil dun.

"Don't tell me? Alam mo to?" Umiwas lang sya sakin ng tingin at lumayo ako sa kanila. Hindi ko maiwasan masaktan ng sobra dahil dito. Lumayo ako sa kanila. Nakita ko si Aila na umiiyak din at halatang nasasaktan.

"B-bakit? "Hindi ko maiwasan mag tanong. "NILOKO NYO KO"  Tumakbo agad ako paalis dun. Umakyat ako sa kwarto ko at nilock to. Napahawak ako sa dib dib ko.

Pumunta ako sa kama ko at dumapa dun. Iniyak ko lahat lahat. Bakit pati sila? Bakit pati sila niloko ako? Bakit nila ginawa sakin yun. Masakit. Sobrang sakit. 

~

Napabangon ako sa kama ko ng nakita kong pumutok na ang araw. Halos humikab ako dahil dun. Wala akong tulog. At hanggang ngayon? Tumutulo parin ang luha ko. Kinuha ko ang Photo Album namin at tinignan ang mga picture dun.

Hindi ko maiwasan mapahagulgol ng makita ko ang muka ni mommy na sobrang saya. Alam nya bang niloko sya ni dady? Alam nya ba? Niloko nila kami ni mommy. Si kuya? Si kuya hindi man nya samin sinabi? Napakasama nila samin.

"Baby"  Hindi ko maiwasan mapangiwi sa pag tawag nila sakin na ganun. Hindi ko yun sinagot at niyakap nalang ang photo album namin. Pinikit ko ang mata ko.

Hanggang sa makatulog ako.

Hinawakan ko ang muka ko at naramdaman kong basa to. Hanggang sa pag tulog? Hindi ko parin mapigilan ang maiyak. Hindi ko parin mapigilan. 

Pumasok ako sa CR at tinignan ko ang sarili ko. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya Mabilis akong naligo at bumaba. 

Nakita ko na labas na padilim na? Sobrang haba pala ng tulog ko.  

Nag text ako kela cloud na wag munang pupunta dito at baka sa monday na ko pumasok sa coffee shop. Pumayag naman sila.

"Okay ba yung kwarto mo? Pasensya na ah. " Yan agad bumungad sakin pag pasok ko.

"Dito sya titira?" agad kong sabat sa kanila.

"K-kung pwede sayo" Agad nyang sagot sakin. 

"Pano kung ayoko Aila?" Umiwas sya sakin ng tingin.

"S-sige. Dun muna ulit ako sa apar--"

"Stay here Aila?" nakita ko naman sa mata nya na nag dadalawang isip kung gagawin nya ba o hindi. Napailing nalang ako.

"Stay daw?" natatawa kong sabi. "Mas maganda kung sa kwarto nalang kita" nakita ko naman na umaliwalas ang muka nya.

"T-tabi tayo?" masayang sabi nya.

"Hindi. Aalis na ko e" Tumalikod ako sa kanila.

"TAKANA?!" Huminto ako saglit at humarap sa kanila na walang buhay. "Ano bang gusto mong mang yare?" Ngayon ko lang nakita na ganito ang galit ni dady. Halatang mahal na mahal nya ang anak nya.

"Sigurado ka ba sa tanong mo dad?" ngumisi ako at napailing sa kanya "Kung sasabihin ko ba na ayoko syang pumasok sa buhay natin gagawin mo?" Tumingin ako kay Aila na naiiyak nanaman. Si kuya naman ay nasa likod nito.

Ramdam na ramdam kong wala akong kakampi. Kahit si yaya, Hindi makatingin sakin. Napangiti ako ng mapait.

"Oh. Ganito nalang? Sino gusto nyo mag stay dito? Ako...o sya?" Gulat na gulat ang muka ni kuya at dady dahil dun.

Hindi agad ito nakasagot.

"Gusto nyo ba talaga sya sa buhay nyo?" tumulo na ang luha ko dahil sa sagot nila.

"Gustong gusto namin Princess. Mahal na mahal ko si Aila. Anak ko din sya " Fuck. Ang sakit.

"Ikaw kuya?" Nakatingin lang sakin si kuya.

Sya nalang ang kakampi ko. Sya nalang. Kahit ngayon lang sana humindi nya sakin.

"Gusto ko" napangiti ako dahil dun. Tumalikod ako sa kanila at tumulo ng tumulo ang luha ko.

"Ngayon alam ko na kung sino pinili nyo" Mapait kong sabi sa kanila at umakyat na sa taas.

~tbc


TAKANAWhere stories live. Discover now