Eight: Baby

874 18 0
                                    

"Rainnnn akin yan" Sabay agaw ko sa kanya na Baso ko. 

Nag patimpla kasi kami ng Juice kami kami ang naiwan sa sala nila kuya at ni Mitsu. Maaga pa naman kaya ganito. Saka sinusulit namin na mag puyat. Bukas na bukas kasi mag hahanap kami ng trabaho.

Yas. Trabaho, Dahil nag pasya ako na kailangan kong may patunayan sa kanya sa lahat ng sinabi nya. Papakita ko sa kanya kung sino ang batang ininsulto nya. Papakita ko sa kanya na kaya ko na wala sya. Hindi ko sya kailangan sa buhay ko. Hindi ko sya kailangan sa tabi ko. Bata ang turng nya sakin? Kukuyahin ko sya batay sa gusto nya. At kahit kailan? Hindi na kami mag kakaayos at hindi na ko mag papauto sa kanya.

"Oh, Mitsu anong oras ng Flight mo bukas" Tanong dito ni kuya. Pero ang atensyon ko ay Kay rain dahil ayaw nya ibigay sakin ang baso ko.

"Konti lang naman" sabay pout nya.

Inirapan ko sya at ininom na ang laman ng baso ko.

"10AM pa naman" Napatingin na ko sa Tv at naramdaman kong kay tumabi sakin. Nakita ko si Cloud na nakangiti at pinatong ang ulo sakin.

"You sure na gusto mong mag work bukas?" 

"Yas. Sa coffeeshop ng tito mo? Gusto mo kakanta ako?" sabay ngiti ko sa kanya.

Nakita ko naman na hinilot nya ang sintido nya. Inalis ko ang kamay nya dun at ako ang humilot.

"Sarap" Napangiti ako dahil dun. Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang ilong nyang matangos at mata nyang singkit Mata, Ang labi nyang mapupula at kinis ng muka nya.

"Baka malusaw na yan" Napatingin ako kay Mitsu na madilim ang tingin sakin.

"Oo nga. Crush mo si CLoud no?" binatukan naman ni Rain si Storm. "Masakit?" inis na sabi nito."Bakit ka ba nambabatok?" natawa ako ng mahina.

"Wag kang maingay kasi. Ganda na ng pinanunuod natin. titig na titig na si Princess kay cloud tapos eextra ka" Bigla naman ako namula dahil dun.

Kanina pa pala ni ako tinitignan.

Bigla naman hinawakan ni CLoud ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't mind them" Bigla nyang hinalikan ang kamay ko, Dahilan ng pag init ng pisnge ko. Bigla ko naman sya hinampas at mahina syang natawa.

"Anong kukunin mo?"  tanong ni kuya sakin.

"Interior Designer" maikling sabi ko. "Tapos gusto ko? Condo nyo agad ang una kong gagawin pag nakatapos ako" 

Pag katapos ng usapan na yun ay nahiga ako sa tabi nito, Naka sandal ang ulo ko sa dibdib nya habang naka pikit. Nakatulog ako ng ganun pwesto.

"Mahal na mahal kita" naalimpungatan ako sa narinig ko. Gusto kong idilat ang mata ko. Pero kilala ko yung boses na yun. Yung boses ng lalakeng minahal ko? Yung lalakeng niloko at iniwan ako.

"Mahal na mahal kita" Ulit nitong sabi. Naramdaman ko ang pag dampi sa noo ko at ilong. Gusto ko sya pigilan pero gusto ko din marinig ang sasabihin nya.

"Babalik ako, Babalikan kita. Mag papakasal tayo" sa susunod nun ay wala na kong narinig kundi ang pag bukas at sarado ng pinto ng kwarto ko. Dumilat ako ay umupo.

HIndi ko mapigilan masaktan dahil dun? Ano ba sinasabi nya? Di nya naman ako mahal? Bakit nya sasabihin na babalikan nya ko? Hindi ako mag papauto sa kanya. Kahit kailan. Hinding hindi ko sya mapapatawad sa sakit na ginawa nya,.

Pero bakit di ko maiwasan maniwala sa sinabi nya? Hindi ko maiwasan. Bakit gusto kong umasa? 

"H-hindi pwede" Pinunsan ko ang luha ko ang natulog nalang. Kahit hindi ako makatulog ay pinilit kong pinikit ang mata ko.

~

Kinabukasan 

Narinig ko agad ang isang malakas na katok, Binuksan ko yun at bumungad sakin si kuya na nakakunot ang noo.

"Get yourself. Hahatid natin si Mitsu sa Airport" nagulat ako sa sinabi nya.

Oo nga pala. Ngayon ang alis nya.

"Bakit kasama ako? Inaantok pa ko" Walang gana kong sagot.

"Sumama ka, Ikaw inaasahan ng tao" nagulat ako dahil dun. Umalis nalang syang bigla at nag buntong hinga ako. 

Pumasok ako sa banyo at naligo agad. Pag labas ko ay kumuha ako ng isang short at simpleng v neck shirt lang na black. Kinuha ko ang Airmax sa gilid at sinuot yun. Nag suklay ako at blinower ko ang buhok ko. Polbo at lipgloss. Kinuha ang isang backpack ko na black at bumaba na.

"Ayan na pala e" Nakita ko din si Aila na nakangiti sakin.

Hindi ko sya ningitian pabalik. Bangkus nauna akong lumabas sa kanila. Nakita ko din sila cloud na nasa labas at may dala din kotse. Ganun di si rain.

"Okay naman na kasi yung Van bakit pinadala pa sakin kotse ko" Reklamo ni Rain.

"Sira nga diba? Sira" Singit ni Storm. 

Hinalikan nila ako isa isa sa noo.

"Reklamo ka ng reklamo, May magagawa ba?" sagot ko.

Natawa naman si Thunder dahil dun.

"Oo nga naman. Nako nako!" natawa din ako ng nakita kong nag pout sya. 

"Dito ka Takana" napatingin ako kay Mitsu na nandito na pala.

"No. Dito nalang ako kela cloud, Saka may pupuntahan din naman kami e" Ngiting sabi ko.

"Takana? Dito ka" napalingon ako kay kuya na mukang naiinis. Napatingin naman ako kela cloud at tumango nalang.

Wala na kong nagawa kundi pumunta dun. Pumunta si kuya sa driver seat si Mitsu naman ay sa tabi nito at katabi ko si Aila.

Hindi ko na sya aatehin dahil hindi naman nya deserve ang respeto ko. Kinuha ang cellphone ko at tinext sila cloud.


To cloud:

'Sumunod kayo?'

 Tanong ko dito. Mabilis naman to nag reply sakin.


'Yup. Nasa likod lang kami' 

Hindi ko na to nireplyan at kinal kal nalang ang cellphone ko.

"Sino ka text mo?" Malamig kong tinignan si Aila at nakangiti naman ito sakin. Pero hindi ko to sinagot. Tinignan ko ang mga picture namin nila Rain nung nag Star city kami nung panahong pilit sila sakin ng pilit na mag libot kesa umiyak sa kwarto.

"Boyfriend mo yung CLoud" tanong nya ulit. "Ang sweet nyo sa mga photos nyo oh." Nilayo ko ang phone ko sa kanya.

"You don't care. And stop talking me" inis kong usal. 

"I'm just want to---"

"I don't care Aila. Kung wala kang magawa mag pakamatay k--"

"TAKANA?" Sigaw ng dalawa sa harap. huminto ang Van at tinignan nila ako ng masama.

"Takana, I'm sorry if you--"

"Stop! I don't care about you. Pwede ba? Wag mo---"

"Yan ba ang natutunan mo sa mga bago mong kaibigan?"napatingin ako kay Mitsu dahil dun.

"Oh. Kuya Mitsu. Hindi ba pwedeng nag bago lang ako at naging malakas. Wag mo silang idamay dito dahil iba sila SAYO" DIniin ko talaga ang salitang SAYO. Nakita ko naman na nag bago ang expression nya at inirapan ko sya.

Napalingon naman ako kay Aila na umiiyak. Wow! 

"You look like crying baby. Kahit wala pang ginagawa. Manang mana talaga sayo ang kapatid mo" Inayos ang upo ko at tinignan nanaman nila ako.

"TAKANA? PWEDE BANG TUMAHIMIK KA?!" Nagulat ako sa sigaw ni kuya. 

They're freaking out because of this girl? Wala na talaga ako sa kanila.

Mabilis kong binuksan ang Pinto sa gilid ko. "I can't stop. AKo nalang aalis. Kawawa naman yung baby nyo" sarcastic kong sabi. Nakita ko naman sa likod ang Kotse nila cloud. Lumabas sila at ngumiti ako sa kanila.

~tBC

TAKANAWhere stories live. Discover now