Seven: Move on

823 18 1
                                    

"Mommy" Umupo ako sa puntod ni mommy. At dinama ang malakas na hangin.

"Mommy, Sana nandito ka" Hinagod hagod ko ang puntod nito.

"Miss na miss na kita" Nararamdaman ko nananaman ang luha ko.

"Sana nandito ka para i comfort ako... Kasi mommy, Ang sakit sakit na... N-naalala mo yung sinabi nya na ako lang? Na ako gusto nya makasama habang buhay? Ako lang mamahalin nya? H-hindi pala totoo? Lahat na yun hindi totoo mommy. iniwan nya ko. N-niloko, Ginagago. Hinding hindi ko sya mapapatawad m-mommy." napahagul gol nanaman ako dahil dun. Sobrang hirap ng walang magulang, Sobrang sakit.

"M-mommy, Totoo ba? N-na hindi ko kaya alagaan ang sarili ko? Na hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa? M-mommy? Kaya ko diba? D-diba mommy? M-mayt tiwala ka sakin mommy diba? P-papatunayan ko sayo mommy lahat.. Papatunayan ko sa kanya yun" Pinunasan ko ang luha ko at huminga.

"At mommy? Eto na din ang araw na iiyak ako para sa kanya"  Tumayo ako at pinag pag ang pwetan ko.

Graduation ko na bukas? Simula nung nang yare yun? Hindi na ko makausap? Halos isang linggo yun? Isang linggo ako tulala sa kwarto atiyak ng iyak? Si dady? Inatake si dady dahil muntik ko ng patayin ang sarili ko.

Pero na realize ko na madaming palang nasasaktan sa mga ginawa ko? Si dady? Si kurt at kuya? Yung apat kong bagong kaibigan? Hindi na sila nawala sa tabi ko. Kahit hindi kami nag papansinan ni cloud? Alam kong galit sya sakin dahil sa sinabi ko. Pero alam ko? Na sila na makakasama ko? Sila ang makakasama ko sa bagong buhay ko na wala sya.

"Princess. BILISAN MO!?" Sigaw ni Rain sakin.

"SAGLIT" inis kong sabi. 

Nag lakad ako mabilis papunta sa kanila, Bigla naman akong niyakap si Rain.

"Huhu. Miss ka namin" Bigla naman sya binatukan ni cloud dahil dun. 

"Breezy" bulong nito.

"Selos ka lang e" Bigla naman dumila si Rain na kinatawa ko.

"Cloud?" Mahina kong tawag. Lumingon sya sakin pero walang expression ang muka nya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit. "I'm sorry" Naramdaman ko naman na gumanti sya ng yakap.

"Okay lang yun" napangiti ako dahil dun. "Ikaw na Prinsesa namin" Napasubsob ko ang muka ko dito at amoy na moy ko ang kanyang pabango.

"Maka Breezy to. Mas breezy ka papala sakin"

Nabalot ang tawanan ang buong paligid dahil dun. 

~

Graduation

"Ambagal?" inirapan ko si Rain dahil dun.

"Napaka mainipin mo naman?" inis kong sabi. Inayos ko ang buhok ko. Lumabas na ko ng kotse nya at binatukan sya. 

Nakita ko naman si Daddy na gwapong gwapo ang dating. Niyakap ko naman agad sya.

"Dady, Ready ka na ba isabit sakin lahat ng medal mo?"  natatawang sabi ko. 

"Mas ready pa sa ready" napayakap ako sa braso nya at sabay na kaming nag punta dun.

Nag lakad na kaming lahat papunta sa upuan. Nakinig lang ako sa lahat ng sinasabi. Nag speech din ako para sa Valeditorian. Dahil ako ako ang gumawa ng speech pag katapos nun nag picture, picture na kami. Hindi na kami nag kahiwalay ni kurt dahil dun. Maraming nag papicture saming dalawa. Halos matawa ako dahil dun.

"May picture na ko kay Takana, Buti nalang pinag bigyan tayo kahit ngayon lang" Mga nag pasulat pa sila sa mga uniform nila ng mga name. Kahit ako at ginawa ko yun. Sobrang saya ng lahat. Dahil alam namin na eto na ang huli.

Pag katapos nun ay umuwi na kami. Madilim sa bahay namin at patay ang ilaw. Nauna akong bumaba at pumasok sa loob. Pero nagulat ako sa pag bukas ko ng ilaw?

Bumungad sakin ang 'CONGRATULATION PRINCESS' Mabilis ako dumalo kela Rain. 

"Kaya pala ayaw nyo na nandito ako. Tapos dun nyo pa ko sa parlor pinaayos ang lahat kasi may suprise kayo sakin!?" natatawang sabi ko.

"PARA YAN SA IISANG BABAE NG AMIN BUHAY" Sigaw ni Rain sabay bukas ng isang alak at tumirit samin.

"THE HELL BRO" inis na sabi ni Thunder. 

Niyakap naman ako ni Storm at bumulong "Si Cloud may gawa nitong lahat" Hindi ko maiwasan mapangiti. Nakita ko naman si Cloud na kausap si kuya habang si Thunder naman at Rain ay nag aagawan sa Alak.

Umalis si kuya ng namataan nya ko. Niyakap ko agad si Cloud.

"Thank you" Hinalikan nya naman ang noo.

"Anything for you Princess" Nag si upo na kami.

Mag sisimula na sana kami kumain ng may biglang dumating.

"Late na ba kami?" Napatingin ako sa nag salit. Nakita ko si Tito Rommel at si.....Mitsu. Mabilis akong tumayo. At nakita ko naman ang gulat sa muka ni mitsu. Niyakap ko sya at si tito rommel/

"Gift ko?" tanong ko agad pero niyakap ko agad sya. Ginulo nya ang buhok at may binigay saking paper bag. 

"Congrats bunso" Sabay halik nya sa noo ko. Napatingion naman ako kay Mitsu at ngumiti. Babalik na sana ako sa upuan ko ng bigla syang nag salita sya na kinatahimik ng lahat.

"Congrats Princess" lumingon ako sa kanya at binigyan sya ng matamis na ngiti.

"Thank you Kuya" Malamig kong sabi at bumalik na sa upuan ko. Pinukpok ko naman ng kutsara ang kamay ni Rain.

"ARAY NAMAN?!" Sigaw ko nya.

"Bakit mo ginaganyan yung pag kain!?" Inis kong sabi. 

Natawa naman si Storm at dinilaan sya. Si Thunder naman ay nag pipigil na tumawa habang si cloud naman ay napangiti sakin. Si kuya naman ay kausap si tito romme

"So? Yun nga. Bukas na ang Flight ni Mitsu papuntang London para tapusin ang pag aaral" Nagulat ako dahil dun. Pero hindi ko hiyaan ang sarili ko na lumingon sa kanila.

"Rain?" natatawa kong sabi.

Kailangan kong pigilan ang sarili ko sa sakit para maka move on. Kailangan ko matakasan ang sakit na to. Sakit na kahit kailan ayoko ng maramdaman.

"So ihahatid mo sya Taketsu" Napalingon ako kay kuya at ngumiti. Natapos na kaming kumain at nag simula na kumain ng dessert. May cake, Leche plan, Cream de fruta na gawa ni Cloud.

"Gagawa mo ko nito lagi ah" Sabay hawak ko sa braso nya. Ngumiti naman sya ulit at hinalikan ang noo ko.

"Oo ba. Lahat ng gusto mo gagawin ko" 

"Ehem" Napatingin ako kay Mitsu na nag Fake cough. "Tapos na ko.Excuse me" Inalis ko ang tingin sa kanya at kumuha ulit ng cream de fruta.

"Favorite ko na talaga to" 

"Sya kasi ang magaling mag luto samin? Sa iisang unit lang kami nakatira diba? Tapos sya taga luto namin. Para ya---awww. Ano ba Storm" natawa naman ako ng mahina.

Nabalot ng tawa ang buong hapag kainan dahil sa dalawa. 

~TBC


TAKANAWhere stories live. Discover now