(Book2)Seven: Cancer

804 13 0
                                    

"Alam mo ba? Matagal ko na gustong makipag kaibigan sayo. Kaso ang tahimik mo tapos ang ilap mo sa tao. Kahit nakakasama mo sila cloud tahimik ka din" Ngumiti lang ako.

"Hindi ko din alam. Basta ang gusto ko lang makapag tapos at may patunayan sa buhay"  Binuklat ko ang libro habang nasa sasakyan kami. 

Nag basa agad ako sa part 1 ng Exam namin. Mabilis kong kinopya ang part na yun. Ixexerox ko para meron din sila. Hindi naman mahirap ang exam kung nag aaral ka mabuti saka kailangan talaga nila makapasa.

I think kaya lang sila bumagsak. Dahil kulang sa review. Matanda pala sila sakin ng one year parang si kurt lang. 

"Ang sipag mo talaga" 

"Kailangan kasi" 

Nag tuloy tuloy ako sa pag kopya ng mahahalagang impormasyon at mahahalagang dapat i review. Mas maganda kasi siguro pag ganun para mabilis pumasok sa utak nila. Kung pag babasa lang gagawin nila walang papasok sa utak nila. Kailangan kasi yung mga meaning at dapat din walang distraction.

Nang tumigil ang sasakyan saka ko inayos ang mga books. Pinag buksan ako ni Kaizen at lumabas ako. Kinuha nya ang mga books na dala ko.

"Gentleman ah" 

Napatingin ako kay Kevin na nag pipigil ng tawa at tinignan ko si Kaizen na masama ang tingin dito. Hinagis ni Kaizen ang susi sa guard. Una syang pumasok at sunod kami.

Sa Gate palang malalaman mo na talaga na mayaman sila, Dahil sa pag pasok mo? Pool agad ang sasalubong sayo. Sa gilid ng pool ay may pareng bench at may Table din. Dalawang table ang nalagaya dun. Hindi ko maiwasan mamangha sa bahay nila.

He's rich! Ghaddd. 

Funtabella's Residence Yan ang nakalagay sa gilid. 

"Pasok kayo wag kayong mahiya" ngiting sabi samin ni kevin. Agad naman sya binatukan ni Kaizen.

"Pasok kayo, Wag kayong mahiya" Nakakapit sakin si Angeline at pumasok sa loob. Hinatid nya kami sa sala at pinaupo sa sofa.

May isang babaeng nasa 40's na bumaba. Sa ayos na to muka to ang mommy ni Kaizen. Dahil pareho sila nito ng ilong.

Sunod naman ay isang babaeng asa 20's na mukang mas matanda lang samin ng 3 or 4 years old. 

"Mom, i have to go? Nag hihintay na si Mr. Padill sa coffeeshop na pag m-meeting-an namin." Napatingin ako sa babaeng yun,

Ang Ganda nya. Sa ayos nya palang parang ang formal nya na. Tapos muka pa syanbg workaholic dahil sa mata nya.

"Hey , Little brother paki sabi naman sa bestfriend mong matanda na wag na sya babalik." 

"Maganda araw po" bati ko sa kanila "Ma'am" Ngumiti naman sakin ang mommy nito. Pero yung ate naman ni Kaizen ay bigla akong nilapitan.

"Pamilyar ka sakin?" sabay hawak sa pisnge ko.

"P-po?" nauutak kong sabi,. "Ngayon lang po kita nakita e" sagot ko.

Totoo yun. Ngayon ko lang talaga sya nakita. Wala akong maalala na nag kita na kami or nag usap? Pinakilala sya sakin.

I don't know her.

"Yeah! Naalala ko na. Sa cellphone ni Mitsu. Ikaw ang wallpaper nya" Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun. "He said na girlfriend ka daw nya." Nagulat pa ko dahil dun.

"No. He's not my boyfriend. Kuya kuyahan ko lang po sya" sagot ko.

"Oh. Pero sa picture ang sweet nyo. Naka yakap ka sakanya parang asa beach kayo" Naalala ko yun picture na yun.

TAKANAWhere stories live. Discover now