(Book2) Five: Mad

743 14 0
                                    

"Hindi ko parin maintindihan? Mas pinili ng pamilya mo si Aila kesa sayo?" Tumango lang ako at ngumiti.

"Dahil mas mahal nila si Aila? So pinutol nila Koneksyon namin" sumubo ako ng Dessert at tinuloy ang sinabi ko. " 3 years na ang nakaraan? Buti nalang tinulungan ako nila cloud para makaahon"

"CLoud? Diba sila yung kasama namin sa pag hahanap sayo nun? " 

Tumango ako.

"Yeah. Mabait sila. Binigay nila sakin yung condo nila nung 18th birthday ko. Tapos nag party kami dun mismo sa condo" 

Hindi ko makalimutan yun. Nung pag ka graduate nila ng college nag silipatan na sila. Ayaw man nila sabihin? PERO Alam ko gift nila sakin yung condo na yun. Kunyare lang sila na lilipat sila sa malapit sa work nila pero ang totoo? Eto yun.

"I'm sorry" 

"Huh? Bakit ka nag sosorry?" kunot na tanong ko.

"Wala ako sa tabi ko. SObrang hirap tanggihan ni dady that time. "

"Naiintindihan ko. Saka mag thank you ka sa dady nya dahil nanjan ka sa kinatatayuan mo." sabay kindat ko sa kanya.

Natawa naman sya dahil dun.

"So how's your life with them?"

"Happy ofcourse! Puro kagaguhan ang alam. " Napatango naman sya. 

"Boyfriend mo si cloud?" Napatigil ako sa pag kain ng dessert at tumingin sa kanya.

"Suitor. " Maikling saad ako.

"So? Pwede din ako manligaw" natawa naman ako ng mahina.

Pero awkward kasi pag ganito. Hindi ako sanay. Sadyang natatakot lang ako na masaktan ang isa sa kanila. Ayokong manakit ng mga taong nag mamahal sakin. Ayoko ng ganun.

"A-ahmm." hindi ako makapag salita. 

Hinawakan nya bigla ang kamay ko.

"Ayaw mo o sa gusto? Liligawan kita" Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya.

Seryosong seryoso ang pag kakasabi nya. Halos wala akong makita sa mata nya na nag jojoke sya. Wala akong masabi.

Nginitian ko lang sya at hindi na sumagot.

"Ahmmm. Tara na? Labas tayo?" Tumango naman sya.

Nag bayad sya ng bill habang ako naman ay inaayos ko ang mga gamit ko. Lumabas kami ng sabay at sumakay sa Kotse nya. 

"San mo gusto? Maaga pa naman e"

"Ahmm. Sa Dulo? Dun sa pinaka mataas? Maganda dun pag gabi" 

"Oryt" 

Nang makarating kami dun ay agad akong bumaba, Hindi ko na hinibtay na pag buksan nya ako. Tinignan ko agad ang liwanag ng buong paligid. Kitang kitang ang mga nag liliwanag na bahay dito.

Una akong dinala dito ni cloud birthday ko? 2AM nun? Dinala nya ko dito para mag liwaliw. Talagang ginising nya ko nun para lang makita ko to.

"Maganda no?" ngiting sabi ko.

"Yeah. San mo natuklasan ang lugar na to?" 

"CLoud! Pinakita nya sakin to nung Birthday ko. Madaling araw nun? Ginising nya ko dahil gusto nya ko makadate ng madaling araw. That's romantic! " 

Dito rin nag tanong sakin si cloud na liligawan nya ko. Gaya din ng sabi ni Kurt? Ganun din si cloud. Sa ayaw o sa gusto ko? Liligawan nya ko.

Parehong pareho sila.

 Pumunta kami sa dulo at nagulat ako ng may tao dun. Hinila ko si Kurt. Hindi rin naman kasi ako makapunta pag may lalake dito dahil natatakot ako na baka masamang tao yun.

Hindi lang naman kami nila cloud ang nakakaalam nito.

"May tao ?" sabay turo ko.

"Oh. Si Mitsu yata yan" Bigla naman tumibok ng mabilis ang puso ko sa pag karinig ng pangalan nya .

"Alam nya pala to?" Tumayo si Mitsu at humarap samin.

Kitang kita ko ang gulat sa mata nya ng makita nya kami ni Kurt. Bumaba ang tingin sa braso ni Kurt kung san naka palupot ang dalawa kong kamay,

Ngumiti lang ako sa kanya. Pero hindi sya maka ngiti sakin. Parang galit sya o ano. 

"Mitsu" mahinang tawag ni Kurt dito. "Alam mo pala to" tumango lang si Mitsu at hindi ngumiti.

"Yea. Napadaan lang ako dito. 3 years ko na din kasi tong hindi napupuntahan" habang sinasabi nya yan sakin lang sya nakatingin ng matalim.

"Kayo? Alam nyo pala to" 

"Dinala lang ako ni Takana dito, Maaga pa kasi para ihatid sya. Nag dinner kasi kaming dalawa" Mahinahon na sagot ni Kurt dito.

"Oh. Kailan mo nalaman ang lugar na to" tanong nito sakin.

"Nung 18 ako. Dito ako dinala ni cloud" sagot ko sa kanya."Kurt upo tayo din para mas makita mo yung liwanag" 

"Okay. " Umupo kaming dalawa dun at nag simula na mag salita.

"San ka nag aral? College ka na diba? 3rd year sa pag pasok?" Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. Nakita ko si Mitsu na seryoso ang tingin. 

Tumingin ulit ako sa harap.

"St. Lukes. 4rth year na ko sa pag pasok. " sagot ko.

"Accelerate ka din?" tanong nya.

"Hindi. Tuloy tuloy ang pasok ko. Final na namin this week? Sa pag pasok ko sa pasukan. 4rth year na ko."

"San mo balak mag ojt?"

"Kung san iassign. Kasi si Cloud gusto sa kanila. Ayoko naman. Kasi baka special treatment gawin sakin. Ayaw pa naman ako nun na papagod at na i-stress" 

"He loves you" ngumiti ako at tumango.

"Yea. He loves me so much. Sya yung lalakeng nasa tabi ko habang nag hihirap ako.Sya ang nasa tabi ko nung tinalikuran ako ng lahat." Hindi ko mapigilan ngumiti sa bawat salitang yun

Hindi ko pag kakaila na mahal ko na si Cloud. Pero alam ko? Mamahalin ko din sya gaya ng pag mamahal ko kay Mitsu.

"Gabi na? Umuwi ka na" napalingon ako kay MItsu na seryoso parin ang tingin.

"10 pa curfew ko. 9 palang" Tumingin ako sa langit at pinag masdan ang mga stars. "Ganda" Kinuha ko ang cellphone ko na naramdaman kong nag vibrate ito.

 Pero pag kita ko, Ay isang Unknown number lang.


'Can we talk' 

 Nag reply naman ako agad.

'who's this?'


Mabilis naman tong nag reply.


'Princess, Its me. Your kuya' 

 Nawala ang ngiti ko dahil dun.

 'I'm busy' tinago ko na ang cellphone ko at nawalan na ng gana.

"Kurt hatid mo na ko." Malamig kong tugon. Nauna akong tumayo at nag lakad papuntang kotse. 

May parte sakin gusto ko syang kausapin. Pero pag iniisip ko ang pag talikod nya sakin?  Halos di ko na mapigilan magalit.  Yung mga sakit na yun. Sa kanya lang ako umaasa? Pero ano? Wala syang ginawa.

"Are you okay?" tumango ako sa kanya at pumasok sa kotse.

"I think you're not okay" 

"I'm tired." tumango naman sya.

Sya na mismo nag kabit ng seatbelt ko at pinaandar nya na ang kotse.

Kuya? I want to talk you but i'm still mad at you. I'm still. But ilove you.

~tbc



TAKANAWhere stories live. Discover now