(Book2) Three:Too much

913 17 0
                                    

"YOW" Sabay apir sakin si Rain habang papasok ako sa loob ng Van. Umupo ako sa tabi ng Driver seat.

Naka jacket sya at naka salamin at may cup.

"Sikat na sikat na ah" Sabi ko sa kanya habang kinindatan sya. "Type mo ba yung Leading lady mo?" tanong ko.

"Hindi ah! Friends lang kami.Saka nakakainis din minsan kasi kailangan namin iannounce sa lahat na kami na. Ayokong nanloloko ng mga tao, Especially sa mga nag mamahal sakin" Halatang stress na stress sya dahil dun "Kaya pag katapos ng Movie nato? Ayoko na. Tatahimik na "

"Sino ba nag sabing Mag artista ka?" natatawa kong sabi.


Nang makarating kami sa Semeteryo bigla naman silang nag habulan na tatlo. Kami naman ni CLoud ay inaayos ang pag latag sa sahig at Tent.

Dito kasi kami mag papalipas hanggang 4PM. Then i have dinner date with Kurt. Hindi ko pa naman nasasabi kay Cloud yun. But i know na papayag sya. Dahil alam nya na kaibigan ko yun tao.

Dahil tahimik kaming dalawa. Naisipan ko na din i open yun.

"Later, I have a dinner date with Kurt" sabi ko agad.

Nakita ko naman na napatigil sya. 

"What time?"

"6 or 7pm." Maikli kong sagot,

Tinapos namin ang pag aayos at naupo na kami. Sinimulan ko na ang patirik ng kandila at nilagay ko na din ang bulak lak.

"Hindi ba pwedeng bukas nalang?" Sagot nya.

"No! Mag rereview ako this week and dahil malapit na ang exam. Sinusulit ko lang ang panahon ngayon" napatango naman sya.

"So? Ihahatid kita at susunduin?" Umiling ako.

"No need. Ihahatid ako ni Kurt for sure. Susunduin nya din ako sa Condo later. Kaya safe ako" Muka syang hindi kumbinsado dahil dun.

" You know kurt right? He's my long time friend. You don'y have to worry about h--"

"But he likes you?" Nagulat naman ako dahil dun.

"That's impossible. It's been 3 years." sagot ko

Umiling naman sya.

"If he court you? Papayag ka?" Umiling ako at hinawakan ang kamay nya.

"He's my long time friend. Trust me? He's my friend. No more no less" Inalis ko ang hawak sa kamay nya at nilagay ko sa muka nya. "Look at me?" Pero umiwas sya ng tingin.

Tumabi ako sa kanya at niyakap sya.

"I love you but i'm not ready for a relationship." Ngumiti ako sa kanya at nilagay ko ang muka ko sa dib dib nya.

"Trust me."

"But you still love him" Napalingon ako sa kanya dahil dun.

"W-who?" 

"Mitsu. Your eyes? I know that. Kanina habang nag uusap kayo? Pinipilit mong maging Normal. Pero yung kamay mo? Nanginginig ka. " Napaiwas ako ng tingin.

Totoo? Totoo lahat yun.

"But I love you." sagot ko.

"Pero hindi katulad ng pag mamahal mo sa kanya" Nakaramdam ako ng sakit dahil dun. Nakikita ko din naman na nasasaktan sya. "Pero hindi ako susuko. Mahal mo na ko. May pag asa ako" Hindi ko maiwasan maluha dahil dun

Feel ko pinapaasa ko sya. Feel ko sinasaktan ko sya. Feel ko ako dahilan ng lahat kung bakit sya ganito. Pero mahal ko naman talaga sya e. Hindi lang tulad ng pag mamahal ko kay Mitsu. I love mitsu more than him. 

TAKANAWhere stories live. Discover now