VI: Stay

1.1K 41 0
                                    

17- Baa baa Black Sheep

Celeste Clementine
4:46 p.m.
Nov 11
Magnanimous Council Room kasi may aircon at malamig.

Pabalik-balik na naglalakad si Sky sa harap ko. Balisang-balisa sya at ayaw akong kausapin. Ayaw nya din na iabot sakin ang letter na galing sa katawan ni Jigo na ngayon ay napadala na sa hospital. Pinatigil muna ni Tito Tupak a.k.a. The Principal ang school festival dahil baka may mapahamak pa. Ni hindi pa nga namin na-perform ang sayaw na hinanda namin, eh.

"Baa! Baa! Repeat after me, Keam. Baaaa!" Ayan na naman po sila. Ang makulit na fourth year. Pumasok sila sa Conference Room na kung saan kami lumipat ni Sky para makapag-isip ng maayos.

Hirap na hirap si Keam na ibinaba ang ubod na hyper na babae at napa-whoo pa sya nang mababa na nya ang dalaga. Ngising-ngisi naman si Maries at nag-salita.

"Wag ka Mag-alala Keam Nielle. Re-rewardan kita mamaya." Sabi nya at itinaas-baba pa ang kilay. Namula si Keam at kumunot ang noo. Napasinghap ako at natawa naman ang katabi ko.

"Ako din, Wifey. Rewardan mo ko." Binatukan ko sya at hinablot ang letter. Oh god...

Bumalik na nga sya. Nanginig ang laman-laman ko. Miles is back. And I know that he'll hunt us down. Hinablot ito sakin pabalik ni Sky at pinunit.

"Sky, bumalik na sya..."

"I know, kaya nga ayokong ipakita sayo. Dahil, magpa-panic ka." Saad nya habang nakatingin sa sapatos nya. Napabuntong-hininga ako.

"Sino nag-sabing nagpa-panic ako?" Napaangat sya ng tingin. Ngumisi ako at nanlaki ang mata nya.

"Cel..."

"Besides, I wanna talk to Teddy." Sabi ko pa. Teddy is a persona of Miles. Sya yung isip-bata at tumulong samin kung paano mahuli si Miles. Sya ang nag-bibigay ng clue samin.

"He's dangerous!" Nagpalipat-lipat ang tingin samin nina Keam at Maries. Wala kasi silang alam sa kaso ni Miles. At bago pa lang sila sa Academy.

"Don't mind us. He just loves to panic." Sabi ko at nginitian ang dalawa. Nanlaki ang mata nya at nilingon si Keam na hindi ko alam kung mahihimatay na o maiinis.

"I know it, Ate President. Your very first case. The Miles-Multiple-Personality Murder Case. Pero, He pleaded guilty. Diba?" Sabi nya. Paano nya nakuha ang information na yun? We never released it to the people. Oh well...

"Oo. Nahuli namin sya. Pero, paano nyo nalaman? We never told anyone na kami ang nakahuli. He was pleaded into insanity then pinalabas na guilty lang sya. The police took credit. And we work in the shadows..." I said at namutla si Maries. Sabi na nga ba...

"I'm your fan, Ate Pres." Sabi nya na parang nahihiya. I looked at her eyes. Hindi ito bumaling sa iba at nanlaki. Good. Hindi sya nag-sisinungaling.

Or magaling syang mag-sinungaling?

His Pov

"Alam mo let's take a break from detective works." Biglang sabi ni Cel sakin. Humarap ako sakanya at tumingin na para bang isang malaking joke ang sinasabi nya.

"Bakit? Totoo naman ah. Kapag may pinupuntahan tayo. May namamatay. Di mo ba napapansin? Lahat ng lugar na pinupuntahan natin may namamatay."

Napatango ako. Lagi naman eh. It's as if someone plans a murder case for us to solve. And now that Miles is on the loose limitado na naman ang clues ko. I need to catch him again.

"Saan mo gusto?" Tanong ko at napataas sya ng kilay. Tama naman ang tanong ko ah. Inulit ko na lang.

"Saan mo gusto magbakasyon?" She smiled and laughed softly. Parehas kami ng naiisip na lugar. Coral reefs. Clear water. Sunsets.

"Palawan. I just hope na walang aalunin na katawan this time. Hahaha." Sagot nya. Napakamot ako ng batok. I hope so.

"After this week?" Tanong ko ulit. Tumingin sya kina Tisoy at tumango. I just hope that there will be no dead bodies lurking in the dark.

Osiris Schuyler
7:35 a.m.
Nov 13
Last day of H.Q.A. Festival

"Ayusin nyo! Make the security more tight! Madami nang nanakawan ngayong feast day natin ah!" I barked orders at the Shadow Council. Mabilis akong lumakad papunta sa stage kung nasaan nandoon si Cel at ang kanyang mga hoodlum. Kaninang umaga pa ako nahihilo pero, balewala lang yun para sakin. Di naman ako madaling kapitan ng sakit.

Lol.

"Sky! Mag-break na muna tayo!" Sabi nya. Napakunot ang noo ko. What the?

"Don't give up on me, Wifey!" Sabi ko at nagsipalakpakan ang mga nanonood samin. What? Tama naman ah. She quickly walked towards me and gave me a...

"HEADBUTTT!!!" Nagsihiyawan ang mga lalake samantalang ako ay hilong-hilo. Mabilis nya akong sinalo at pinaupo sa isang sofa ng Radio Room.

"Mr. President, umayos ka nga..." she said irritated.

"Then, that makes you my first lady..." I said and she blushed. Sinapo nya ang noo ko at napasinghap.

"May lagnat ka!" She said. Nagmamadali syang pumunta sa may pinto. I stood up and walked towards the exit. May nakabangga sakin kaya, napatingin ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba, Miss? Be careful, cute ka pa naman." Sabi ko sa babaeng nakabangga ko. Napanganga sila at namula. May sakit ba sila?

"Dalhin-"

"Sky! Hubby! Halika na!" Sabi ni Cel na nasa pinto. I...

She's so beautiful. So cute. Kusang lumapit ang mga paa ko sakanya at niyakap sya. May kausap sya sa phone.

"Dammit! Niño! Aly! Nasaan kayo?!"

[So he turns into a lovey-dovey kapag may lagnat sya?]

"Yes! Dalian ninyo!"

"Wifey naman, ikaw na lang ang mag-tingin sakin. Take care of me..." sabi ko at kumapit sa kamay nya.

"Oo na, Hubby. Stay by my side okay?" Tanong nya at napatango agad ako. I was still hugging her when our friends came in.

"You should know that he caught your fever..." seryosong sabi ni Aly. Napatingin ako sakanya.

"Love-nat lang to." Sabat ko at tinitigan nila ako na para bang may sira sa ulo.

"Wifey? Bigyan mo ako ng kiss-pirin at yakap-sul. Gagaling agad ako..." napansin ko ang pagiging mapula ng pisngi nya.

Napahagikhik ang dalawa at nag-labas si Niño ng videocam. Anong gagawin nya. May artista ba?

"Video number 1. First time po nating mapapanood kung paano umakto ang Sherlock duo kapag may sakit ang isa sa kanila..." may pumasok pa ulit.

"Hi. Aries, Tisoy, Night and Joanna. Sali kayo samin. May kinukuhaan sila ng video." Masayang bati ko sa mga bagong dating na gulong-gulo ang mga mata.

Little DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon