Jei the Visual Author-nim's
Tapos na ang klase nila at naiwan ang dalawang mag-asawa sa classroom.
Si Baog ay busy sa pagrereview sa General Chemistry.
Si Nognog naman, di mapakali. Parang naiihi na natatae na nireregla na ewan.
Napansin naman yun ni Baog at binato niya ng ballpen si Nognog.
"Aray naman Mine!" reklamo ni Nognog habang minamasahe ang noo niyang tinamaan ng ballpen.
"Para ka kasing ewan diyan eh. Ano bang nangyayari sayo?" tanong neto habang nakatuon ang mata sa binabasa.
"Ang sakit ng puson ko" sagot ni Gyu habang nakahawak sa puson niya.
"Kakatapos mo lang last week ah? Meron ulit?"
"Di ko alam. Ang sakit talaga Mine." maluha-luhang sagot ni Gyu.
Napabuntong-hininga na lang si Woo at ibinagsak ang napakakapal na General Chemistry book niya sa mesa na ikinagulat ni Gyu.
"Galit ka ba Mine? Sige. Di na po ako magrereklamo. Magreview ka na po diyan." sabi ni Gyu at inubob na lang ang ulo niya sa mesa.
Napahilot na lang sa sentido si Woo habang nakatingin sa kanyang mahal.
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at saka lumapit sa kanyang kasintahan.
Hinawakan niya ang puson nito at saka marahang hinalikan na muling ikinagulat ni Gyu.
"Sorry Mine. I love you." pagsuyo nito.
"I love you too." akmang hahalikan na niya si Woo nang...
"Hoy! Isasara ko na tong classroom. Sa bahay niyo na lang ituloy yang landian niyo!"
Panira ka manong guard.
-----
Mahaba-haba pala tong story na to.
BINABASA MO ANG
regla | meanie
Conto"Sshhh~ Mingyu-yah~ may tagos ka." Started: 08-17-16 Ended: 09-10-16