42

847 49 24
                                    

Author-nim's

Imbes na tumakbo si Gyu ay umupo siya sa table nila Wonu.

"Babe! I was looking for you!" he says emphasizing babe while glaring at Shana.

Shana just smiled like she always do.

"A-ah. M-mine. Hehe." Wonu laughs nervously.

"Hmm? Mine. Hindi mo ba ako pakakainin?" Gyu says while still glaring at Shana.

Hindi nakasagot si Woo kaya naman ang ginawa ni Gyu ay umupo sa lap ng boyfriend niya habang nakatingin pa rin sa babae.

"Oh! So you two are together again?"

"Yeah. Ano namang pakealam mo?"

"Psh. Bat ba ang bitter mo sakin Gyu?"

"Kasi ang pangit mo! Ang landi mo! Nilalandi mo si Mine!"

Napairap na lang si Shana at umalis.

"Mine. Hindi mo dapat ginawa yun!"

Napa-tsk na lang si Gyu at tumayo mula sa paborito niyang upuan (lap ni Woo).

"Ewan ko sayo. Ang landi mo."

Akmang aalis na sana si Gyu sa café nang hilain siya ni Woo sa Janitor's Room ng café.

"Bitawan mo nga ako! Dun ka na sa Shana mo!"

"Mingyu ano ba?"

"Ano? Magmamaang-maangan ka pa? Wag mo akong pinaglololoko Wonwoo. Alam kong may something sa inyo ni Shana. Akala mo ba, hindi ko alam na magkasama kayo nung babaeng yun nung gabing ginawa mo to sakin? Alam ko yun Wonwoo. Wag ka nang magsisinungaling pa. Wag mo na akong lokoh---"

Hindi na naituloy ni Gyu ang kanyang sinasabi dahil hinalikan na siya ni Woo.

Nung una, di pa tumutugon si Gyu ngunit kinalaunan, sinabayan niya ang paggalaw ng mga labi ni Woo.

Nang matapos ang session nila, hinawakan ni Woo ang mga pisngi ni Gyu at pinagdikit ang kanilang mga noo.

"Wala ka namang dapat ikaselos sa kanya Mine eh. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang minamahal ko. At ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi mo din dapat siya kamuhian. Mine. Hindi niya ako maagaw sayo. Hindi niya ako makukuha sayo kasi sa umpisa pa lang, wala na siyang laban. Naiintindihan mo ba? At Mine. Wag mong isipin na maghahanap ako ng iba kasi ikaw lang. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang ang gusto ko. Naiintindihan mo ba? I love you Mine. Mahal na mahal kita."

"Pero si Shana..."

"Mine bakit mo ba pinagseselosan ang kapatid ko?"

regla | meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon