Author-nim's
Dinala ng dalawang di kilalang tao si Kwan sa isang bakanteng silid.
"TEKA! ANONG GAGAWIN NIYO? WAG NIYO AKONG REYPIN! BATA PA AKO!"
"Bes ang assumero netong kras mo."
"Wag ka nga! Eh sa kras ko nga siya eh! Pake mo ba?"
"Teka teka. Ano bang ginagawa ko dito? Bat niyo ako dinala dito?"
Nagkatinginan ang dalawa at nginuso ang taong nakahiga sa kama.
"Oh bakit nandito yan? Kinidnap niyo din siya?! Mga manyak kayo!"
"Magtigil ka diyan at baka mahampas kita ng pata nung kras ko pati na rin ipasampal kita dun sa mahabang buhok na kasama mo na kras ko din."
"Aba malande ka bes."
"Eh bat nga siya nandito?"
"Nakita namin siyang nagsisisigaw kanina. Parang pinipigilan niyang gumawa ng kung ano."
"At dahil naawa na rin kami sa kanya since parang nahihirapan siya, dinala na namin siya dito."
Nakahinga ng maluwag si Kwan at nilapitan ang dalawa habang nakatingin sa mga tags ng mga ito.
"Maraming salamat sa inyong dalawa. Salamat kasi kahit di niyo gano kilala tong kaibigan ko, tinulungan niyo pa rin siya."
Nagbow pa umano si Kwan.
"Oks lang yun kras."
"Maraming salamat sa pagbabantay niyo kay Wonwoo memegyu- at beaglecheonsa"
----
As promised mga bes.

BINABASA MO ANG
regla | meanie
Cerita Pendek"Sshhh~ Mingyu-yah~ may tagos ka." Started: 08-17-16 Ended: 09-10-16