28

952 68 52
                                    

Author-nim's

Napatulala si Kwan sa kanyang nakita.

Bat sila magkasama?

Bakit kailangang magkahawak ng kamay?

Naikuyom ni Kwan ang kanyang mga kamay. Gusto niyang manuntok.

Gusto niyang sapakin si Wonwoo.

Gusto niyang hampasin ang dalawang magkahawak-kamay.

Hindi ko ipinaubaya si Gyu sayo para tarantaduhin mo lang Woo.

Oo. Matagal nang mahal ni Kwan si Gyu. Matagal na.

Hindi niya lang maamin dito dahil alam niyang hindi siya ang gusto nito.

Nagpanggap siya.

Nagpanggap siyang masaya para sa kanilang dalawa.

Pinilit niyang tinatak sa isip niya na masaya si Gyu sa piling ni Woo. At hindi sasaktan ni Woo ang kanyang mahal.

Pero nagkamali siya. Tarantado si Woo.

Niloko niya si Gyu. Ang Gyu niya.

Gustuhin mang saktan ni Kwan ang dalawang malandot sa harapan niya, hindi niya ginawa.

Muli siyang naglakad patungo sa lumang bahay ni Gyu.

Ang bahay na isinusumpa niya.

Nang siya'y makarating doon, sinipa niya ang pinto.

(Action star si bestie)

Pumasok siya sa loob. Binuksan ang kanyang plashlayt dahil baka di niya makita si Gyu.

Naglakad lakad siya sa sala hanggang sa may makita siyang dugo sa sahig.

Napatingin siya may couch malapit sa kama at nanlaki ang mga mata.

Si Gyu. Duguan.

----

Who wants a second book of this but different main characters?

regla | meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon