This is the original ending actually. Nafilitan lang me to make the ending happy. I really want it angsty. You know.
Author's
"Ayoko nang maging boyfriend ka."
"Ayoko nang maging boyfriend ka."
"Ayoko nang maging boyfriend ka."
Limang salita. Limang salita lamang.
Limang salita lamang ngunit sobrang sakit na para kay Mingyu.
Limang salita lamang ngunit pakiramdam niya ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Para bang sinaksak siya ng paulit-ulit.
Para bang lahat ng problema sa mundo ay napunta na sa kanya.
Para bang nawala lahat sa isang iglap ang kanyang mga pinaghirapang gawin.
Ang pinaghirapan niyang pagtawa.
Pagngiti.
At ang pinaghirapan niyang imahe sa lahat ng tao. Ang kanyang pagiging masiyahin.
Si Mingyu na sa tingin ng lahat ay walang problema.
Si Mingyu na sa tingin ng lahat ay masiyahin.
Si Mingyu na sa tingin ng lahat ay malakas.
Bigla na lang naglaho.
"Hahaha" pagtawa niya habang lumuluha.
"Iba ka rin talaga Wonwoo. Ibang-iba ka. Hahahaha. Hindi ako makapaniwala na ikaw ang pinili ng puso ko. Hindi ko alam kung bat ikaw pa ang minahal ko. Ano bang meron sayo? Ano bang espesyal sa isang tulad mo at bakit nahulog ako agad sayo? Hahahaha. Matapos ang lahat Wonwoo, pinagkatiwalaan kita. Matapos kong malaman ang tunay na ikaw, tinanggap kita. Matapos ang lahat ng ginawa mong katarantaduhan sakin, pinatawad kita. Alam mo kung bakit?" marahan niyang nilapitan si Wonwoo at hinaplos ang mukha nito.
"Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita na okay lang sakin masaktan dahil sayo. Mahal na mahal kita na okay lang sakin na magmukhang tanga sa mata ng iba. Mahal na mahal kita." mahinang sabi niya habang nakatingin sa mga mata ng kayang minamahal.
Napatawa naman ng malakas si Wonwoo at malakas na tinulak si Mingyu na ikinabagsak nito sa sahig.
"A-anong nakakatawa?" mahinahong tanong ni Gyu sa lalaki.
"Ikaw."
Napangisi naman ng nakakaloko si Mingyu kahit na siya ay lubusang nasasaktan sa kanyang mga naririnig at nakikita.
"Tsk. Oo. Nakakatawa ako. Nakakatawang isipin na nabago mo ang isang tulad ko. Nakakatawang isipin na kahit alam ko na ang totoo, nagpapakatanga pa rin ako sayo. Nakakatawang isipin na kahit ano pang sabihin mong masasakit na salita, di ko pa rin magawang isipin na magalit sayo. Sobrang nakakatawa no?" nakangisi pa ring sambit niya.
Hindi nakasagot si Wonwoo at tinignan lamang ang lalaking tumatayo na ngayon mula sa kanyang pagkakatumba.
"Tsk. Akala mo siguro hindi ko alam? Hindi ko alam na pinaglalaruan mo ako? Oh come on Mine. I know you too well. Matagal ko nang alam na pinatritripan niyo lang ako ni Shana. Matagal ko na ring alam na hindi kayo magkapatid. Matagal ko na ring alam na girlfriend mo siya. Hahahaha." mapait na sambit nito.
"Mingyu. . ."
"Wag ka nang magkaila. At wag ka na ring mag-alala. Nag-enjoy ako sa relasyong pinasukan natin kahit hindi totoo." nakangiting sabi ni Mingyu.
"Min—"
"Wag ka ring mag-alala dahil kahit kailan, hindi mo na ako makikita."
Tinulak-tulak niya papuntang pinto at palabas ng bahay ang kanyang boyf— ex fake boyfriend.
"M—"
"Paalam na mine." malungkot na sambit nito sabay sara ng pinto.
BINABASA MO ANG
regla | meanie
Kurzgeschichten"Sshhh~ Mingyu-yah~ may tagos ka." Started: 08-17-16 Ended: 09-10-16
