SC 0.2

406 37 20
                                    

You make pansin-pansin of my SoonHoon book. Fles. Jebal~

Lumipas na ang ilang araw matapos ang gabing yun ngunit hindi pa rin matahimik si Woo.

"Miiiiine~ gawin na kasi natin yuuuuun~" pangungulit niya sa kanyang fiancé na nagluluto.

"No." matigas na sagot ni Mingyu sa kanya.

"Sige naaaaaa~" muling pangungulit ni Woo sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang si Gyu.

Hindi niya kasi maintindihan kung bakit nagkakaganito si Woo.

Hindi niya alam kung bakit parang napakahorny ng fiancé niya.

Hindi niya alam kung bakit parang uhaw sa laman ang huli.

"Mingyuuuuuu~ puhleeeeaaaase?" pagpapacute nito.

"No Wonwoo." muling sagot ni Gyu.

Napasimangot na lamang si Woo at umupo sa upuan.

Muli ay napabuntong hininga si Gyu at nagpatuloy na sa kanyang pagluluto.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin siya at inilapag na ang mga pagkain sa mesa.

"Kain na tayo Mine." sambit niya habang nakangiti.

Tumango na lamang si Woo at nagsimulang maglagay ng pagkain sa kanyang plato.

Hinintay naman ni Gyu na paglagyan siya ni Woo ng pagkain sa kanyang plato na lagi nitong ginagawa ngunit hindi niya ito ipinaglagay sa pagkakataong ito.

Nakakabinging katahimikan.

Yan ang nanaig sa kanilang dalawa habang kumakain.

"Mine." tawag ni Gyu.

Ngunit imbes na sagutin siya ni Woo ay tumayo ito at inilagay ang kanyang plato sa lababo.

Tinignan lamang si ni Gyu habang naglalakad ito paalis ng kusina.

Muli ay napabuntong hininga siya.

Hindi na niya tinapos ang kanyang pinagkainan at sinundan ang kanyang mahal.

Nagpunta siya sa kanilang kwarto at tinignan kung naroon nga si Woo.

Hindi siya nabigo.

Naroon si Woo...

Kavideocall si Jun.

-----
Nakakadisappoint ba? Sorry. May new plan akes eh.

regla | meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon