34

913 53 3
                                    

Author-nim's

Patuloy pa rin ang pagsigaw niya.

Pilit na humihingi ng tulong sa kung sinuman.

Pakiramdam niya ay siya'y mababaliw na.

Ayaw niyang tignan si Gyu.

Ayaw niya.

Natatakot siya.

Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakaluhod at ginawa niya ang lahat upang makalabas sa silid na yun.

Nang siya'y makalabas, muli siyang napaluhod.

Muli siyang nagsisisigaw.

Muli niyang isinisigaw ang pangalan ni Kwan upang humingi ng tulong.

Paulit-ulit na ang kanyang pagsigaw at naagaw na niya ang atensyon ng dalawang nurse.

"Teka bes. Parang may nangangailangan ng tulong doon oh!" sabi ng isa.

"Tara lapitan natin baka kailangan nang ipadala sa mental yan eh." sagot naman ng isa.

Dali-dali nila itong nilapitan at pilit na kinalma.

"Uy bes. Okay ka lang ba?"

"Tanga naman bes. Tinanong mo pa talaga ah?"

Magsasalita na sana ito nang bigla siyang mawalan ng malay.

"Hala bes! Nahimatay!"

"Kita ko nga bes. May mata ako bes eh"

"Isa pang sarkastikong sagot mo bes, hahampasin na kita ng pata nung lalaking bumisita dito nung... Ewan!"

"Eh? Bes mas bet ko yung mahabang buhok na lalaki eh."

"Landi mo. Tara na nga. Dalhin na natin sa isa pang kwarto to."

Dinala na nila ito sa isang bakanteng kwarto.

Sa kabilang banda, dumating naman si Seungkwan na kasama na ngayon si Jeonghan at pumunta sa kwarto ni Gyu.

Nang makapasok sila, nagulat sila sa kanilang nakita.

"MINGYU! GISING KA NA!"

-----

Feel free to message me the OTPs you would like to see in my next book. JeongCheol is exempted since I already have a boof of it.

regla | meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon