49

400 35 16
                                    

Author-nim's

Binuksan naman agad ni Gyu ang kanyang pinto.

"Mine!" sigaw nito at niyakap agad si Woo na hindi pa rin nakakapasok sa bahay niya.

"M-mine."

"Hmm? Tara na sa loob ng bahay." sabi ni Gyu at hinila na lang si Woo papasok sa loob ng bahay niya.

Napailing na lang si Gyu habang nakatingin sa sahig.

Naupo sila sa sofa habang magkahawak ng kamay.

"Gusto mo ng juice Mine?" alok ni Gyu pero umiling lang si Woo at di nagsalita.

Nagkibit balikat na lang si Gyu at niyakap ang kanyang mahal.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin nagsasalita si Gyu.

"Mine. May problema ba?" tanong ni Gyu at niluwagan ang yakap sa kanyang kasintahan.

"G-gyu..."

"Mine. Mine ang itawag mo sakin. Boyfriend mo ako." sabi ni Gyu habang nakakunot ang noo.

"Yun na nga Gyu eh."

"Ano?! Ano bang problema mo?"

Napabuntong-hininga si Woo at muling nagsalita.

"Ayoko nang maging boyfriend mo."

--------
Last chapter na ang susunod.

regla | meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon