Chapter 8

5.7K 241 15
                                    

I really can't refrain my self from laughing dahil sa mga hitsura nila, para bang ngayon lang sila nakakita ng katawan ng babae, hindi ba sila nakapunta sa mga beach? Pool? Na kung saan naka bikini lang ang mga babae?? Haha, the f-uck, nagmukha tuloy silang mga ignorante at manyak na uhaw sa laman..... laman loob,yuck! Pffft.joke.

Aalis na sana ako, malapit na nga ako sa pintuan nung maalala ko yung spaghetti at ice cream na nasa table nila,

"akin to"

"Oo naman" sagot ni Lloyd

"Okay, ba-bye!" I grinned then walked away habang hawak hawak ang mga pagkain ko

Wala nang thank you-thank you, kasalanan din naman kasi nila kung bakit ako naaksidente eh, which I call gasgas lang

Rebecca~

"Ayun siya Shawn!"

"Asan? Asan?"

"Ayun oh! Yung may hawak na pagkain ba iyon? pagkain nga"

"Ayan na siya!"

Napasiksik tuloy kami ni Shawn sa gilid nung dumaan si Gabriel
Akala nga namin lalampasan niya lang  kami eh.

"Hindi pa ba kayo papasok? Time na oh"sabi niya pa na nakangisi., eh? Bakit siya masaya??

Waah! Kina usap niya kami! Yung walang halong mura, at nakangisi pa !! Waaah   !!   Dream come true!
Alam ko OA pero wapakels! Haha!

"A-ah oo nga, pasok na tayo,hihi!"

"Pero Gab, san mo ilalagay yang pagkain mo? Bawal kasing kumain sa loob ng computer laboratory eh"

Excited na tanong ni Shawn, pero yung di niya pinapahalata kay Gabriel na ganon siya para hindi niya bawiin yung pagkausap niya sa amin. Haha!

"Walang bawal sa akin"

"Aah,hehe, oo na."
Napatango-tango na lang kami

Umupo kami sa bandang likod, sa harap lang yung bakante pero pinaalis namin yung tatlong nakaupo sa likod, hehe, ganon talaga, , nasa gitna namin si Gabriel na sinimulang kumain, nagtitinginan na nga sa kanya yung mga class mates namin eh

"Ang tumingin papatayin ko"

Bigla niyang sinabi kaya agad-agad naman kaming nag iwas ng tingin, nakakatakot kasi yung pagkasabi niya non eh, ang cold, lalamigin ka pa ngang makakarinig eh, sheez

"Good morning class!"

Patay! Ayan na yung guro, si ma'am terror pa man din

Napatingin naman ako kay Shawn na nakatingin kay Gab,na kumakain pa din

Napansin niya din lang naman na nakatingin ako sa kanya kaya binigyan niya ako ng paano-ba-yan?-look..

Binigyan ko din naman siya ng ewan-ko-look

Nginusu naman niya si maam na nagta-take ng attendance, tapos binigyan naman niya ulit ako ng baka-mapansin-siya-ni-ma'am-look

Haha, mahilig kami sa look eh, tsaka kung yung iba hindi nakukuha yung mga look namin, kami ni Shawn nagkakaintindihan kahit anong look, haha!

"Ms.Cole! Kindly explain why are you eating in my class!!!!?"

Napatingin naman ako sa guro na nasa harap na pala ni Gab! Oh em gee! Patay!

"If you want me to explain it KINDLY, then talk to me KINDLY"

She replied in a monotonous voice kaya parang medyo natakot yung guro ngunit hindi niya ipinakita

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon