Chapter 40

3.8K 100 30
                                    

Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad patungo sa malawak na gate nina babe--- I mean Lloyd-- I mean, hayys, Kristopher

Tuloy-tuloy din yung pagbuhos ng mga luha ko. Tipong hindi ko na makita yung daraanan ko kasi nanlalabo na yung paningin ko. Muntik pa akong madapa dahil hindi ko nakita yung konting awang sa daan,

eshhh.   Lord bakit po ganito. Ang sakit-sakit. Tulungan niyo po ako. Please please
Napahikbi nanaman ulit ako.

I'm really really pathetic right now, masakit na yung dibdib ko sa kakaiyak at kakaipit sa kumakawalang damdamin sa akin.

Palabas na sana ako ng gate ng may biglang tumapik sa likod ko

"Lloyd???" salubong kong lingon

bang.

bwisit.

iba pala.

yung guard lang pala.

tangina.

akala ko talaga si Lloyd yun, akala lang pala, maling akala.

Lahat ng naramdaman kong kaba at pananabik kanina nawala. umasa kasi ako sa wala.

It's really over huh? suminghot ako at pinunasan yung mukha kong basang-basa ng luha at uhog.

Lumunok muna ako saka hinarap ng tuluyan si manong guard

"A-ano po yun? *huk*"
napasinok pa talaga ako

Last hope.

"Pina *huk* pabalik po ba ako ni L-Lloyd?"

..

..

..

..

"Uhm, sorry ma'am pero hindi po e, Tatanungin ko lang po sana kung papaano yung kotse niyo"

hindi po e

hindi po e

hindi po e

Ouch

Nababangag na ako. This is bad.

Tulala na tinalikuran ko siya at naglakad paalis. umiiyak ulit ano pa ba.

Nasan na yung matapang na Gabriel Dwayne Sapphire Cole?

Isang lalaki lang pala magpapabagsak sa akin,

Pagmamahal lang pala ang magpapahina sa akin

Naramdaman ko nanaman na tinapik ulit ako ng guard tsaka ko naalala na ang bastos pala ng ginawa ko kanina

Suminghot ako at hinarap siya

"Sorry po manong, pwede po bang pakidala na lang-----------" napakurap ako

Lloyd.

Si Lloyd ba to??

O namamalikmata lang ako.?

Kinusot ko lang ulit yung mata ko pero si Lloyd talaga itong nasa harap ko

Naghalo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Saya, kaba, lungkot, pananabik, hindi ko na nga alam kung paano pa ako nakakatayo ng maayos samantalang nararamdaman kong nanginginig yung buong katawan ko lalong-lalo na yung mga tuhod ko, nangangatog.

Gusto ko siyang yakapin pero wala na akong karapatan. I miss him badly.

May kinuha siya sa bulsa niya.

Panyo pala.

At siya pa mismo ang pumunas sa mukha ko

Seryoso pa rin siya. A-ano bang nasa isip neto?

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon