The Cryptic Trouble Maker 33

2.7K 74 6
                                    

Someone's pov

"Boss, nandiyan na po sila at gaya ng sinabi niyo, lima lang sila"

Napahalakhak ako sa sinabi ng tauhan ko. Napakawalang utak na Sycorax Mafia. Akala ba nila mapapataob nila ang apat na daan kong mga tauhan sa bilang nilang iyan!?  hahahaha. Mga inutil! Sinong niloloko nila? Pinapadali lang talaga nila ang paghihigante ko. Hindi man lang nila inisip na illegal battle ang inalok ko sa kanila kaya kahit ano, kaya kong ipagawa!

Sinulyapan ko ang nakakadenang bata na tinalian ko sa leeg na parang aso. Kung mabait sana ako, baka maaawa pa ako. Pero dahil din sa kanila kaya nagkakaganito ako kaya wala akong paki!

Maipaghihigante na kita sa wakas kapatid. Panoorin mo ako. Tatapusin ko ang buhay ng mga taong nanlinlang at pumatay sa iyo!

Nakarinig ako ng putukan sa baba. Dalawang daang tauhan ko ang naroroon at dalawang daan din dito sa taas. Nag-aabang.

Wala akong pakialam kung mapapatay ng Sycorax ang mga tauhan ko dahil sa bandang huli, ako pa rin ang magwawagi dahil wala na silang laban dahil magiging sugatan at mahina sila pagkatapos niyan!

"hahahahaha!"  Ang saya ko lang.

Yron~

Suntok dito sipa doon. Nagkaubusan na rin kasi kami ng bala kaya mano-mano na lang kaming nakikipaglaban

Sinipa ko yung paparating sa akin at sinuntok naman sa mukha yung nasa gilid ko. Sinikmuraan ko rin para intense. haha.
Hinagisan nila ako ng kunai pero nasalo ko agad at tinapon ko sa mga taong pinanggalingan nito. Sakto sa noo yung isa at sa mata yung isa.

"Yron sa likod mo!" sigaw ni Drake kaya nagmadali kong pinulot yung baseball bat sa sahig at binuwelo sa likod ko

bang! sapul sa dibdib

Nakipag one on one pa ako ng brazilian jiu-jitsu sa isang lalaki, isang form ng martial art, pero nung nakatiyempo ako lumundag ako at gamit ang siko ko ay tinamaan ko siya sa ulo. Patay.

Nakita ko ring tinulungan ni Bryle si Kris ng may tumutok kay boss ng baril. Hinawakan ni Bryle sa ulo yung lalaki at walang pagdadalawang isip na binalian sa leeg. Ang brutal talaga ng mga Cole. Haynako, gaya rin pala ni Gabriel itong taong ito. Nga naman. What should I expect from twins.

Napailing na lang ako sa kanila at pinagpatuloy yung pakikipagbakbakan. Sinipa ko ng dalawang beses yung nagtangkang sumuntok sa akin. qago, 'wag ang mukha ko.

Maya-maya lang e natanaw kong may umaabang sa likod ni Drake kaya inagaw ko yung baril ng kumakalaban sa akin at pinaputukan yung nakita kong lalaki. Sapul sa tiyan

"Salamat!"

"No prob!" sigaw ko pabalik

Nagkalat na yung mga dugo at patay na mga tao pero medyo marami-rami pa rin kaming mga kalaban kaya hindi na namin pinakialaman pa yung mga kalat

"aaarhg!" napasigaw pa ako nang kagatin ako ng isang lalaki. Tinuhod ko siya at hinimas yung braso ko

"Tangina dude! Ano ka? Aso!?" At sinuntok ko ulit sa mukha

Pagod na pagod na kami nung naubus namin yung mga tauhan ng kung sino man ang pangahas na taong ito. Kainis! Ang sakit ng katawan ko

Andami rin naming natamong sugat at galos dahil hindi pala basta-bastang mga tauhan ang narito kundi mga maalam din sa martial arts gaya na rin nung jiu-jitsu na yun, muai thai, eskrima at iba pa.

Bale ang pinakamalala sa akin ay ang sugat ko sa binti ko. Nahiwa nung isang lalaki buti na lang naagapan ko agad.

Sinubukan kong lumapit kay Drake na hindi ko malaman kung ano ang ginagawa sa braso niya kaya lang,

"Crap!"

Ang sakit pala ng binti ko kapag inilalakad, ba't ngayon ko lang napansin?

Tsk.

Hindi ko nga pala kasi ito pinaki alaman nung nakikipagbakbakan ako kaya hindi ko nadama ng husto yung sakit. Pero tengene ang sakit talaga pramis! Kulang pa yung ulit-ulitin kong sabihin yung salitang sakit

Masagana pa rin yung dugo na dumadaloy  dito kaya pumunit ulit ako ng kapiraso ng damit ko at ibinenda rito.

"Bro ayos ka lang?" tanong ni Bryle nung nakalapit sa akin

"Hindi nga pre. Ansakit ng binti ko kapag ginagalaw. 'Di tuloy ako makalakad ng maayos kasi kumikirot talaga." pilipit kong sabi at saka ko lang napansin na hawak-hawak niya yung gilid ng tiyan niya "Anong nangyari diyan?"

"Ah ito ba? Nasaksak. haha"

Literal na napanganga ako. Nakuha pa nitong tumawa e delikado yung tama niya. Abnoy talaga neto. tsk tsk. --_--

"Kaya mo pa ba?"

Napatingin kami kay Kris. Kausap niya yung Kyle na kasama namin. Nanghihingalo na ata kaya nilapitan namin kahit masakit gumalaw

Shit!

"Kumapit ka, gagamutin kita" Pag-aalala ni Kris sa kasama namin kasi matutuluyan na talaga siya sa dami ng dugo niya na nagkalat sa sahig. Nakahilata na rin kasi siya

Sana pala di na namin siya sinama, nakakaguilty tuloy

"Ano bang nangyari sa kanya?" tanong ko

"Sinangga niya yung karamihan sa mga atakeng para sa akin" May bakas ng awa sa mukha ni boss

"A-ayos lang yun. Marami rin kasi akong utang n-na loob sa iyo" pilit na bigkas ni Kyle habang sinasabi niya yun kay Kris

"Bro pasensya na. Magiging ayos ka rin kapag ginamot ka namin" Pag-eengganyo ni Drake

Ngumiti lang si Kyle

"D-dito na lang talaga ang k-kaya ko, Isa nang karangalan ang naging boss ko kayo." hirap niya pa ring bigkas

"Ano bang sinasabi mo? Mabubuhay ka basta't kumapit ka lang" Patuloy pa rin siyang ginagamot ni Kris

"Maraming salamat-------------BANG!"

O.O !

BINARIL SIYA NG TAO MULA SA LIKOD NAMIN!

Mali. Dapat pala si Kris yung mababaril pero hinila ni Kyle si Kris at nagpalit sila ng pwesto kaya si Kyle yung nabaril

Gulat na gulat kaming lahat. Lalo na si Kris na umaasang maililigtas niya si Kyle. Nababakas din ang halo-halong emosyon sa mukha niya pero pilit niyang pinapatatag yung sarili niya

"Maraming salamat" bulong lang niya sa bangkay ni Kyle at tumayo

Lumingon kaming lahat at nakita namin ang isang lalaki na naka angat pa rin yung baril na ginamit niya at mas lalo kaming nagulat sa nakita namin.

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon