The Cryptic Trouble Maker 39

2.6K 63 43
                                    

4 years

It has been four years since I went to school and had my fair share of experiences. About improvements to my skills and talents, socializing often, school, friends, complications, love life, and pain.

Four years na rin kaming dalawa ni Lloyd, we were going strong until after graduation..  well, bigla siyang nag-iba. Kapag sinabi kong iba, iba talaga, iba na yung trato niya sa akin.

Oh how I wish panaginip lang ito pero ilang ulit ko nang kinukurot yung sarili ko kaya alam kong gising na gising yung diwa ko. hayyss

Isang buwan na yung nakalipas after graduation at isang buwan na rin siyang ganyan sa akin

Cold

And he loves me less than before or maybe he does not love me anymore 'cause he

doesn't tell I love you to me often and with love like he used to,

doesn't hug and kiss me like he used to,

doesn't show his affection to me like he used to.

Kailan lang nung ang sweet sweet naming dalawa. aissh. 

Nagyon talaga parang wala na siyang pakialam sa akin. I even tried to make him jealous. Nakipagflirt ako sa isang lalaki sa bar at kunwari hindi ko siya nakita

Alam kong nakita niya ako pero parang dinurog yung puso ko nung umalis lang siya na parang wala lang

Hindi nagtext or tumawag man lang kahit gabi na non at alam niyang lumabas ako dahil nag paalam ako.

Sabi ko sa kanya pupunta ako ng bar na mag-isa

sabi niya lang 'ok'

Nasaktan talaga ako, wala man lang siya sinabing sasamahan niya ako, o ingat ako, o anong suot ko, o papagalitan ako gaya ng dati.

He does not care anymore. Nagsawa na ata siya sa akin.

Tinitiis ko lang ito hanggang kaya ko pa. Wala rin naman kasi akong magagawa kasi mahal na mahal ko siya

Gabi-gabi na rin akong umiiyak at sinasabi sa sarili kong magiging ayos din ang lahat pero, sinong niloko ko?

Hindi ako tanga para hindi mapansing palagi silang magkasama ni Devi, yung babaeng sumulpot bigla nung graduation namin at nagtutuonan niya ng oras niya na pati monthsary namin kinalimutan niya, nung binati ko siya sabi niya lang ulit 'same' at umalis na agad dahil may pupuntahan pa siya

Ano pa bang ginawa ko? edi umiyak ng umiyak ulit. Nasaktan talaga ako.

Minsan sinundan ko siya nung may lakad siya isang gabi, hinintay ko talagang lumabas siya ng bahay nila. Magaling akong magtago kaya hindi niya ako napansin

Pumasok siya sa isang restaurant, sobra-sobra yung kabang naramdaman ko kasi may kutob ako kung sino ang makikipagkitaan niya.

At hindi nga ako nagkamali, si Devi nanaman

Nagtuloy-tuloy yung mga luha ko nung nakita kong humalik sa boyfriend ko yung babae at niyakap naman siya ni Lloyd.

sheet.masakit. tangina. ang sakit.

Binibiyak yung puso ko. masakit.

masakit talaga

May date sila.

tino-two time niya ako.

Humihikbi na ako dahil kanina pa ako umiiyak. tinatakpan ko na lang yung bibig ko kasi baka umabot pa sa kanila yung iyak ko.    sheet. ang sakit. hirap akong huminga habang tinitignan sila. Bakit??  bakit ang hina-hina ko ngayon!?

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon