Gumapang ako papunta kay babe kasi hindi talaga ako makatayo. Abot langit yung kaba ko. Please Lord 'wag naman po sana. Taimtim lang akong napapadasal habang pilit pa rin akong lumalapit sa kanya.
Huwag naman sana. Ngayon lang ako nagmahal sa isang tao ng ganito.
Babe. 'wag kang mamamatay please.
Tsk. Parang kani-kani na lang ako yung sinasabihan niya ng ganito eh. aishh.
Malayo pa ako sa kanya. Titig na titig ako sa nakahandusay na katawan niya
Nakatulala lang si Artha sa tabi niya at nakahawak sa kamay ni Saph
Naramdaman ko namang may umaalalay sa akin na mga braso. Sina Drake at Yron pala. Lumingon ako. Nakatali na sa poste yung Arthur na pilit ding kumakawala. Nagwawala na nga siya.
"hahahaha! parehas na tayo ng nararamdam. Pero mas maganda sana kung yung kapatid mo rin yung napatay ko! hahaha!" sambit niya nung nakita niya akong nakatingin ng masama sa kanya
nanggigil ako ng sobra sa sinabi niya
tangina! ako ang papatay sa kanya makikita niya! bwiset!
halos manginig na ako sa galit ko pero hinayaan ko muna siya. Mas importante si babe ngayon
"Nakakainis ka Gabriel Dwayne Sapphire Cole!" sigaw ni Bryle bigla kaya napatingin kami sa kanila
Nakita naming pinalo niya sa binti yung kapatid niya
halo-halong emosyon ang nadama ko sa nasaksihan ko
"A-aray ko kuya. haha. Mas masakit pa yung palo mo kaysa sa tama ng baril ha. haha" OoO!
"Ikaw kasing bata ka. Pinag-alala mo kami" sita pa niya at piningot yung tainga ni babe
"A-aray. hha. aray kupo. masakit na. tama na. ouch. haha. para ka na talagang matanda kung magsalita KUYA. hahaha"
b-buhay nga si Saph!! hayy ginhawa! nakahinga din ako ng mapayapa
nagyakapan na lang silang magkapatid kasama yung kapatid ko at hinalikan ni Saph si Artha na nagtatatalon sa tuwa. Ang cute. haha
"May du-dumadaloy pa naman na dugo ah!" si Yron na tinuro yung dibdib ni Saph kung saan siya natamaan kanina
"Kaya nga pero bakit. . . bakit sa tingin ko hindi niya nararamdaman?" tanong din ni Drake
napatingin ako sa sugat niya. Oo nga. Pano yun? Nakakapagtaka. Umangat yung tingin ko sa mukha niya
Nakatingin na pala siya sa akin kaya napangiti ako na parang bangag.
"Baby, diyan ka muna kay kuya mo Bryle ha? baka mapahamak ka ulit" pakiusap niya kay Artha na tumango
Lumapit na nga siya sa kinaroroonan namin
"Aish. Drake paki talian nga yung bibig nang lalaking iyan. Nakakaindi na yung mga sigaw niya ha" nakakunot noo niyang reklamo sa nagwawalang si Arthur.
Nabaliw na ata talaga. Ikaw ba naman ang makitang naglakad na parang wala lang yung akala mo pinatay mo na akala mo ulit yun na yung huling higanti mo tapos hindi pala. Tignan na lang natin kung hindi ka talaga mababaliw.
"Aray! putangna. Yron tulungan mo nga ako dito. Magkarabies pa ako sa mga kagat niya" natawa ako sa sinabi ni Drake
Naramdaman ko naman na hinawakan ni babe yung pisngi ko kaya napaharap ako sa kanya
pinupunasan niya pala yung luha sa pisngi ko
"Mahal na mahal mo talaga ako ano? To the point na nakakalimutan mong respetado kang tao na ganyan ka umasta kapag ako na ang usapan. Nagiging mahina. Huwag kang mag-alala babe, mahal na mahal din naman kita e" sabi niya ng nakangiti
pucha. namumula na siguro ako. kabaklaan ko. tss.
"Ang cute naman." pisil pa niya sa pisngi ko at binigyan ako ng halik. Dampi nga lang kaya hinila ko siya at hinalikan ng mas matagal. Rumagasa nanaman ulit yung mga luha ko.
"I love you Sapphire ko"
"I love you din Lloyd ko"
"ahemm! pwede na?" natawa kaming pareho ni babe nang paghiwalayin kami ng kapatid niya. Binuhat niya kasi si Artha at nilagay sa gitna namin kaya kiniliti ko yung kapatid ko
"iiie! k-kuya hihihi. yoko na hihi" tinigil ko na lang yun nung kumirot yung paa ko at nung lumapit sina Drake at Yron
"Pano ka nakaligtas Gab?" tanong ni Yron
"Aah. yun ba. simple lang. Ito oh"
at hinubad niya yung shirt niya kaya yung sando niyang black lang yung naiwan.
"This is a blood seeping bullet proof cloth. Yung sando lang yung ginamit ko para mas manipis at makagalaw ako ng husto. So basically, para lang itong bulletproof vest na tulad nung pag-aari ng mga pulis pero ang kaibahan, inimprove ko ito. Nilagyan ko ng mas manipis na outer layer yung vest, yung hindi makakalabas yung liquid na ilalagay ko sa loob. At hindi installed agad yung liquid-like-blood kasi baka mapanis. eww. So, yun na nga."
mahabang lintanya niya"Cool! Don't tell me, invention mo nanaman?"
"I'm telling you Drake, invention ko nga yan. Anak ata ako ni Hephaestus, the god of forge and fire in Greek methology, haha"
"Ang galing naman ng babe ko" sabi ko sa kanya at lumuhod naman siya. Hindi nga kasi ako makatayo
"Para naman sayo to ba---"
"Hep hep hep! Ayan nanaman kayo" reklamo ulit ni Bryle.
haha.
"Ate, kawawa naman yung lalaki oh umiiyak" naiiyak din na sambit ni Artha. haha. 'tong batang to ang lambot ng puso. Hindi ba niya naaalala na siya ang gumawa ng mga pasa sa murang katawan niya?
"Diyan na muna kayo" utos ni babe sa amin at lumapit muna kay Artha
"Kakausapin ko lang ha baby, tahan na." Tumango naman yung kapatid ko kaya naglakad na si Saph
Nung nasa harap na niya yung Arthur, pinagmasdan niya muna ito tsaka umiling
umupo siya na parang palaka para magkapantay sila
"Arthur, hindi pa huli ang lahat. Matutulungan ka namin sa kalagayan mo. Sa tingin ko kasi hindi magusgustuhan ng kapatid mo ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon"
huminahon naman siya sa pagkarinig ng tungkol sa kapatid niya at nagtuloy-tuloy ulit yung mga luha niya
Habang humihikbi si Arthur, tinanggal ni Saph yung mga tali sa katawan niya kaya naalerto kami pero sinenyasan niya kaming huminahon
Inakay niya si Arthur patayo. At wala kaming nagawa nung tumakbo si Artha papunta sa kanya
Pinanood na lamang namin siya. Kampante naman kasi yung loob ko dahil nandiyan si babe sa tabi niya
"Kuya?? Bakit ka malungkot?" tanong niya kay Arthur
Napatingin naman si Arthur sa kapatid ko.
Awa. yun yung nakita ko sa mata niya nung tinignan niya yung bata"Huwag kayo pong mag-alala, magiging magkaibigan na po tayo" masiglang sabi ni Artha at humawak sa kamay ni Arthur kaya napaluha ulit yung lalaki
![](https://img.wattpad.com/cover/81950166-288-k691516.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cryptic Trouble Maker | COMPLETED
AcciónKaya mo ba? Sapat ba ang alas mo laban sa kanya? Maiintindihan mo ba ang takbo ng utak niya? Kaya mo bang sabayan ang mga trip niya? I think not. Try her and you'll see for she is a cool dare devil hunting down enemies silently She had more mysteri...