Chapter 32

2.9K 63 8
                                    

Kris~

"Nurse tumaas ulit yung lagnat niya! Paki-bilisan!" tarantang sigaw ko, nadadali ko pa nga yung ibang mga gamit sa pagmamadali ko. Takot ko lang na mawala siya sa akin. Nanginginig din ako sa pagpulot sa mga gamit nang maikalat lang ulit dahil nabitawan ko. Pupulutin ko na sana nanaman ng may mga brasong pumigil sa akin.

"Ako na diyan bro, magpahinga ka muna dun. Kailangan mong kumalma. Sigurado akong malulungkot din si Gabriel kapag nakikita ka niyang ganito, kayanin mo tol" pagkakalma sa akin ni Yron

Wala sa loob na tumango ako at sumandal sa pader. Oo nga. Baka magalit pa si Saph kapag nakikita niyang ganito ako ngayon, hindi magkaaligaga sa gagawin.

"Bakit ganito, ang taas ng lagnat niya? Anong klase ba ng drug ang naiturok sa kanya??" takang-takang tanong ni Drake habang pinupunasan ng basang bimpo si babe

Oo nga, argh. nakakainis.,  at gaano kaya iyon kalakas?

Alam na nila ang nangyari at nandito kami ngayon sa headquarters sa tulong din nila. Sila kasi ang una kong tinawagan.

"And the gun was suppose to hit Artha? Ang taas ng dosage oh. Si Gabriel nga hindi kinaya, yung kapatid mo pa kaya bro? tsk."

Napatingin ako kay Yron

"Sht bro, nakaya nilang tutukan si Artha ng ganon. Natatakot akong isipin ang ginagawa nila sa kapatid ko ngayon"  piyok kong sabi, dammit! gusto kong magwala. argh. naiiyak na talaga ako

I effin' don't care if I look gay.

Sumalampak ako sa sahig kasi nanghina yung mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Si Sapphire pa, nanganganib na ang buhay

damn Sanif Mafia.tsk!

"Bro, parating na raw sina Rebecca at Shawn, sila na ang bahala kay Gabriel. Buti na lang at bumaba ng kahit konti yung lagnat niya." si Drake

nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya "salamat bro"

"you're always welcome dude" tango niya sa akin

*riiingggggg!*

napaigtad kaming lahat ng biglang tumunog yung telepono, nanggagaling kasi iyon sa main telephone ng quarters, tanging mga kaaway lang namin ang tumatawag sa linyang iyon

Sinenyasan ko si Yron na iconnect niya sa speaker ang tawag

"h-hello?"   kinakabahang tanong ko

walang nagsalita

tinignan ko ang mga kaibigan ko na naghihintay din ng sagot. Nagkibit balikat lang si Drake

I cleared my throat

"he-hello??"

isang tumindig balahibong tawa ang umako sa lugar

"Ito ba ang leader ng Sycorax?  Ang numero unong grupo sa underworld?   Ang hina mo ata ngayon?"  tawa pa niya

naikuyom ko ang mga palad ko

"Sino ba to!?"

"tsk. hinay-hinay lang Kristopher. Ipapaalala ko rin sayo kapag nagkita na tayo. Pero ito pakinggan mo"

tumahimik saglit pero nawasak ko yung mesa sa harap ko ng marinig ko sa kabilang linya ang nanghihingalong ungol ni Artha

"Damn you! That is Bullshit! Anong ginawa niyo sa kapatid ko!!?"   napasigaw kong tanong. gigil na gigil talaga ako. sasabog ako sa nararamdaman kong galit ngayon

Curses!

"I challenge you to an illegal battle, your team of five to my men of hundreds!" tawa ng demonyong kausap ko  "Brigeton Street, Shin Quarters, 11:00 sharp, or else, pupugutan ko ng ulo ang tanginang kapatid mong to!"

"Anong ginawa niyo sa--------toooot"

"Bullshit!!!!!"

Yron~

Pinabayaan na lang naming magwala si Kris, kailangan niya ito. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, baka ganyan din ako. Pero nung sasaktan na niya ang sarili niya, doon na kami kumilos. Ibang usapan na iyon.

"Kris 'wag mong gawin iyan, wala kang kasalanan" pagpigil ni Drake habang pilit inaagaw yung basag na salamin.

hindi na nakasagot si Kris dahil naunahan siya ng iyak niya, nakaka awa siya. I never saw him break down like this before. Ganito pala ang epekto kapag buhay ng mahal mo ang nakataya.

nagkatinginan na lang kami ni Drake dahil sa awa sa kanya.



"Oh my gosh!, a-anong nangyari dito?"

"N-na ambush ba kayo?"

"May nasaktan ba!?"

Napalingon kami sa kararating na Becca at Shawn. Halos lumuwa na yung mga mata nila sa gulat

Naabutan kasi nila kaming nag-aayos sa mga bubog na gamit. Tulog ngayon si Kris. Buti na lang at nakaramdam siya ng pagod. Kailangan niya rin kasi ng pahinga.

"It's okay, si Kris ang may gawa nito" Paliwanag ko sa kanila at sinabi ang nangyari kanina. At gaya ng reaksiyon namin kanina, ganon din ang sa kanila ngayon.

"Maupo muna tayo, we really need to talk about this" suhestiyon ni Drake na nababahala rin sa mga pangyayari ngayon. Masyadong mabilis.

"Sige pero i che-check ko lang si Gab" si Shawn sabay lapag ng bag niya sa sofa habang napapakurap sa mga nakikitang basag na antiques at mamahaling bagay.

"Ako din kay Kris" si Becs

"Call. Ipag-papatuloy na lang din namin 'tong linisin" Pagsang-ayon ko at ngumiti kay Becca ko. Kahit papano nabawasan yung dinadala kong mabigat na damdamin ng makita ko siya.

hayyy

Pagkatapos nilang ayusan sina Kris at Gab, tumulong din sila sa paglilinis kaya napadali yung trabaho namin

"Paano na yan? Anong gagawin niyo? Diba ang sabi lima raw kayong haharap sa kanila? e tatatlo kayo?" si Shawn habang umiinom ng juice

"Unless isasali niyo----"

"Becca, hindi. We won't risk it. Hindi kayo ganon ka galing sa pakikipaglaban. Ayokong mapahamak kayo. Lalong-Lalo ka na" pigil ko sa sasabihin niya. Nakahalata na kasi ako sa patutunguhan non at hindi ako makakapayag

Tinitigan niya muna ako saglit bago nagsalita at naglakad papunta sa akin

"hayyy. ganon?. Salamat sa pag-aalala moo. pero ano na ang gagawin niyo? Alangan namang kumuha kayo sa mga tauhan niyo e nakita niyo naman nung practice natin. Natalo namin sila"

"Tsaka lima raw kayo tapos sila umaabot ng isang daan mahigit? Nag-aalala rin naman kami sa inyo. Kailangan niyo rin ng proteksyon at kakamping malakas." pag-aalala ni Shawn na masusugat na ata yung labi sa pagkagat-kagat niya sa pag-aalala.

Nag-iisip kami ng sulusyon nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Nagulat pa nga kami kasi hindi namin siya naramdaman

"Kailangan niyo ata ng tulong?" tanong niya

"Bryle!" nasorpresang mungkahi ko

"Ayos na tayong apat nina Kris. Kunin niyo na lang yung alam niyong pinakamagaling sa mga tauhan niyo para panglima"

"Sa-sasama ka talaga sa kanila?" tanong ni Becca

"Oo para matapos na ang hindi makatarungan at patas na away na ito, nakakagalit din kasi yung ginawa nila sa kapatid ko, mga walang hiya" gigil niyang sambit at nagdive sa bakanteng sopa

napangisi naman ako. nagawa niya pang gumanon sa galit niyang iyon

"Maghanda na tayo" suhestiyon ko at tumayo na. Sumunod naman sila.

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon