The Cryptic Trouble Maker 23

4.1K 119 3
                                    

Drake~

Salitan ng sipa at posisyon yung dalawa,

Wow! Damn!

, Napakapulido ng mga galaw nila, sobrang liksi at parang ang gaan-gaan lang nang mga katawan nila sa bilis ng pagshift sa kinatatayuan

I can't believe it! They can actually fight.!

Kung titignan kasi sa outer look parang mga babasaging pinggan ang dalawa, kumbaga, walang alam sa pakikipag-away, pero ngayon, ang ta-taas ng mga sipa nila!! This is unbelievable!!

Lahat tahimik, kahit konting ingay wala kang maririnig, tanging ang dalawa lang sa gitna ang nag-iingay

Narinig din naming tumawa si Gabriel pero hindi na namin ito pinansin dahil tutok na tutok kami sa labanan nung dalawa

"Oh, bunganga niyo, paki sara po" si Gab habang isa-isang tinataas yung mga panga naming nagsilaglagan

Ganon din yung ginawa niya kay sir na katabi niya kaya lang biglang natauhan si sir at umaktong parang kakagatin ng maraming beses si Gab habang dilat na dilat ang mga mata. HAHAHA

"Don't me, ms. Cole!" Pffft. Bakla, don't siya raw.

Gab just shrugged at muling nanood. HAHA, ang adik niya

Pero

Talaga naman.

Nakakamanghang panoorin yung dalawa, kahit na palaging nahaharangan ni Rebecca yung mga tira ni moo at kahit mabilis talaga umangat yung paa ni moo, mas mabilis pa rin kay Rebecca!

Bakit?? How is that?

Napatumba si Rebecca at kinuha ni Shawn ito na oportunidad para sipain siya pero parang sumasayaw si Rebecca ng 'di mawari na sayaw na angbilis bumawi at nakatayo agad nang walang kahirap-hirap

Nang tangkain ulit ni Shawn na sipain sa tagiliran si Rebecca, nagsplit naman si Becca kaya hindi siya natamaan

"Wooooooooaaaaahh!"

"Marunong pala sila niyan!!!???"

"Ang galing nila!!!!!"

Sigawan sa paligid at si moo naman, imbes na mainis lalo pa atang sumaya, Haha,

that's my girl, sporty

"Wala pang puntos si Shawn no? Talo na ata tayo" pahayag ni Bryle habang humihinga ng malalim at tumingin sa kambal niyang hawak hawak ang mga pera namin habang kumikinang ang mga mata

Alam ko na yan, masaya siya kasi may pambili ulit siya ng pagkain niya, haha

Patay gutom talaga. Haha

Pagtingin ko sa harap,

WHAAT THE!!!?

nasa kamay na ni Shawn yung paa ni Rebecca, nakataas sa bandang balikat niya!!

"AYAN NA!!" sigaw naming tatlo sabay tayo, kami nina Bryle at Kris

"Aaaaarggh!.. ..

..  ..  talo tayo!" Sabay-sabay ulit naming sinabi habang napapasabunot sa mga buhok namin at napaupo

Paano kasi, kanina, biglang umikot si Rebecca then, she lunged forward in a very swift motion kaya naisama sa pagdapa si Shawn kasi nga hindi niya nabitawan yung paa ni Rebecca tsaka pinasinuran na ito ng time out! Aish.

"Yuhoooo!!! Panalo kami ni Yron! Yes! yes! yes! yes!" At nagyakapan pa sila habang tumatalon

Nakita naman yun ni Kris kaya hinila niya si Gab,

"Ang galing mo sis!,congrats!" Moo

"Ikaw rin naman e, paran---------- ackk!" Napatigil sa pag-uusap yung dalawang parating kasi

"Ang galing mo Rebecca, kaya lab na lab kita e!"

si Yron na parang di napansin yung sarili niya at hinila si Rebecca atsaka niyakap ng mahigpit

"Ai sht!"

"sorry! sorry!" Sabay bitaw niya kay Rebecca nang mapagtanto niya kung ano ang ginawa niya at sinabi niya kaya pareho silang namumula sa hiya, HAHA, di pa kasi magka aminan

"Hahahaha ulol Yron, ganyan nga, 'wag si Babe ko ang yakapin mo" singit naman ni Kris

"Babe mo mukha mo!" Si Gabriel habang lumalayo kay Kristopher, HAHA, wasak

"Gabriel, paano mo nga pala nasiguradong si Rebecca yung mananalo?" Tanong ni Yron

Nagtataka naman sina Shawn at Rebecca kung ano ang pinag-uusapan namin kaya bumulong ako kay moo na mamaya ko na ipapaliwanag at tumango naman siya

"Easy, ganito kasi yun, kasali kasi sa ballet at gymnastics yang si Rebecca diba?,  kaya alam kong advantage niya ang pagsipa" at ngumisi pa siya, kyut,haha

"Nice going gelli, haha" si Bryle na niyakap yung kapatid niya at ginulo ang buhok

"NEXT MATCH!, MS.COLE, AKYAT NA!"

"Cool! match ko na., Yron hawakan mo pera natin, oh" sabay lagay sa pera sa palad ni Yron at tumakbo papuntang gitna

"Haha, 'di rin halatang 'di excited no? Haha" si Kristopher

"Oo nga," tawanan kaming lahat dahil ang hyper niya

"Kyaaah! Nakaka excite naman to!!"
Shawn

"I know right sis!!! Waah,go idol! Woooh!"

Bulung-bulungan rin sa paligid, na kawawa daw si Dwayne, na hindi raw patas ang pairing, at good luck daw sa kanya

"Napatawa ulit kaming lahat pwera si Kris na kinakabahan na rin, hindi niya kasi nakita yung unang laban ni Gabriel

"Relax bro, watch and be amaze" si Bryle na tinapik tapik yung balikat ni Kristopher

Kris~

I almost forgot na si sir Burt ang kalaban niya

Damn it! Paano kung may mangyari kay Sapphire, tsk! Di ko mapapatawad yang teacher ma yan, tss!

Arrrgh! Nakaka inis!

Tinignan ko ulit tong mga kasamahan ko na kampanteng-kampante, fudge!

Hindi ba sila nag-aalala man lang? Pati si babe sa harap pangiti-ngiti lang, hayy, bahala na nga, kung may mangyayari saka na lang ako e-extra,

Tumunog na yung time kaya mas lalo akong na tense, wait ,

Why am I acting this way?

Tumingin ako sa barkada ay binigyan lang nila ako ng nagdududang tingin kaya napaiwas ako

Alright, oo na, I like her big time kaya ako nag-aalala, torpe na kung torpe, but she's mine only

Napapa-ikot sa ring yung dalawa, nakangisi lang si Sapphire pero si sir seryoso

"Yaaaaaah!" Biglang sigaw ni Sir sabay sugod kay babe na kalmado lang na nakatingin kay sir na paparating sa kanya

Ano ba yan! Kilos! Bakit hindi ba siya makakilos? Bakit nakatayo lang siya!?

Napatayo ako bigla

"Relax lang" si Angelo na binibigyan ako ng naniniguradong ngiti

Huminga naman ako ng malalim, damn! I'm so tensed, may galing naman si Sapphire, I saw it lately, pero iba pa rin sa one-on-one combat, aish

Tinaas ni sir Burt yung paa niya ng mataas at BUONG PWERSANG ITATAMA SANA PABABA SA BALIKAT NI BABE!!!!!!!!

Maraming sumigaw, maraming nag panic at marami ring tumayo kagaya ko


"DAMN!"  

Ayan na!!!!? Sht! Sht! Sht! malaking tao pa man din si Sir!!!!!

It's coming!! Darn!

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon