Chapter 36

2.7K 73 29
                                    

Kris~

Umatras si Saph ng ilang metro mula sa kanila kaya akala siguro nila natakot siya.

Seriously? Nakuha pa niyang matawa at umiling?

Napangiti naman ako doon kahit magkahalong mga emosyon ang nararamdaman ko ngayon

Pinapanood lang namin siya mula dito sa taas at mukha namang walang nakapansin na narito kami. Gustuhin man sana naming tumulong pero binantaan niya kami kaya no choice kundi manood lang.

Pero syempre tutulong din kami 'pag hindi na niya kaya pero- I doubt that

Susugod na sana yung mga tauhan ni Arthur pero biglang nagkaroon ng maraming pagsabog kaya

OoO!

fck!

anubayan.tsk tsk!

nagkalasog-lasog yung mga iba!

Ulo doon, Binti doon, panga, utak

"Yuck! nakakadiri naman to" bulyaw ni Yron na masuka-suka. Sinang-ayunan naman namin.

Talaga naman kasing angpangit nung view sa baba. Hindi nga namin maatim tignan pero pinipilit pa rin namin kasi baka may biglaang mangyari kay babe. It's still not safe kahit ganyan siya kagaling.

"Anong nangyari dun Bryle??" Tanong ko pero naunahan siya ni Saph sa pagsagot na kausap yung nagtatanong na mga mata ng mga nakaligtas

"Actually, hindi lang naman kendi na tear gas ang mga hinagis ko. Bomba din sila na automatic na na-aactive kapag naubos yung gas at kapag natatapakan ng sino man. Invention ko nga pala. Galing ko no?" at humagikgik siya sabay linis sa baril niya

"Cool! ang astig talaga ng shota mo boss" tapik ni Drake sa balikat ko. Natuwa naman ako dun. Don't know why. haha

"of course. haha"

"ahemm. baka nakalimutan niyong kapatid niya ako" sabi naman ni alam niyo na, Bryle na nakabusangot na nakaturo sa sarili niya

"bro kahit na. Wala kang ganyan eh.hahaha" pang aasar ni Yron at dumila pa na parang bakla

haha. ang gago nito, naghahanap ng away e halos mamilipit na siya sa sakit na dulot ng mga natamo niya, anong laban niya?

tsk tsk. As always

Kinotongan na lang siya ni Bryle at natawa din

Tinignan ko ang buhat-buhat ko

Buti na lang tulog itong si Artha kaya hindi niya nakikita ang mga nangyayari dito. Baka bangungutin siya 'pag nagkataon.

"isa, dalawa,tatlo, . . . apatnapo" ayos na para sa mano-mano. hihi" napatingin kami kay Babe at sumugod na siya

Halos hindi na namin masundan yung mga galaw niya sa sobrang bilis.

Ganito pala talaga siya. Brutal kong brutal pero may pinaglalaban naman.

Sinipa niya sa ulo yung tumutok sa kanya ng kutsilyo sabay suntok sa sikmura nung nasa likod niya. Sugod lang ng sugod yung mga tauhan ni Arthur samantalang si Arthur ay pinapanood lang sila gaya namin. Sunod-sunod na suntok at sipa ang ginagawa ng mga lalake pero ilag lang ng ilag si babe. Tapos nung nagsawa na siya sa kakailag ay binigyan niya ng tig-iisang malakas na suntok sa mukha ang mga nakapaligid sa kanya.

Tansya ko nasa dalawampo na lang ang natitira. Whew! Ang galing talaga niya. Mahirap man tanggapin sa aking ego ay aaminin kong mas magaling talaga siya sa akin. Hindi ko iyon ipagkakaila kasi napatunayan ko na yun.

Ngayon palang e mahahalata mo na. Kung ako madaming natamong sugat sa laban ko kanina, siya naman wala. Wala ni isang bakas ng pasa o sugat sa katawan niya.

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon