Chapter 34

2.5K 69 16
                                    

Drake~

Actually, hindi kami nagulat sa lalaking nasa gitna.

Hindi kasi namin kilala.

Ang nakakagulat ay yung andami-dami pa pala naming kalaban na narito sa harap namin pero kung makikipaglaban pa kami ay dehado na kami at konti lang ang pag asang manalo. Crap. Hindi ito maaari.

Nabalian kas ako sa kaliwang kamay ko pero hindi ko na pinakialaman kasi baka malaman nila na may tama ako at ako yung pupuntiryahin ng mga ito.

"Tignan mo nga naman at nagawa niyo pang matalo ang kalahati ng grupo ko, tsk tsk. pero sa nakikita ko ngayon, kayang-kaya ko kayong patayin!" at umalingaw-ngaw sa paligid ang halakhak ng qago

"Sino ka ba!?" naiinis na sigaw ni Kris sa lalaki dahil hindi talaga namin siya kilala

Nakita naman namin ang pag-iiba ng aura ng taong nasa harapan namin. Kung kanina nakangisi, ngayon naman galit na galit ang hitsura

"TARANTADO! Hindi mo ba ako namumukhaan!? Hindi niyo ba ako nakikilala!?" hirestikal na bulyaw nito sa amin

Hindi na lang kami sumagot kasi baka lumala yung sitwasyon. Napatingin ako dun sa tatlo. Kunot na kunot yung mga noo nila. Muntik pa nga akong matawa kay Bryle kasi para siyang tanga na nakatingin dun sa lalaki. Halatang kinikilala pero wala talaga siyang maalala. haha. ang ogags nito

"Ako ang lider ng mga taksil sa iyong kumpanya. Ako ang may kagagawan kung bakit nagkanda letche- letche ang mga transaksiyon niyo. Ako ang nagpasabong ng tang-inang skwelahan niyo! At ang pinaka importante ay ako ang kapatid ni Aeira, ang inosenteng babaeng nagpakamatay sa loob mismo ng kumpanya niyong Montgomery dahil sa pagmamahal sa iyo Kristopher na kahit kailan hindi mo pinagbigyan at sinuklian! Ako si Arthur, tandaan mo yan hanggang sa mamatay ka maya-maya lang!" nanginginig pa niyang sabi nang hindi binababa ang hawak niyang baril

Siya pala iyong nasa likod ng mga iyon ? Lagot ka kay Kris

Pero ano? Kapatid pala ito ng babaeng dating empleyada nina Kris na obsessed na obsessed kay boss.? Masama talaga ito. Lalo na kung kapareho niya ng pag-iisip yung yumaong kapatid niya.

Nagtama ang tingin namin ni Yron na pareho ang ekspresyon sa mukha, nababahala. Si Kris naman e tahimik na kikipag mata sa mata sa Arthur na ito samantalang si Bryle e wala talagang alam.

May ideya kaya ng lalaking ito sa mga pinaggagagawa ng kapatid niya noon?

"Inosente ba kamo? Alam mo bang pinapatay pala lahat ng kapatid mo ang mga babaeng nakikipag-usap at lumalapit lang sa akin noon? Iniimbitahan niya ang mga ito sa bahay niya at ang nakakapagtaka ay hindi na namin muling nakikita ang mga babaeng iyon. Dahil nagreklamo ang mga kapit bahay niya sa masangsang na amoy na nanggagaling sa bahay niya, inimbestigahan ito ng mga pulis. Nalaman na lang namin sa huli na kaya pala hindi niya nililinisan ang swimming pool niya na puno ng lumot at berdeng tubig ay dahil doon niya tinatapon ang lahat ng mga pinatay niya na umabot sa apatnapu't tatlo sa bilang!" gigil na kwento ni Kris

Natulala naman yung Arthur. Marahil hindi niya alam iyon.

"Lahat pa ng mga nagtatangka sa buhay ni Kris na mga karibal niya sa negosyo ay unang namamatay. At huli na rin nung nalaman namin na kagagawan rin pala ito ng kapatid mo. Napanood namin sa nakuhang CCTV ang ginawa niya sa isang lalaki. Habang nakikipagtalik siya dito ay sinasaksak niya ng ilang beses ang lalaki hanggang sa nagkalasog-lasog na yung tao." Nandidiring paliwanang ni Yron

"Ang malala pa, pinapadala niya sa pamilya ng taong pinatay niya ang mga ulo ng mga minasaker niya at nagiging trauma yun sa pamilyang---------"

"TAMA NA!! KASINUNGALINGAN! " pag putol niya sa sinasabi ko

bigla-bigla niyang kinalabit ng kinalabit yung gantilyo ng baril niya hanggang sa naubos na yung bala niya. Buti nakailag pa kami sa huling sandali kaya lang natamaan sa balikat si Kris dahil na rin siguro sa dami niyang bugbog sa katawan

"HUWAG KAYONG GUMAWA NG KWENTO! MABAIT ANG KAPATID KO. MABAIT SIYA!" Pagwawala niya pero maya-maya e bigla na lang siyang umiyak
"takot pa nga siya sa dugo eh at sinabi niya pa sa akin na "Kuya, 'wag kang papatay ha? masama yun. Mali ang kumitil ng buhay" sabi niya"  pagmomonologue nung Arthur saka ulit nagsisisigaw. Natuluyan na atang nabaliw

"Tapos isang araw malalaman ko na lang na nagbigti siya sa opisina niya!?" Tumingin siya sa amin

"Kalokohan! Pinatay niyo siya at pinagmukhang siya ang may kagagawan! Tikman mo Montgomery ang paghihigante ko, ilabas niyo yung bata!"

OoO!

Napamura na lang kami sa nasilaan namin.

Si Kris naman nagwala na rin. Inilabas kasi nila si Artha na halos hindi na namin makilala

putangna niyo! mga walang awa! pati batang walang kamuwang-muwang sa mundo dinadamay niyo!

Halos hindi na namin kayang hawakan si Kris kasi nagwawala na talaga siya. Pero kailangan naming pigilan siyang lumapit kasi baka mapatay siya o kaya si Artha.

Pero sino ba ang hindi magagalit sa ginawa nila? Ako ngang hindi ko kapatid e nagagalit ako. Kaya naiintindihan ko si Kris.

Si Artha kasi. Puro kadena ang katawan na halos hindi na siya makahinga sa pagkakapulupot ng mga iyon. Kitang-kita pa namin yung mga pasa niya at dugong natuyo. Hindi na nga siya makalalad kaya kinakaladkad na lang nila yung kawawang bata.

"Pa-parang awa mo na! ako na lang ang pahirapan mo huwag ang kapatid ko!" pagluluhod ni Kris habang umiiyak pero tumawa lang yung lalaki at tinutok sa ulo ni Artha yung bagong baril na hawak niya

Pipigilan sana namin pero lahat ng tauhan ni Arthur ay tinutukan kami ng baril kaya wala kaming nagawa

"Arthaa!!!!"   nahihirapang sigaw ni Kris

shett! mamamatay ba itong batang ito sa harap namin!

Naiyak na rin kaming tatlo sa kalagayan namin ngayon. Nakakainis!! Wala kaming silbi!

Kinasa ng demonyo ang baril niya

OoO !!

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon