The Cryptic Trouble Maker 35

2.6K 82 32
                                    

Bryle~

BANG!

Napasigaw lahat ng mga kasama ko pero nagulat din sila pagkatapos. Lalo na yung Arthur nang makita niyang hindi natumba si Artha at walang tama ng baril.

Thank God.

"A-anong.. ?"

Pero napangiti ako. I recognize that gunshot.

"Yeah baby. That's what I'm talking about. Reinforcement."

Kunot noo silang napatingin sa akin and I just shrugged my shoulders pero nabaling yung atensyon nila pabalik kay Arthur ng kinasa niya ulit yung baril at walang pagdadalawang isip na ipinutok ulit kay Artha

BANG!

"Whatt!?"

haha. Their faces

Gulat na gulat talaga sila. Hindi kasi ulit tumama yung bala kay Artha. Sa halip na sa bata, sa pader sa kaliwa ni Arthur napupunta yung mga putok niya.

Takang-taka niyang tinitignan yung baril niya. Pati na rin yung mga tauhan niya naguguluhan.

"A-anong nangyayari?" Tila nahihintakutan na tanong niya sabay tingin sa amin "Si-sinong may gawa nun!?"

Then as if on cue. Nakarinig kami ng tawa.

"Stupid. That was me idiot" tuwang-tuwang sabi niya

"b-babe?"  sambit ni Kris

yep. He got it right. Si twin nga iyon.
Awesome! heha. manang-mana sa akin. haha. joke.

May hawak din siyang baril. Yung kulay gold na siya mismo ang umimbento. um. ano nga ulit yung tawag niya don? kihara? karara? kahuna? ummm.  kitara! yun kitara. weird niya no? haha. anyways, kaya pala hindi tumatama yung bala ni Arthur ay dahil pinapasunuran agad ni twin ng putok kaya nalilihis. Isa sa mga specializations niya. Yun bang kung may direstsong tira na parating, tinatamaan niya ito sa gilid kaya natatabingi yung tira.

aish. ang gulo. bahala na nga. basta ang alam ko ganon yun. Yung -- yung bala mismo yung pinupuntirya ni twin.

"Sino ka ba!? Bakit ka nakikialam!?" sigaw nung Arthur at tinutukan siya ng baril kasama ng ilang tauhan niya

kalmado lang si twin at halata mong natutuwa sa ginagawa pero mararamdaman mo pa rin yung nakaka intimidate niyang presensya.

"I am the so called Legendary Protector by the people pero I don't want to carry that word legendary. Protector lang kasi yun naman talaga ako. And bakit ako nakikialam you say? Kapatid ko lang naman yung isa diyan tapos kasintahan ko yung isa diyan tapos kaibigan ko yung dalawa tsaka, yang batang yan ay future lil sis ko kaya as a protector, I'll do my duty. Just watch and be amaze"

at nagawa niya pang kumindat, pagkatapos niyang sabihin yun, nakita naming may kinuha siyang pack ng kendi at binuksan ito.

Nagtaka naman kami. What?? I gave her an 'Oh come on sis' look pero nginisian niya lang ako at tinaas baba niya yung dalawang kilay niya

Bigla niyang hinagis yung pakete sa mga tauhan ni Arthur at talagang naikalat sa pwesto nila

Maya-maya lang e nanlaki yung mga mata nila ng nalaman nilang tear gas pala yun!

cool! haha. ang troublemaker talaga ni kapatid

Hindi na rin ako nagulat ng may lubid na pumulupot sa akin at iniangat ako

"Aargh! tulong! nakikidnap ako!" rinig kong sigaw ni Yron

"haha. dude shut it" Si Drake. natawa na rin ako sa reaksyon ni Yron. So gay. haha

"haha. Akala ko ako lang. aba malay ko, wala naman akong makita dahil sa usok na to" pigil ubo niya

Hindi pa rin nawawala yung usok sa baba kaya natataranta pa rin yung mga nandun. Nagpuputukan na nga sila ng baril at sigurado akong ilan din ang namatay sa kanila

"May parating" biglang sabi ni Kris kaya napatahimik kami at naging alerto. Narito kasi kami sa ceiling ng building. Buti na lang may mga kahoy kaming pwedeng tayuhan. At tansya ko, nasa 100 feet ang layo neto sa baba kaya todo kapit kami sa lubid at mga kahoy na narito.

"Ayos lang yun, si Gab yung parating at. . at.  may karga siya, ata?" Si Yron na di sigurado sa nakikita

Medyo nawawala na yung usok kaya klaro na yung nakikita namin. At si twin nga yung parating, hawak niya si Artha

Nang nakalapit siya ay inabot niya kay Kris yung bata at nakipag apir sa aming tatlo

"Nice to see you sis" Yakap ko sa kanya

"Dapat lang no, dehado na kayo e. And whether you like it or you like it, tutulong ako." ngisi niya sabay tingin sa amin isa isa

"Tsaka it's not like I'm gonna let you have all the fun,duh" at pinaikot niya yung mata niya. tusukin ko yun e. haha

Natawa na lang din ako sa reaksyon nung dalawa. Sina Drake at Yron

"f-fun?" sabay nilang sabi pero hindi na sila pinakialaman ni twin na napangiti lang

"Magiging ayos na siya babe. Nagamot ko na rin. Napagod lang talaga siya so she needs a lot of rest"

"Thanks babe, I owe you big time" tumingin si Kris kay twin ng puno ng pagmamahal at inayos yung pwesto niya para 'di siya mahulog at hinalikan si twin

Sumipol ako and Yron started making weird noises

"Sige. Kunyari wala kami dito sa harap niyo ha? tuloy niyo lang yan. haha" Remarka ni Drake kaya napahiwalay yung dalawa

Nagtawanan na lang kami at tumingin sa baba. Wala na talaga yung usok at  marami ngang namatay sa kanila

Mga nasa limampu na lang kasi yung natira.

"The fun has arrived~wooh. That's what I'm talking about. " kanta ni twin at tumingin sa amin ng seryoso. yissh. moody.

"Walang makikialam." mariin niyang sabi kaya napalunok kami. Pati na rin si Kris at ako. Abah, sa tono at tingin niyang iyon sino ang hindi matatakot >,<

At lumundag na nga po siya!

"Anak ng----!" reaksiyon ni Kris

"Antaas niyan!" si Drake

"Di kaya mapilayan siya niyan!?" si Yron naman na nakatitig pa rin sa nahuhulog na si twin

huh? hindi naman

"Actually, sisiw lang ang ganitong height kay Gelli. Nakaya niya ngang tumalon sa ikalabing-isang palapag ng building namin nung tinatakasan niya ako" wala lang na sabi ko

Napatingin naman ako sa kanila kasi natahimik sila

"What??"

Pero hindi na rin nila ako sinagot at pinanood na lang si twin na naglanding ng matiwasay sa baba.

Gulat na gulat sina Arthur nang bigla siyang nandun kaya hindi agad sila nakakilos.

"Boo." sabi ni twin at ngumiti ng pangdemonyo

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon