The Cryptic Trouble Maker 19

4.6K 141 4
                                    

Somebody's POV

"Nandito na po ang mga nakalap kong impormasyon tungkol sa kanila Boss"

"O sige, report, siguraduhin mong kahit konting detalye ay nandiyan, lahat mahalaga!"

"O-opo"

"Simulan mo na!"

"Ah- eh.  K-kristopher Lloyd Montgomery,

-19 taong gulang, half Filipino half American tulad ng kanyang dalawang kababatang lalaki na sina Yron Bryars at Drake Raskin,  pinanganak noong August 24 1997 sa America,ang bayan ng kanyang ama, nag-aral siya doon mula unang baitang hanggang sa ikatlong baitang niya at nanatili sa Korea ng tatlong taon at nagmigrate sila dito sa Pilipinas nang magsisimula na siya sa Highschool

-kulay abo ang mata, korean style ang buhok, matangos ang ilong, mapula ang labi, maputi ang kutis, 5'10 sa height, may pang modelo na katawan, at maayos ang tindig, maputi at pantay-pantay na ngipin,

-matalino, crush ng bayan dahil sa kanyang mga taglay at sa kasalukuyan,may dalawang malapit na kaibigang lalaki at tatlong babae

-magaling sa pagbaril, malapitan man o malayuan , magaling sa martial arts at magaling magmaneho, magaling umawit at sumayaw, bihasa sa paggitara, pero palpak umakting at may pagkatorpe simula nung  nabasted noong unang panliligaw niya nang dumating sila dito sa bansa

-ang kanyang ama ay si Nathan Montgomery, ang pinakamayamang business tycoon sa Pilipinas na nagmamay-ari ng labing-isang hotels at walong car companies sa bansa kasama na ang mga branches nito at sampung malls abroad

-at ang kanyang ina naman ay si Sofia Dela Cruz-Montgomery, isang surgeon na may pitong sariling hospital sa Pilipinas at lima abroad

-pag-aari rin ng pamilya niya ang top ranking schools na Montgomery University at Crushei University

-nasa grade--------------"

"Tama na,I had enough of him, sa mga kaibigan niya naman"

"Ye-yes boss"

"Drake Raskin,

-19 taong gulang rin, pinsan ni Yron Bryars sa mother side at pinanganak noong October 1 1997, mas maliit ng isang centimeter kay Kristopher kaya siya ay 5'9,

- naging kaibigan si Kristopher noong naging kaibigan ito ng kanyang pinsan sa Korea nang nagbakasyon sila malapit na ang pasukan sa highschool

-kasabay niyang nag aral ng elementarya si Yron sa Crushei University at lumipat sa Montgomery dahil sa pangako kay Kristopher

-Korean style din ang buhok, kulay itim ang mata, matangos ang ilong, malinis at pantay-pantay na mga ngipin, magandang mukha na daig pa ang ilang babae sa ganda ---- hahahaha!"

"Bakit ka tumatawa!?" Walang hiya

"Aa-aah. S-sorry po"

"Tuloy!"

"Nu-nung una, playboy siya pero tinigil niya ang pambababae nang maging shota  si Shawn Garcia

- magaling din magmaneho, magaling umawit at sumayaw., magaling mag drums, madami nang napaiyak na mga babae at marami pa ring umaako na boyfriend daw nila si Drake kahit alam nilang may tunay na girlfriend na ito

-ang kanyang ama ay si Kevin Raskin, isang pure American at business partner ng mga Montgomery patungkol sa kotse kaya tunay na magaling si Drake sa forte na ito

-ang kanyang ina naman ay isang fashion designer, sa lahat ng malls ng mga Montgomery ay naroroon ang limang branches stalls niya

"He is the only child kaya medyo spoiled siya at palaging nakukuha ang mga luho."

"Yron Bryars, 19 years old din gaya ng dalawang nauna pero siya ang pinaka matanda, pinanganak siya noong July 30 1997 dito sa Pilipinas at may pagka-isip bata pero sineseryoso ang mga bagay na dapat seryosohin

-gaya ng pinsan niya, kulay itim din ang mata niya, matangos ang ilong, may dimple sa kaliwang pisngi at palaging nakangiti. 5'11 sa height at katulad din ng mga kaibigan niya, may matikas na pangangatawan

-matalino rin, magaling din umawit at sumayaw, forte naman niya ang pag rhy- rhythm at martial arts kaya handle niya ang pinakamalakas na combat training center sa buong Pilipinas

-ang kanyang ama ay si Cramer Bryars, isa ring Amerikano at isa sa mga main na business partners ng Montgomery patungkol sa Hotels

-ang kanyang ina naman ay si Shamia Bryars, isang  Computer Artisan kaya nakukuha nila ang mga impormasyong kailangan nila"

"Shawn Garcia, 18 years old, pinanganak noong September 26 1998, 5'4 sa height at petite ang pangangatawan, girlfriend ni Drake at isang part time model sa isang sikat na Teen's Magazine na sponsor ng mga Montgomery's

-fashionista at maganda kaya sikat rin siya kahit sa mga kababaihan, may magandang hubog ng pangangatawan at nag-aaral tungkol sa business upang matulungan niya ang kuya niya sa pag asikaso ng kanilang business pagkatapos niyang grumadweyt ng college

-namatay ang kanyang ama dahil sa heart failure kaya ang ina niyang si Kylie Garcia ang nagsilbing ama rin nilang magkapatid,

-ang kanilang ina ang Accountant ng main na business nila kaya kahit katiting ay walang nawawalang pera

-si Shawn ay isang pure Filipino pero bihasa sa English, Japanese, Chinese, at Korean, magaling sumayaw ngunit hindi nabiyayaan ng napakagandang boses, pang back-up lang ang kaya niya

-bihasa siya sa pagtugtug ng violin at ilang beses na siyang nanalo sa mga paligsahan na sinalihan niya"

"Rebecca Sanchez, isa ring pure filipino at tumatayong 5'4 din gaya ni Shawn, magaling sumayaw at magaling umawit, forte niya ang pag piano at pagcompose ng kanta, magaling rin sa iba't-ibang lenggwahe tulad ng English, Mexican, French, at Korean

-problema niya ang mga magulang niyang puro na lamang ang nakababatang kapatid na si Jacquelyn, 16, ang pinapaboran dahil ito ang nakakitaan nila ng  galing sa pagluluto na siyang business ng pamilya nila, hindi tulad niya na gustong maging Lawyer

-isa siyang magaling na chef at ang tagapagluto ng isang branch ng kanilang restaurant na sikat sa mga businesspeople pero mas pinili niyang maging misteryo ang kanyang katauhan sa pagluluto upang mas tumaas ang ratings ng kanilang business

-lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang na alam niyang ampon siya, alam niya ring kaya siya inampon ay dahil sa kadahilanang ang akala ng mga foster parents niya ay di sila magkaka-anak noong una

-maganda siya kaya lang may pagkaboyish pero cool at very attractive"

"Ang panghuli ay ang pinakasimple at pinakanakakaduda "

"Bakit naman?" Tanong ko sa tauhan ko habang tinaas ko yung paa ko sa lamesa

"Dahil po limitado lang yung nakuha naming impormasyon tungkol sa kanya"

"Wala akong paki-alam, mahirap lang siguro siya.tuloy mo na!"

"Si Gabriel Dwayne Sapphire Cole,

-paborito niya ang ice cream at spaghetti
-adik siya sa timezone
-mas gusto niya ang kulay itim at asul na kulay
-mag-isa niyang nakatira sa kanyang condominium pero wala man lang address
-may sarili siyang Aviator na kotse
- 5'6 sa height at 18 years old"

"Yun lang po bo-boss"

"Sige alis na!"

Kumaripas naman siya ng takbo at umalis agad. Dapat lang.

Humanda sa akin ang mga Montgomery at lahat ng damay sa kanila. They'll see.!

The Cryptic Trouble Maker | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon