Chapter 10

30 1 0
                                    

AJ's POV

Habang naglalakad kami kanina ng mga kababata ko, may nabunggo si Harley na isang babae. Nakakapagtaka nga eh. Hindi nya kilala si Harley..

Weird.

Kasi parang imposible naman na hindi nya makilala yung lokong yun, eh sikat na sikat sa pagiging babaero un. At bukod pa dun, kilalang kilala sya dahil sa pagiging mayaman ng pamilya nila.

Tsaka parang familiar yung babaeng yun..

It's like I've seen her somewhere. Hindi ko lang matandaan.

Ako nga pala si Aeron Jhake Ocampo. Para mas maiksi AJ na lang. Senior student sa Samson University. 19 years old. Paano ko pa ba ipapakilala sarili ko? Gwapo, matalino, mayaman. Un lang. Bow.

"uy, pare. Napansin mo ba yung babaeng nabunggo ni Harley kanina?"tanong ko

"oo!"biglang oo naman ni Stephen

"bakit mo naman naitanong yan?"tanong ni Jarred

"wala naman. eh Stephen, ano yung napansin mo sa kanya?"sabi ko

"ang ganda nya! Ang ganda ng legs nya, ang kinis at ang puti. Para syang bagong huling isda sa dagat. Fresh! Yummy! haha"sabi ni Stephen habang nakangiti at tumataas ang dalawang kilay

"gag*! Nagtatanong ng maayos eh."sabi ko sabay batok sa kanya

"gag* ka rin! sumasagot naman ako ng maayos ah?"katwiran nya

"wag ka kasing masyadong pilosopo, Stephen."sabi ni Kurt

"hindi naman talaga ah?"pag-aangal nya

"tss. aangal pa. Huling huli na nga eh."panggagatong naman ni Jarred

"eh bakit t mo ba kasi naitanong yun, AJ?"tanong ni Kurt

"ah. Wala. Wala. Nevermind."pagsisinungaling ko

"okay."

"Uy! Tara na nga, ang da-daldal nyo. baka mahuli na tayo sa next subject."biglang tawag samin ni Ken

Kaya nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room.

Habang naglalakad may bigla akong naalala.

"Ay lagot !"bigla kong sabi

"oh? bakit naman lagot?"tanong ni Jarred

"wala pa si Harley eh."sagot ko

"baka nasa clinic pa rin? yaan mo na yun, baka busy pa yun sa panlalandi dun sa nakabungguan nya. haha"sabi ni Ken

"haha. baka nga. Sige, tara na."sang-ayon ni Kurt

Ano nga kayang ginawa nya dun sa babae? Dinala nya nga talaga yun sa clinic?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Charrie's POV

Flashback~

Naglalakad kami ng two friends ko para magpunta sa restroom. Sina Cheska and Lara. Magre-retouch kami. Syempre naman, so that Harley will be mesmerized by my sexiness, and obviously my beauty.

"Hey girls, is that papa Harley? am I right ?"sabi ni Cheska

"where?"I asked excitedly

"OMYGASH! I saw him na. He's there in the tree oh? puntahan natin!"excited na sabi ni Lara

Tapos tinignan ko yung tree na tinuro ni Lara. Oo nga, andun nga sya. Nag-iisa sya ah? asan kaya mga team mates nya? Mapuntahan nga. This is my chance para mapalapit sa kanya, so I won't waste this opportunity

Fate is just playing with us..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon