Chapter 7: Kilig

397 13 0
                                    

Hi guyss! Ito na yung sabi kong babawi ako! Hope you guys enjoy the chapter! Happy reading! Don't forget to vote 😉😉

(Hyper si Ms. Author ngayon 😂)

❌❌❌❌❌

Kiara's POV

Lunes ngayon at sa natatandaan ko ngayon magsisimula ang pag tuturo ko kay Xander. Hindi ko pinapahalata pero kinikilig talaga ako! Yieee! Ikaw ba naman alukin ng crush mo na maging tutor niya?! Ang landi ng ate niyo! Haha.

Lunch na ngayon, kasalukuyan akong kumakain sa mesa malapit sa isang glass window. Ako lang mag isang kumakain. Palagi naman. Haha hindi naman palagi chos! Absent kasi si Sam ngayon. Ewan ko dun.

Pero na alala ko ang napag usapan namin kaninang umaga, ayon sa napag usapan namin ni Xander, sa library kami mag-aaral, dahil daw mas maraming books doon. Wala naman siyang sinabi kung anong subject ang ipapaturo niya. Kung gusto niya lahat na eh! Haha! Pero joke lang yun noh!

Nang matapos na akong kumain bumalik na ako sa room. Pag pasok ko ay kaunti palang ang estudyante na nandoon. Pumunta ako sa upuan ko at kinuha ang libro mula sa bag at nag simulang mag-basa.

Nang dumating ang subject teacher namin para sa hapong ito ay agad umayos ang mga estudyante na kanina lamang ay ang lakas ng boses katsitsismis.

Napagdisisyonan ko na ituon ang atensiyon sa guro. Habang busy ako sa pakikinig ay bumukas ang pinto at lahat kami nabaling doon ang atensiyon naming lahat. Iniluwa ng pinto si Xander. Tiningnan ko naman ang aming guro na ngayon ay tumitingin sa kaniyang wrist watch.

"Mr. Smith! for Heaven's sake you are 46 minutes late!" Pagkakalkyula niya sa oras. Walang expresion ang mukha niya habang tinitingnan ang aming guro. Nag lakad siya patungo sa silya na nasa aking harapan at umupo. Nang makarating na siya sa kaniyang upuan..

"Get one fourth sheet of paper. Magkakaroon tayo ng short quiz. Tandaan bawat quiz niyo ay recorded" Sabi ni sir. Agad namang nagkagulo ang mga kaklase ko. Kumuha ako ng ball pen at isang pad ng one fourth na papel.

"Pahinging wamport!"

"Halah! Ba't may quiz?"

"Patay! Hindi ako nakinig!"

"Uyy! May wamport ka?"

Nakakagulo ang mga klase dahil sa short quix na magaganap. Hindi kasi nakikinig! Nakakainis talaga yang nanghihingi ng papel! They afford to study in this kind of school tapos walang papel?! Nakakaloka! What kind of students are they?

Ten items ang short quiz. I hope na ma perfect ko to. Kahit short quiz lang to, importante pa rin toh! Hindi kasi kagaya ng ibang ibang estudyante na laging sinasabi ay "babawi ako sa susunod".

Matapos I check ay ibinigay lahat ng papers kay sir. "Babasahin ko pa ba ang mga score niyo?" Tanong niya. Maraming sumagot ng Oo, kaya nakapagdisesiyon siya na basahin nalang ito.

"Boys muan ang babasahin ko" Sabi ni sir.  Naka separate kasi ang papers ng boys sa girls.

"Cortes 1, Marasigan 5, Mori 3, Oswald 7, Lopez 5, Lee 6, Morales 6, Smith 9, Blood 2, Torres 7.

Naghiyawan naman ang boys dahil sa scores nila. Srsly?! Hindi ba sila nahihiya sa mga scores nila. Pero atleast si Xander ang highest sa boys. Nag advance study siguro siya.

"Okay for girls, Scarlet 7, Perez 6, Scott 5, David 4, Samuel 8, Khan 8, Heartfilla 6, Grazer 7, Luna 8, and lastly Israel 10" Sabi ni sir. Yes highest ako! "Highest is Ms. Israel, followed by Mr. Smith" Dagdag pa niya. Pumalakpak ang iba kong kaklase, mostly girls, dahil naka 9 sir Xander, obvious naman.

Nerd Turns Into A Bitch (On-going)Where stories live. Discover now