Chapter 9: Confuse

359 8 1
                                    

Kiara's POV

Hapon na ngayon. Nasa play ground kami ngayon ni Sam. Naka-upo kami pareho sa swing. Kami lang dalawa dito. Vaccant kasi. Malapit ng mag uwian.

Hindi parin mabura sa isip ko ang misteryosong 'lalaki' kuno na nag bigay sa aking ng extra blouse upang makapagpalit ako.

Alam kong maaaring trip lang 'to nang mga nambubully sa'kin. Pero hindi ko maiwasang umasa. Sino kaya ang nag-bigay non? Akalain niyo yun! May nagkakagusto pala sa mga katulad ko?

Assuming na kung assuming! Wala akong pake! Bahala na kayo kung ano ang opinyon niyo!

"Uyy! Tulala ka na naman! Anyare sayo? Nang matapos ang Earthquake drill ganyan ka na. May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?" Tanong niya. Nanliliit ang mata niya. Kilang kilala niya talaga ako.

"Sasabihin ko sayo, pero wa'g kang maingay! Hah?" Sabi ko sa kaniya.

"Oo nga!" Pag A-assure niya sa 'kin

"Promise?" Paninigurado ko.

"Oo nga! Promise!" Atat niyang sabi.

"Alam mo ba-"

"Syempre hindi ko alam, kaya nga tinatanong kita!" Pilosopo niyang sabi

"Tch, Alam mo kasi kanina-"

"Oo nga kanina! Alam ko naman yun! Alangan naman kahapon!" Pamimilosopo niya ulit. Napa straight face nalang ako.

"Pwede wa'g sisingit?" Sabi ko

"Ito naman si bes, side comments ko lang naman yun! Oh, tuloy mo na!" Exited niyans sabi.

"Okay ito na, Pagkatapos kasi no'ng Earthquake drill, may nag bigay sa'kin ng extra blouse.." Sabi ko habang kinikilig parin.

"Kanino daw galing?" Curious niyang sabi.

"Aba'y malay ko! Pero may pin-in siyang letter sa blouse, wait lang.." dumukot ako sa bulsa ko upang kunin yung letter, ibinigay ko 'to sa kaniya, dali-dali naman niya itong hinablot sa kamay ko..

Habang binabasa niya ito, nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Pag katapos niya itong basahin ay umangat kaunti ang ulo niya. Tamang tama lang upang matingnan ang buo kong mukha. Tinangnan niya ako habang naka-taas ang kilay..

"Sino kaya 'to? Siguro pinag-t-tripan ka lang niyan!" Sabi niya.

"What if, hindi. Paano kong totoo talaga na may S.A. ako!" Pag dedepensa ko

"Sayo na mismo nanggaling ang salitang 'What if', meaning hindi ka sigurado, kung totohanan ba, o pang t-trip lang ng iba.." Pang-kukonsolta niya

Napanguso naman ako kasi, may point siya. Pero paano kung totoo? Paano kong may nagmamahal talaga sa 'kin? Ang haba naman ng hair ko!

"Pero teka, ano yung SA?" Tanong niya.

"Haha! Slow! SA for Secret Admirer" Sabi ko habang kinikilig

"Luh? Ang landi ne'to!" Sabi niya sa 'kin habang naka taas ang kaliwang kilay.

"Ayy! Grabe siya o'!" Pag rere-act ko sa mga sinabi niya.

"Kinilig ka naman sa naka-sulat dito?" Sabi niya

"Aba'y tinatanong pa ba 'yan syempre OO" Pakiramdam ko nag-iinit ang aking mga pisngi.

"Luh? Anong nakakakilig dito? Isa lang naan itong letter na may emoji?" Sabi niya habang naka-taas parin ang kaliwang kilay.

"Tch! Bitter ka kasi" sabi ko sabay hablot ng letter sa kamay niya. Siguro hindi pa 'to naka-move on sa past nila ni Kean..

Nerd Turns Into A Bitch (On-going)Where stories live. Discover now