Kiara's POV
Dalawang araw na ang nakalipas matapos manyari yung 'Extra Blouse Happening', at hanggang ngayon wala parin akong clue kung sino ang nag bigay noon. Naguguluhan na ako.
Pabalik na ako ngayon sa room. Katatapos ko lang mag-lunch. Wala si Sam ngayon dahil may ka meet daw sila na investors ngayon.
Papasok na ako sa room. Nang makapasok ako dumiretso agad ako sa upuan ko kung saan nakalagay ang bag ko. Laking gulat ko na makita ang libro ko sa Math na gutay-gutay na!
Bakit sa lahat ng libro Math pa? Ang terror panaman ng teacher namin sa subject na yun! Malapit na talagang tumulo ang luha ko
Sinubukan ko itong ayusin, pero ayaw talaga. Nawawala ang ibang page nito. Nagkapunit-punit ang cover. May mga glue pa nga sa ibang page, sanhi kong bakit dumikit ito at hindi na mabuklat.
"Sino na naman kaya ang may gawa nito? Hindi halatang galit na galit sila sa akin" pabulong kong sabi. Kung nandito lang so Sam nako! Siguradong mag papa-kuha yun ng investigator para mahanap lang ang may gawa nito, at Oo ganon siya ka OA.
Agad kong iniwan ang libro at dumiretso sa library. Umaasang may libro pa sa Math na natitira, may extrang pera pa naman ako. Nako! Pag hindi kasi kompleto yung mga libro mo, hindi mapipirmahan ang clearance mo.
Patakbo akong pumunta sa library. Which is nasa kabilang building pa. Bakit ang layo ng library, no?
Hingal na hingal akong dumating sa library, tumutulo pa nga ang pawis ko sa noo. Nagmukha pa akong aso, sa sobrang hingal ko. Buti nalang pag-pasok ko Aircon ang room, kaya agad nawala ang pawis ko.
Agad akong pumunta sa desk ng librarian. Nadatnan ko siya na nag ch-check ng isang log book. Halatang hindi niya nakita ang pag-dating ko.
"Excuse me, ma'am" magalang kong pag-isturbo sa kaniya. Umangat ang noo niya na nakataas ang kilay at inaayos ang salamin niya. Grabe! Parang mangangain siya ng tao!
"Yes?" Sagot niya sa'kin
"M-May libro po ba kayo sa Math?" Whoo! Grabe! Kakabahan ka talaga kapag nakita mo ang mukha niya.
"Anong year?" Balik na tanong niya sa akin
"Fourth Y-Year p-po" Halos nakayuko kong sabi sa kaniya.
Tumayo siya at nag lakad papunta sa hindi pa naka-arrange na mga libro. Tiningnan ang mga librong naka balot pa sa news paper. Pero ni isa wala akong nakita na librong hinahanap ko.
"Pasensya na miss, mukhang last na yung libro kanina..." Malumanay niyang sabi..
"Teka! May kumuha ng libro ngayon? Math, Fourth Year?" Curious kong tanong..
"Ahhh, Oo! Mga tatlongpong minuto na ang nakakalipas" Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim
Nag paalam na lang ako sa kaniya, at matamlay na bumalik sa room. Uupo sana ako sa armchair ko nang may nakita akong libro sa math na bagong-bago pa! Naka-bow pa ito!
Tinanggal ko ang ribbon. Binuklat ko ito mabilis na tiningnan ang bawat pahina. Bago nga! Nang umabot ako sa page 143 may nakalagay na naman na note dito.
Nakita ko kanina ang libro mo, sira-sira na. Gamitin mo nalang 'to. Binili ko pa yan galing library 😉. Alam ko kasi na terror ang Math teacher natin at hindi pwede na wala kang libro. Sana nagustohan mo yung ginawa ko. 😊😘
-Your One & Only 💕
Walang pasubali'y niyakap ko ang libro. Sino ka kaya? Sana makilala kita. Kahot hindi kita kilala, kinikilig parin ako. Iniisip ko kaso na may taong kayang gumawa nito sa'kin.
YOU ARE READING
Nerd Turns Into A Bitch (On-going)
Teen Fiction"The more you attached, the more painful it would get"- A lesson she would never forget. But, what if 'that' lessons repeat in her life again? Would she be ready?
