1

35 1 0
                                    

Kyle's POV

Hays, nakakatamad naman dito sa school. Pumunta na lang ako sa garden para magpahangin.

Ang school namin ay isang magical school. Oo, tama kaya ng nabasa. Magic exists in this school.

"Oh tol, kumusta? Bakit parang matamlay ka ngayon?" tanong ni Ren, isa sa mga barkada ko. Gwapo nga bobo naman. Pero mas gwapo ako.

"Para ka namang bago sa grupo eh. Syempre may iniisip na naman yan." sabi naman ni JM, isa pang tropa ko. Medyo may looks naman siya pero kung patalinuhan ang usapan, pati ako kaya niyang tapatan.

"Ah, ganun ba yun?" tanong ulit ni Ren.

"Ay oo, tatanga tanga ka na naman jan." sabat ni Pat, isa pang tropa ko.

"Siguro iniisip na naman niyan si Mary." sabi ni Carlo.

"Pwede ba manahimik kayo?! Kita niyong nagpapahinga ako!" sigaw ko sa kanila. Agad naman silang natahimik. Takot sila sa akin eh.

Kriing! Kriing!

"Hoy, Ren sagutin mo yung phone mo, ingay eh." sabi ni Pat.

Sinagot naman ni Ren yung tawag.

"Loudspeaker mo." utos ni JM.

"Ayaw. Hello? Opo, papunta na kami." sabi ni Ren.

"Ano yun?" tanong ko.

"Pinapapunta tayo ni sir sa office niya." sabi ni Ren.

"Sinong sir?" tanong naming lahat.

"Si Sir John." sagot niya.

WTF?! Bakit kami pinapatawag ng principal? Sa pagkakatanda ko wala pa naman kaming ginagawang kalokohan ah? Kasi kapag kami gumawa ng kalokohan, diretso na agad sa principal's office. Di na kailangan dumaan sa guidance.

"Uy Kyle, forever ka na lang bang tatayo jan?" tanong ni JM.

"Oo ayan na nga diba?" sarkastiko kong sagot.

After 10 years, nakarating kami sa office. Pumasok na agad kami.

"Good morning sir. Bakit niyo po kami ipinatawag? Wala pa naman po kaming ginagawang kalokohan ah?" ako na yung nagtanong dahil ako yung tumatayong leader sa aming lima.

"Una sa lahat, wala kayong ginawang kasalanan. Hintayin muna natin yung iba para mapag usapan natin ito ng maayos." kalmadong sagot ni sir.

Iba? So hindi lang pala kami ang ipinatawag. Sino kaya yung iba na yun?

Naghintay kami ng mga ilang minuto, scratch that, oras pala ang hinintay namin bago sila dumating. Kababaeng tao, mga pa-VIP.

"Good morning sir, may klase po kami kanina kaya po kami na-late." paliwanag nung isang babae. Leader ata nila. In fairness maganda rin siya.

"Okay lang yun. Maupo na kayo. Now magpakilala muna kayo sa isa't isa." sabi ni Mr. PrincEPAL.

"Ako si Rose Ann Bocacao." sabi nung babaeng straight ang buhok na may konting highlights.

"Carrisa Binamira. Nice to meet you." sabi nung babaeng naka pony tail.

"Ako si Daisy Jane Blancaflor. Hello sa inyo." pakilala nung babaeng blonde yung buhok na medyo chubby.

"Mara Liezl Pavia." sabi nung babaeng medyo wavy yung buhok. Aba, cold itong babaeng to ah.

"Zandra Lhoraine Austriaco." shet! Haba ng name niya ah. At kung cold yung kanina, mas cold ito. Pero mas cold ako sa kanya. Ako kaya ang tinaguriang 'Ice Prince' ng Skylit Academy.

"Boys, kayo naman ang magpakilala." sabi ni Mr. PrincEPAL.

"Ako si Neil Patrick Davila, please to meet you." sabi ni Pat ng hindi inaalis yung tingin niya sa phone niya.

"Hi, I'm Renante Resonabe, just call me Ren. I'm 18..." hindi na natapos yung pagpapakilala niya kasi bintukan siya ni JM. Sabihin daw ba yung edad niya?

"Jose Mosi Bael. JM na lang." sabi ni JM.

"Hi, Clint Carlo Dinglasan. Carlo na lang." pakilala ni Carlo.

Tumingin ako sa labas. Malapit kasi ako sa bintana. Pag tingin ko ulit sa loob, nakatitig silang lahat sa akin.

"Uh? Bakit?" tanong ko.

Binatukan ako ni Pat.

"Para saan yun?!" tanong ko ng medyo pasigaw.

"Magpakilala ka na. Hindi masabi ni sir yung sasabihin niya eh." paliwanag ni Pat.

"Kyle." yun na lang sinabi ko, tinatamad akong magsalita eh.

Sinamaan ako ng tingin nung apat kong kaibigan.

"Tss... Kyle David Esmenda." yan kumpleto na, happy?

Nakita kong nakatitig sa akin yung Zandra. Iba talaga kapag gwapo ka.

Magsasalita sana ako kaso nagsalita na yung epal.

"Alam ko naguguluhan kayo kung bakit ko kayo ipinatawag ngayon." sabi niya. Duh? Syempre naman, lahat naman siguro maguguluhan kung bigla ka nalang ipatawag ng principal.

"May ipapagawa ako sa inyong lahat. Since malapit na ang graduation niyo, kailangan niyong maglakbay around the world to graduate. Just like the last batch." pagpapatuloy niya.

Napaisip naman ako. A journey around the world? That would be a piece of cake.

"Pero sa paglalakbay na ito, kailangan niyong puntahan ay ang limang pinaka-abandonadong lugar sa buong mundo." dagdag pa niya at inabutan kami ng isang papel.

Tiningnan ko yung papel. Yung title nakasulat ay 'Five Most Dangerous Places on Earth.'

'Yung mga pangalan na ginamit ko rito ay pangalan ng tunay na tao. Mga kaibigan ko sila.'

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now