8

12 0 0
                                    

Mara's POV

I saw them. Kissing each other. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa nakita kong iyon. Alam ko naman na wala silang relasyon pero bakit hinalikan ni Kyle si Zandy? And nakita ko pang gumamit ng invisibility si Kyle para lang sundan si Zandy.

Believe it or not, I'm also one of the four legends. Hindi ko lang talaga alam kung ano yung isa ko pang magic noon. Pero ngayon, alam ko na. At yun ay ang enhanced eyesight. Medyo hawig yun dun sa enhanced senses ni Kyle pero ang kaya lang nang magic ko makakita ng mga bagay na hindi kayang makita ng naked eye.

Nakita kong pumasok si Kyle sa loob ng room nina Zandy. Ako naman, bumalik na lang sa loob ng room ko. Ayaw ko ng makita pa yung mga susunod na magaganap. Umupo na lang ako sa upuan.

'Students, the jet will be landing in a few moments. Please, prepare the things you need and stay in your rooms.'

Nagulat ako ng bigalang sumulpot si Kyle sa harap ko. Ugh, sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang yung nangyari kanina.

"Psst, okay ka lang?" tanong ni Kyle na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

"Oo, okay lang ako." sagot ko na lang kahit hindi.

"Hindi ka okay. Kanina ka pa tulala jan." pangangatwiran niya sa akin.

"Pagod lang ako Kyle. Wag mo na muna akong guluhin" sabi ko at tumalikod sa kanya.

"I know na nakita mo yung nangyari kanina. Don't try to deny it Mara." sabi ni niya sa akin.

Shit, nahuli niya ako. Kung hindi lang dahil sa enhanced senses niya hindi ako mahuhuli.

"Wag kang magtangka na sabihin sa kanila yun. Or else face the consequences." nakakatakot na saad niya.

"And what will you do if I will tell—" hindi na ako natapos pagsasalita ng may naramdaman akong malambot sa labi ko.

"Ikaw!" duro ko sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan?!" dugtong na tanong ko sa kanya.

"Well, that will be your punishment pag sinabi mo sa iba yun. And remember, kahit nasaan ka man, I can hear you very well." sabi niya na may matching turo pa sa tenga niya.

Ugh, that guy is so conceited. Pero wait, he just kissed me. He kissed me. I can't believe it. Hinalikan niya ako. Anong gagawin ko? Magwala? Magsaya? Tumambling?

Argh, Kyle David Esmenda, what did you do to me?

JM's POV

Nag-iba na nga si Kyle. Biruin mo, dalawa agad ang nahalikan niya.

Nakakapanibago siya. Hindi naman siya ganun dati. Lumalayo kasi siya sa mga babae sa tuwing may lumalapit sa kanya. Ano kaya ang nakain niya at siya mismo ang lumapit sa dalawang babaeng yun?

'Students, please remain seated. The plane will descend now.'

Lalanding na pala. Makapaghanda na nga. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pinalutang ko ang sarili ko para hindi ako matumba.

Nang matapos ko nang ayusin yung mga gamit ko, napansin ko na tulog pa yung kasama ko dito sa room ko. Sino nga ito? Ah, si Daisy.

Lumapit ako sa kanya para gisingin.

"Uy gising na, malapit na tayong maglanding." sabi ko sa kanya sabay tap sa balikat niya. Hindi pa rin nagising. Tulog mantika ata.

After trying many attempts, nagising ko rin siya.

'We have landed at the airport. Proceed to the car park and find Mr. Eric. He will be the one to drive you to your destination.'

After naming marinig yun, nagbabaan na kami. Nang makarating ako sa labas, biglang nagtaasan ang balahibo ko.

Anong klaseng lugar ito at pagkatuntong na pagkatuntong ko palang sa landing pad ng airport ay nagtaasan na agad ang balahibo ko?

Nagsimula na kaming maglakad at hinanap yung Mr. Eric. Naglakad kami ng naglakad at sa wakas nakita din namin. Ang liit kasi nung banner na dala niya eh. Mabuti nga at hindi pinapansin ng mga tao yung group name namin eh. Ikaw ba naman ang Devils and Angels ang group name, sinong hindi magtataka dun?

Bakit nga pala kami nandito? Ah, oo nga pala, pupunta kami sa Eastern State Penitentiary. Anong klaseng lugar ba yun? Nacu-curious tuloy ako.

Bigla ko namang naalala yung kasabihan na 'Curiousity killed the cat.' Kinilabutan naman ako agad. Paano kung mamatay ako dito? Paano na future ko? Waahh!

Ay, tama na ang katangahan JM. Balik tayo sa realidad. Sumakay na kami sa limousine na naghihintay sa amin.

Habang nasa biyahe kami, hindi ako mapakali. Hindi ko rin alam kung bakit.

"JM?" tawag sa akin ni Daisy na siyang ikinagulat ko.

"Ano ka ba Daisy? Ginulat mo naman ako. Grabe ka ha?" sabi ko sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko.

"Ay sorry naman. Ang likot likot mo kasi, nakakahilo kang tingnan." sabi naman niya sa akin.

Dahil sa kalikutan ko, pati ibang tao nadadamay. Hays. Hindi ko muna siya pinansin at humarap sa bintana. Yung pwesto ko kasi ay sa may bintana.

After siguro ng 12 minutes dumating na kami sa aming destinasyon.

Grabe naman itong lugar na ito. Labas palang eh alam mo na ibang klaseng lugar ito. Anlakas ng bad aura ng lugar. Sa labas palang yan, paano kung nasa loob na? Edi lalo na. Bahala na yan.

"Oy guys, punta na kayo sa partner niyo. Kita kita na lang tayo dito mamaya." sabi ni Zandra sa amin.

"Teka, ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Ren. Grabe talaga yung lalaking yun. Patanga tanga na naman. Batukan ko nga.

"Para saan yun?" iritang tanong niya sa akin.

"Antanga mo kasi. Alam mo namang pinapunta tayo dito ni Mr. PrincEpal para mag-adventure eh." sabi ko sa kanya.

"Ah ok. Sabi mo eh. Carissa, tara na." sabi niya sabay hatak sa partner niya.

Hays, kahit kailan talaga yung lalaking yun.

So, good luck na lang sa amin. Kung ano naman ang kahinatnan namin dito. Kung hindi lang ito kasama sa requirements para maka-graduate, hindi talaga ako sasama dito.

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now